Deserved
What is she doing here?
"How have you been?" Rachel asked frantically.
Her smile was not genuine. I can see the devilish eyes behind those curves and she is not to be mess with right now.
"I'm doing good. I'm glad you came back." I said shakily.
Not again, please...
She roamed around my room and focused her eyes to my name plate placed on the table. She caress it slowly with her delicate hands while looking at me. She moved and changed her position to face me. That's when I start to shiver again.
"I am also glad to came back," emphasizing her words to get her point.
Sinubukan kong humakbang upang magtungo sa aking silya ngunit hindi ko talaga magawa. Sa lahat ng pagkakataon, sa dami ng araw na pwede ko siyang makita, bakit dito pa?
Imbis na ako ang kumilos para umupo sa aking swivel chair ay naunahan niya ako. Marahan siyang gumagalaw habang papaupo sa aking silya.
"I used to love sitting on this chair..." pagtukoy niya sa aking upuan.
"An this room, it was supposed to be my office too." Roaming her eyes in every edge of this room.
"And my name should be carved in this plate," with just her finger she moved and slipped my name plate causing a shatter and shocking sound as the glass hits the tiled floor.
Pinigilan ko ang aking pagkagulat dahil sa kanyang ginawa. Pinakita ko na lang na matapang ako at hindi ako apektado ng presensya niya ngayon.
She is causing a mess inside my office and I was supposed to get angry and scold her and throw her out if I can.
She is Rachel Alcesto. My former colleague and my rival on my position before.
"How have you been, Bethany? I heard that you went to Batanes." She said.
"Yeah, I went there. The place was breathtakingly beautiful." Am I just gonna stand here on my door step? How am I supposed to sit down if she's on my sopt?
"By yourself?" She asked.
Anong isasagot ko? Our relationship is still a secret.
"Yes. All by myself." I gulped.
Tiningnan ko ang aking relo upang tingnan ang oras. Labing limang minuto na akong nakatayo at hindi masimulan ang trabaho dahil narito at nakaupo sa aking pwesto si Rachel. Hindi ako natatakot sa kanya, nakakagulat lang na halos isang taon siyang nawala at hindi nagparamdam sa kahit na sino sa amin.
"Well, okay." She stood up. "I'm sorry for your name plate," and she then leave the room with a mess.
I am not comfortable with her around. Bumalik na ba siya? Saang department? Makikita ko ba sa araw-araw?
Ayaw ko nang maulit ang nangyari noon. Dala ng bugso ng damdamin ang pag-aaway namin noon.
"I will give the position to you, Ms. Barcelon."
Nagalak ang aking puso sa aking narinig. Nagmula mismo sa bibig ng aming boss na si Mr. Dela Calzeda. Palakpakan ng mga empleyado ang sunod kong narinig.
Finally, the position I dreamed of.
"Thank you so much, Mr. Dela Calzeda. I will not disappoint you." I bowed.
Walang tigil ang aking pagngiti sa mga tao. Hindi ko magawang alisin ito sa aking mukha dahil tila ito ay naging normal na sa akin. Masayang-masaya ako dahil ang pinapangarap kong posisyon sa departamentong ito ay nakamit ko na. Ang tagal kong hinintay na makamit ito. Lahat ng pagod, lahat ng hirap, lahat ng puyat ay ginugol ko sa trabaho upang maging karapat-dapat ako sa posisyon.
Pagkatapos ng anunsyo ng aking promosyon ay nagsibalikan na sa trabaho ang lahat. Pumasok na sa kanyang opisina ang aming presidente.
"Ma'am! Sa wakas, ang pinapangarap mong posisyon!" Sumulpot si Jom sa harapan ko.
"Salamat, Jom. If you really want something, you will do everything to have it." Sagot ko.
Si Jom ang paborito ko sa lahat ng mga ahente sa departamentong ito. Mabait, masunurin at tinatanggap ang mga pagkakamali nito. Eager to learn and willing to admit mistakes. He is still starting but his progress was unbeatable.
Lunch break, kasama ang ibang team leaders ang kumakain ngayon sa cafeteria.
"Hindi na ako papasok kung si Rachel ang mapupunta sa posisyon mo ngayon, Bethany." Reklamo ng isang team leader sa kabilang grupo.
"Alm ko na ang kahihinatnan kung siya ang magiging Manager! She is not fit for the position!" Inis na sabi naman ng isa.
"Maybe this is not for her. Maybe there's more to come to her way. Huwag nyo siyang husgahan, we have different ways." Pagtatanggol ko.
