Luha Collie Alvaro Dela Merced "Sasama pa ba sila Riss? " tanong ko sa kanya. " Yes. Pursigido ang dalawa. And they are not even scared. Malakas ang fighting spirit nila na darating ang panahon. Isa sa dalawa ang magiging Prince Charming mo" sabay inom na ng kape ni Riss. The day after tomorrow. Sakalan ang magaganap at hindi kasalan. Maitatali na ako sa pinaka masamang gwapong nilikha ng Maykapal. I took the wedding invitations from my shoulder bag atsaka ko na ibinigay kay Riss. "Nasa sa'yo na iyung mga damit. Kita na lang tayo roon. " " Good luck Collie. I know you are a strong person baby. Kakayanin mo 'to" "Sana nga Riss. Anyway, malapit na ang flight ko. Mamimiss ko ang buhay single. " aniko sabay singhap. Napapaluha tuloy ako. Nakakapanibago. Pumunta na ako sa harapan ng

