All Collie Alvaro Dela Merced Napamulat na lang ako dahil sa pagtama ng sinag ng Araw. Nasa hotel pa naman ako. Pero hindi pala sinag ng araw ang tumama sa mata ko kundi ilaw mula sa kisame. "Gising na bunsoy. Mag almusal na tayo sa baba. Nandoon na si Tito Kaito at iyang ungas mong fiancé " ani kuya Keel. Tumayo na ako at marahan kong kinusot ang aking mata. I just weakly smiled. " Susunod na lang ako kuya. Mag aayos lang ako ng kaunti" Alam kong bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala. Pero kaya ko naman e. Hangga't kaya kong ipakita sa kanila na kaya ko. Gagawin ko. Brave. It is all an act. The truth is gusto ko ng umiyak. Dahil para akong sumubo ng mainit na kanin habang naka tape ang aking bibig at nakatali ang aking mga kamay. I sighed atsaka na ako pumunta sa banyo upang mag-a