Napapansin ko rin ang masamang ugali ni Rachel sa trabaho. Palagi itong masungit at hindi nakikisama sa iba pang empleyado. Ngunit wala naman iyong problema sa akin dahil hindi naman naaapektuhan ang trabaho nito.
"If she will be the Manager, the whole sales department will be in dark gotham field!"
"Yes! She is not fit to the position!"
"And who do you think fits the most?" Rachel's voice echoed in my ears.
Napatingin kaming lahat sa direksyon ni Rachel kung saan nanggaling ang kanyang boses. May dala itong tray ng kanyang pagkain habang nakatingin sa aking katabi. Wala mang ekspresyon ang kanyang mukha ngunit nararamdaman ko na hindi niya nagustuhan ang sinabi ng aking kaibigan.
"Who do you think fits the most, Lana?" Paguulit niyang tanong na nakatuon sa babaeng katabi ko.
"I was just congratulating her. That she was fit for the position." Lana fiercely answered.
I can see fear in Lana's eyes. Hindi niya akalain na maririnig ni Rachel ang sinabi nito.
"That's not what I heard from your filthy mouth," Rachel said.
"Narinig mo naman pala. Bakit mo pa tinatanong?" Tanong naman ng kaharap ko.
"I need to make sure that you are not talking something cruel behind my back,"
The tension is really high right now.
"That is not what they meant, Rachel. They never talked ill about you. We will also want to congratulate you because you have come so far and we both did great." I softly said.
Hindi ko ito ginawa para ipagtanggol ang aking mga kaibigan. Ginawa ko ito dahil ayokong lumikha ng gulo at alitan sa pahitan naming dalawa. Ayokong magagalit siya sa akin nang dahil lamang sa hindi niya nakuha ang gusto nito. Alam kong galit na siya, ayaw ko lang na dagdagan pa.
Masama at parang nanlilisik ang kanyang mga mata nang ako'y tingnan. Kahit nananatiling walang ekspresyon ang kanyang mukha ay hinayaan niyang maging bukas ang kanyang mga mata upang malaman ko kung ano ang nararamdaman niya. Limang segundo ang kanyang tinagal sa pagtitig sa akin bago ako talikuran at naglakad papunta sa malayong lamesa mula sa aming direksyon.
She is mad.
Noong una pa lamang ay hindi na niya ako gusto. Umusbong pa lalo ang kanyang pagkadisgusto sa akin nang magagawan kami sa posisyong ito. Ngunit hindi ko naman gusto na bitawan na lamang ito dahil pangarap ko pa rin ito. Naging patas naman ang aming laban at sinigurado kong ginawa ko ang lahat ng aking makakaya upang makamit ito.
After all, I deserved it.
"Sige na, mauna na kayo. I need to pee so bad." Halos takbuhin ko na ang layo ng banyo para lamang mailabas ko na ito.
Tapos na ang aming lunch break ngayon at oras na para bumalik sa trabaho. Marami pa akong dapat ayusin lalo na at nadagdagan ang mga gawain ko bilang bagong Manager ng sales department.
Padarag kong sinarado ang pintuan ng isang cubicle at agarang guminhawa ang aking pakiramdam nang mailabas ko na ito. Narinig kong bumukas ang pintuan sa kabilang cubicle hudyat na may pumasok. Nang matapos ako ay agad ko nang sinuot ang aking pantalon at lumabas na para maghugas ng kamay. Tiningnan ko ang aking sarili, hindi pa rin ako makapaniwala sa biglaang blessing na dumating sa akin. Alam kong ginawa ko ang lahat para dito at wala akong pinagsisisihan sa mga naging desisyon ko. Bagong responsibilidad ang aking kakaharapin at kailangan ko nang maghanda para sa ganoon.
"Masaya ka ba?" Napatingin ako sa salamin nang narinig kong may nagsalita mula sa aking likod. "Anong pakiramdam na ninakaw mo ang opportunity ko?" Bulong ni Rachel.
"Wala akong ninakaw sayo. Patas ang naging labanan natin." Mahinahon ang aking pagsasalita.
Bakit ganito ang iniisip niya?
"Ako sana iyon kung hindi ka nakisawsaw," may gigil sa kanyang boses.
"Rachel, I don't want to have a feud between us. We faced same trials and the decision was not mine." Humarap ako sa kanya.
"But still, you ruined all my plans."
"I didn't,"
Bakit ba hindi niya maintindhan na wala akong ginawa sa kanya?
Malinaw naman ang lahat.
