Nai-blocked na niya ang mobile number ni Renz at hindi na pinaparating sa kanya ni Jodi ang tawag nito sa opisina. Maging ang mga regalo at bulaklak ay hindi na din nito tinatanggap. Sa katunayan ay sa reception pa lang ay rejected na ang mga kawawang bulaklak at regalo. Nang araw na iyon ay late na siya nakauwi. Hinahanap niya ang susi ng kotse niya pagkalabas ng elevator sa basement ng hotel at pag-angat niya ng paningin ay nakita niyang nakasandal doon si Renz. Napatuwid ito ng tayo nang makita siya. Malaki ang ngiti nito at inayos ang pagkakahawak sa mga rosas. Katulad ito nang mga nakaraang bulaklak na natatanggap niya mula dito. Bumuga siya ng hangin upang pakalmahin ang sarili dahil sa totoo lang ay kumukulo ang dugo niya ngayong nakaharap muli niya ito. Siguro ay dahil n

