Change Night Collie Alvaro Dela Merced Lunes ng umaga at isang malaking himala at maaga akong nagising. Who knows? Baka nagsawa na sa akin ang mga nilalang sa dreamland at itinaboy na ako. Hindi ko sila masisisi. Takaw tulog talaga naman kasi ako. Ang sarap kayang matulog, lalo na kapag nakasando at short lang tapos may comfortable akong pillow. Arte lang. Pumunta na ako sa banyo sa loob ng aking kwarto at hindi ko na dapat pang i-narrate ang nangyari. Por dios, ang dami ko ng awkward s***h eengot-engot scene. I can't take it anymore okay? Nakabihis na ako sa aking Black Blaze black pants na may yellow na embedded sa gilid, tipikal na school uniform ng school namin. Biglang bumukas ang pinto at tulad ng nakagawian ay may hawak hawak na sandok si Inay na pumasok sa aking kwarto. "Ana