HIndi ko na talaga makayanan ang trating ibinibigay niya as mga taong nasa paligid niya.
Hindi lang ako ang nakakatanggap ng ganitong trato, maging ang ibang empleyado ng kumpanya. Kami ang lumalapit sa kanya ngunit bakit niya kami pinapalayo sa kanya?
Kagaya ng palagi niyang ginagawa, masamang tingin ang ginagawad sa akin bago ako talikuran. Ilang beses na at hindi ko na kukunsintihin pa.
"What did I ever do to you to treat me like this?" I burst.
Kaya kong magtiis. Kaya kong magtimpi. Ngunit kapag sumobra na, iyon ang hindi ko na kaya.
"I've never done anything bad to you," tinulak ko siya dahilan ng pagsarado ng pintuan ng buong woman's restroom.
Gusto ko siyang saktan. Ngunit hindi ako ganoong babae.
"Bakit hindi mo balikan ang mga araw upang malaman mo kung ano ang ginawa mo sa akin?" Sagot niya.
"Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo!" Kinuyom ko ang aking mga daliri.
Tinitingnan niya ang aking ekspresyon. Paano niya nagagawang parang walang pakialam ang kanyang mukha sa nangyayari ngayon? Parang hindi siya naaapektuhan sa nangyayari ngayon.
"Hindi mo maalala?" Tanong nito.
Ano bang sinasabi niya?
"Back when you were still a trainee. Remember those moments you embarrassed me. You threw away my idea and they chose yours over mine." She said.
Back in those days, I was still a newbie in the company. Rachel was my mentor because she was going to take her two months vacation leave. One time, we held a meeting on how we can improve our service and what products to upgrade to sell in the market. I was so participant that time because the field was similar to what I studied in my collage. Luckily, my idea got approved and implemented immediately that made the sales went up.
Is that why she's angry at me?
I didn't know that she held that through out of anger.
"I didn't mean that,"
"Yes you did,"
That was just one time. Because I also felt that I she's not happy for whatever I did.
"Gahaman ka rin. Tumaas lang ang posisyon mo, akala mo ay kung sino ka na. Inaangkin mo ang lahat." Mapanakit ang kanyang mga salita. Kahit wala naman akong ginagawa ay parang nagiging kasalanan ko pa na galit siya ngayon.
"This is not the end for me. I will come back, and I will make sure to take what's rightfully mine." Banta nito bago ako iwang mag-isa at naguguluhan sa loob ng banyo.
Sa simpleng mga pangyayari, hindi ko akalain na malaki ang galit sa akin ni Rachel. Hindi ko napansin ang mga ganoong bagay dahil mas pokus ako sa aking trabaho at sa mga pagsisikap para makamit ang posisyong ito.
Sabi ni Mama, walang problema kung gusto kong makamit ang aking mga pangarap. Basta wala akong natatapakang ibang tao sa bawat hakbang ko sa pag-abot nito. Ngunit bakit pakiramdam ko ay natapakan ko si Rachel? Nasaktan ko siya dahil lamang sa kagustuhan ko.
Ang hirap ng buhay. Minsan ay hindi mo talaga alam kung saan ka lulugar.
"You seemed bothered," sa kalagitnaan ng aking pagkatulala ay narinig ko ang boses ni Wilder na nagpabaliks a aking ulirat.
"No, I'm just tired. Workload." I sipped in my coffee.
Our free time together. During lunch at work. Ang just sipping our coffee in our favorite coffee place near the building.
"Do you want me to talk to father to lessen your workload?" He asked.
"No! That's too child-ish. I just need to take a rest, that's all." Pigil ko.
Hindi naman tama iyon. Ayokong kunsintihin siya sa mga gusto niya.
Kababalik pa lamang namin galing Batanes kaya sariwa pa sa aking isipan ang mga nangyari sa lugar na iyon. Gusto kong bumalik ngunit hindi ko alam kung kailan. Hindi ko alam kung kailan mauulit.
Hindi ko akalain ang biglaang pagbabalik ni Rachel matapos ang halos isang taong pagkawala niya sa opisina. Hindi siya sinabi ang kanyang kinaroroonan at wala ni isa sa amin ang pinagsabihan nito. At ngayon na narito siyang muli, ano nang mangyayari?
"Father was in his office earlier. He summoned me there. He was talking to a former employee, I guess. And she seemed familiar to other employees too." He opened up another topic.
That was Rachel. I knew it.
"Alam mo ba kung ano napagusapan nila? What will happen to me?" I worry too much.
Kahit walang katuturan ang aking mga tanong ay nasambit ko pa rin. Naguluhan maging si Wilder ngunit maaya naman niya akong sinagot.
"The lady will be back to her work but she will be put in Holiday Department. She will be the team leader." Sagot nito.
Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya.
"Ah. I see." I sipped my coffee again.
There's still thirty minutes more before the lunch break ends. Ayoko ko pang bumalik dahil mas gusto ko pang makasama ng matagal si Wilder. We rarely see each other in the office because of our work. We tend to get busy especially every end of the month; achieving target sales, finishing monthly reports, tallying the total sales of each sales staff and more. This is my only time to be with him because I don't know If I will see him this evening.
I worry too much. Ayaw ko lang na mawala lahat ng pinaghirapan ko sa isang iglap lang dahil dumating siya.
"Any plans this Saturday?" Tanong niya habang nasa elevator kami pabalik sa opisina.
"Alam mo naman kung saan ako pumupunta tuwing Sabado," I still keep my distance to him because I don't want any rumors to go up.
"After. Hindi ko naman sinabi na kukunin ko ang buong oras mo sa Sabado." Sagot nito.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.
"Basta. Dress nicely. I'll fetch you at seven." Pagkasabi niya ng mga salitang iyon ay siyang bukas ng pintuan ng elevator. Nauna siyang lumabas at naiwan akong mag-isa at naguguluhan.
Hindi ko na siya napigilan pa dahil nasa tamang palapag na kami. Hindi ko siya pwedeng awayin at sigawan dahil marami ang makakakita. Sumuko na lamang ako at nagpatuloy na sa aking paglalakad papunta sa aking opisina. Hindi nakaligtas sa akin ang mapanuring mga mata ni Rachel nang madaanan ko ng tingin ang kanyang station sa dulo.
Mapanuri na tila may gustong iparating.
"Ma'am Beth! Patulong naman po dito." Pagtawag sa akin ng isang ahenteng baguhan.
Agad ko naman siyang nilapitan upang maiwaksi ang aking tingin sa kanya.
"Ano iyon, Carla?" Tanong ko.
"Magbabayad na kasi sila Ma'am pero ang problema, ayaw nila na may bank charge sa credit card. Pinaliwanag ko naman po pero ayaw pa rin nila." Litanya ni Carla.
"Cash payment," suhestiyon ko.
"Kulang daw po ang cash nila. Pero gusto na po nila ipa-process dito." Sagot nito.
"Is that a package?"
Kung hindi nila mababayaran ng isang bagsakan, huwag biglain. Kung pwede naman na utay-utay.
"Yes Ma'am,"
"Huwag muna nila bayaran lahat. Pwedeng air tickets muna, kasi madaling magtaas ang presyo nito."
Air ticket is always subject to change. The availability is depends on the airline and the rules are always up to them.
Isa sa mahirap na kuhanin ay ang mga air tickets, bukod sa madaling magtaas ang presyo nito, isa pa ay limited seats lamang ang mga natitira.
"Okay Ma'am. Thank you!"
Dumiretso na ako sa aking opisina upang gawin na ang mga naiwan kong trabaho. Ngayon ay Huwebes at kakabalik ko pa lamang mula sa bakasyon. Dahil malapit na naman ang katapusan ng buong linggong ito kaya dapat matapos ko na ito sa Biyernes.
Matapos ang isang pile ng mga folders na kinailangan kong basahin at pag-aralan ay pinahinga ko muna ang aking mga mata. Tinanggal ko ang aking salamin at bahagyang sumandal sa aking upuan upang ipikit ng kaunting segundo ang aking mga mata. Sa katagalan ng palagi kong pagtitig sa kompyuter, kinailangan kong gumamit ng salaming nagsasala ng radiation upang hindi agad masira ang aking mga mata.
"I should never take long vacations from now on," sinabi ko sa aking sarili.
Ang ayoko sa lahat ay ang natatambakan ako ng gawain. Hindi ko alam kung alin ang uunahin at kung paano sisimulan.
"Take a little break, duh?" That's Jom's voice, I am certain.
Pumasok na naman ng aking opisina nang hindi kumakatok.
Minulat ko ang aking mga mata at nadatnan ko siyang nakatingin sa akin habang nakapamaywang. Mataray ang kanyang mga kilay na parang may nagawa akong mali sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito?" Hindi na bago sa kanya ang pagsusungit ko.
"Malaki ang kasalanan mo talaga sa akin, Miss!" Singhal nito.
Ngumisi ako. Alam ko na kung ano ang tinutukoy niya kaya umayos ako ng aking upo. Binuksan ang aking drawer at kinuha ang nakabalot na kahon upang iabot sa kanya.
"Oh," sambit ko.
"Ano iyan?" Tanong nito sa masungit pa rin na tono.
"Pasalubong ko sayo," ang hirap din nga talaga niya makaintindi paminsan.
Nagningning naman agad ang kanyang mga mata nang tanggapin nito ang bigay ko. Alam kong paborito niya ang mga iyon kaya hindi ako magkakamali ng pagpili sa mga ito. May kasalanan ako sa kanya dahil iniwan ko siya nang hindi nagpapaalam ng maayos kaya ngayon ay bibigyan ko siya ng pakunswelo man lang upang maiwaksi ang tampo niya sa akin.
"Oh my gosh!" He exaggerated.
"Shut up," saway ko.
Ang ingay talaga niya.
"Oh my gosh talaga!" Halos maiyak pa siya.
"Sige na, umalis ka na sa harapan ko at marami pa akong gagawin." Pagtataboy ko sa kanya. Natatawa na lamang ako sa nagiging reaksyon niya ngayon.
"Bakit ito lang?" Tanong niya.
Hindi pa siya nasiyahan sa sa dried mangoes at ube cookies na dinala ko?
Natigilan naman ako sa aking pagngiti. Hindi kuntento si Jom sa dala ko para sa kanya na nagpaguho ng mundo ko.
"Hindi mo man lang dinamihan," dugtong nito.
"Hindi ka pa magpasalamat at nagdala pa ako ng pasalubong para sayo!" Singhal ko.
"Char! Keri na ito. Thanks. Bye!" Anito at lumabas na ng aking maliit na opisina.
Pumunta lamang dito para bwisitin ako. Hindi na iyon bago dahil matagal na niyang ginagawa iyon sa akin. Nakakatuwa lang dahil doon nagsimula ang aming pagkakaibigan. Sa ganitong mga pagkakataon kami nagsimula kung saan ay palagi niya akong inaasar at ginagalit.
"Anong nangyayari dito?" Tanong ko nang madatnan kong umiiyak ang isang ahente noong lumabas ako ng aking opisina upang magmasid.
"Wrong application of visa. Ayon, galing ang kliyente." Ang sumagot ay si Jom.
Lahat sila ay napapatingin sa aming direksyon nang lapitan ko si Carla na umiiyak kahit na may trabaho ang mga ito. Ang iba naman sa mga ito ay tumutulong kung paano solusyunan ang ganitong problema ay iba naman ay mas tutok sa sarili nilang trabaho.
"Bakit nagkamali ka pa? You learned about this in the training." Galit na tanong ni Jom kay Carla. Team member niya kasi ito.
"Jom, calm down. It's normal to make mistake." Sabi ko.
Dinaluhan ko si Carla. Pinakinggan ko ang mga sinabi niya tungkol sa nangyaring pagkakamali. Tiningnan ko kung ano ang kanyang ginawa. Habang ginagawa iyon ay iniisip ko kung ano ang pwede naming gawin.
"Isang pamilya pala ang in-apply-an mo ng ninety days UAE visa," mahinahon kong tugon kay Carla.
Tumango na lamang ito dahil hindi ito makapagsalita ng maayos dahil sa kanyang pag-iyak.
"Unang beses na pagkakamali mo ba?" Tumango siyang muli habang nakayuko ang ulo.
Kapag bago at hindi ka pa pamilyar sa paligid at sa mga ginagawa, hindi talaga maiiwasang magkamali. Ang mahalaga ay hindi na mauulit pa ang pagkakamali at may napulot kang aral at karanasan na madadala mo hanggang sa pagtagal ng panahon. Kagaya ko, hindi ako napunta sa ganitong posisyon nang hindi rin ako naging bago. Nagkamali rin ako bago ako natuto.
Paving you way to top is not always easy. There are craters, there are obstacles, there are challenges that you need to encounter to make you strong and gain knowledge.
"It's okay. Make sure to not make the same mistake again." Pag-alo ko sa kanya.
"Jom, submit to me her incident report. I will send it to the management tomorrow." I turned to Carla again, "stop crying now, we will talk about this first, okay?"
Wherever I go, I always bring my two cellphones. One for the company and one for my personal use. The second one beeped for a text message and I immediately opened it.
Wilder:
Don't face your luscious bottom on me.
Sa mensaheng kanyang pinahatid ay napatingin naman ako sa kanyang direksyon. Pinandilatan ko ito ng mata at malawak na ngiti lamang ang ibinalik sa akin. Wala pa ako sa opisina nang mabasa ko ito kaya todo kaba ang aking nararamdaman. Sa hindi malamang dahilan, kumakabog ang aking dibdib.
Ako:
Back to your work!
Napainom ako ng tubig pagkabalik ko sa loob ng aking opisina. Wala talagang pinipiling lugar itong si Wilder sa kanyang mga pagnanasa.
Iwinaksi ko iyon sa aking isipan at bumalik nang muli sa trabaho. Ginugol ko ang mga natitirang oras sa mga gawain at halos hindi ko na napansin ang pagtakbo ng oras. Alas siete na ng gabi at kakatapos ko pa lamang sa aking mga ginawa para sa araw na ito.
"Ngayon ka pa lang ba uuwi?" Tanong ni Wilder sa kabilang linya. Maaga siyang nakauwi ngayon dahil may family dinner sila ng pamilya niya.
"Oo, tinapos ko pa na pagsamahin sa isang file ang mga dokumento." Pinindot ko ang down button ng elevator at naghintay sa harap nito.
"I'm sorry, I can't fetch you right now. Hindi pa tapos ang dinner namin ngayon, pumunta lang ako sa restroom para makausap ka." Sabi nito.
I'm touched.
"It's okay. I can commute." Ano ba, Bethany? Para ka namang nasasapian na bigla na lamang ngumingiti.
Pagharap ko sa salamin na pintuan ng elevator.
"Mag-ingat ka. Babawi ako sa Saturday, I promise." Sabi nito.
"Bumalik ka na sa table niyo. hinahanap ka na ni Mr. Chairman, for sure." Dahil kapag nagtagal pa na magkausap tayo ay hindi ko mapigilan ang aking pagngiti.
"I will. I love you. I missed you."
"Stop,"
"Nasaan ang balik ko?"
"Bumalik ka na sa kanila,"
"Say it first,"
"What?"
I still don't feel the need to say it. I still need to prove to myself how deep it is.
I just need to make sure.
"Say that you love me too. Say that you missed me too." He commanded. "I won't hang up until you say it."
"Wil, I have to go." Pagpipilit ko.
"You can go... after you say it."
Umirap na lamang sa ere ang aking mga mata. Ano bang mamagawa niya kung hindi ko sabihin? Tawag lamang naman ito at kahit anong oras ay pwede kong ibaba. Wala naman siya dito.
"Whatever, bye!" I hanged up.
Tumunog ang elevator dahilan na nasa tamang palapag na ito at nagbukas na ang pintuan. Bago ako makapasok ay nadatnan ko si Rachel na palapit sa aking direksyon. Hindi pa pala ito nakakauwi.
Ano ang gagawin ko? Isasabay ko ba siya sa elevator?
"Hold up," she said.
Nauna akong pumasok dito at sumunod naman siya. Pagkasara ng pintuan ay siya na ang nagpintod ng palapag na bababaan naming dalawa. Tatagal ng halos ilang minuto ang pagbaba ng elevator at naiinip ako dahil kasama ko siya.
"You have a boyfriend,"
That is not a question but a statement.
Did she heard us?
"Ah... yeah," nahihiya kong sagot.
"I used to remember that you are rejecting boys the first time you met them," sabi nito.
"I guess, some thing's changed." I awkwardly laughed.
"Maybe," she sound so mysterious.
Sa wakas, nang makalapag ang elevator sa ground floor ay nauna na akong naglakad sa kanya. Tumango lamang ako bilang tanda ng respeto ko sa kanya bago ko siya iwan. Lumabas na ako ng building nang hindi tumitingin sa aking likuran.
Tumutunog na naman ang aking telepono sa paghihinalang si Wilder na naman iyon. Hindi ako nakapagpaalam sa kanya ng maayos bago ko ibaba ang kanyang tawag kaya hindi na ako magkakamali kung siya nga iyon. Ngunit sa pangalawang pagkakataon ay tumunog muling ito.
"Manong, sa katapat na building ng Popeyes." Sabi ko sa driver ng taxi.
Hinintay ko munang makaandar ang sasakyan bago ko kunin ang telepono sa aking bag.
Pangalan ng orphanage na palagi kong binibisita ang tumatawag ngayon.
Ano naman ang kanyang sadya sa ganitong oras?
"Hello?" I answered.
Waiting for the other line's answer.
"Angela..." a mourning voice cracked.