Third Person POV:
Ang hirap maging mahirap.
Eto ang palaging sinasabi ni Elijah sa kaniyang isipan sa tuwing nagtatrabaho siya. Mahirap ang maging mahirap. Minsan, sumasagi sa isip niya bakit kailangan niyang magtrabaho sa murang edad pa lamang.
Kung hindi niyo nalalaman, si Elijah ay nagsimulang maging working student noong siya‘y nasa high school pa lamang dahil hindi na sila kayang buhayin ng kaniyang ama. Hindi man lang niya naranasan mag-enjoy gaya ng ibang bata. Akala niya, kapag kaya na ng mga kapatid niya, kapag kaya na nilang pumasok at mag-asikaso ng sarili nila, akala niya maaasikaso niya na rin ang kaniya pero hindi pala. Dahil pagtapos no‘n, responsibilidad agad ang sumalubong sa kaniya.
Aral, trabaho, sustento... Halos lahat.
Akala niya, masakit ‘yung ginawang pag-iwan ng mama niya sa kaniya. Pero mas masakit pala ‘yung iwanan siya ng mama niya ng responsibilidad na dapat hindi niya dinadala.
Kaya naman hindi siya naniniwala sa pag-ibig na ’yan. Pakiramdam niya hindi totoo ‘yon. Paano naman siya maniniwala roon kung nakita niyang magmahalan ang kaniyang magulang, hanggang sa nauwi lang ito sa sakitan?
Lahat ng bagay, kailangan pagbutihan ni Elijah para makuha niya. Career, magandang buhay... Pero hindi ang love. Gusto niya lang maging masaya, tanging ayon lang. Kaya naman nung dumating si Kenzie sa buhay niya, natatakot siya na baka mag-iba. Na baka mamaya, magbago ang isip niya.
But, Elijah was loyal to herself. Ayaw niyang masaktan, kaya gagawin niya ang lahat para lang hindi mahulog ang loob niya sa binata.
“Hey, you got our order wrong.”
Tumayo agad si Elijah nang lumapit sa counter ang isang customer na babae. Mukha siyang mataray.
“Po?” Elijah answered. “May I ask for your table number ma'am? Para po ma-double check ko po.” Magalang na sabi niya.
“23,” she answered.
Agad tinignan ni Elijah ang nasa monitor. Napakunot pa ang noo niya dahil tama naman ‘yon. Ayon ang order ng babae kanina.
“I’m sorry, Ma'am. Pero tama naman po ‘yung nakalagay rito-”
“Are you saying I'm wrong?” the mid 20s woman raised her brows.
“No ma'am. I'm saying is tama po ’yung nakalagay rito. Sure po ba kayong tama ‘yung order na nakuha niyo? Baka po kasi mali ’yung nakuha niyo sa receive order-”
“The fvck, girl? Mali nga ‘yung bigay mo! Bakit ba pinagpipilitan mong ako ’yung mali?!” Sigaw nang babae kaya kabadong tumingin si Elijah sa ibang customer na ngayon ay pinagtitinginan na sila.
Eto ang ayaw niya sa lahat. Kahit gusto niyang patulan ‘yung ganitong customer, hindi niya magawa kasi alam niyang hindi siya kakampihan ng manager niya. At worst, baka matanggal pa siya sa trabaho. Hindi niya naman gustong mangyayari ’yon dahil masyadong importante ang trabaho niya.
Ang ending ay kinausap ng customer ang manager nila. Akala ni Elijah siya ang kakampihan, pero mabuti na lang ay hindi siya umasa dahil hindi ‘yon ang nangyari. Ang nangyari ay inulit niya na lang ang order ng babae, kaya malaki na naman ang kaltas nito sa sahod niya.
Iniisip niya pa lang ay sumasakit na ang ulo niya. 6k per month lang ang sahod niya rito, tapos mabahawasan pa ng 1k. Bukod pa ‘yung sahod nila kapag na-short. Hindi lang naman ito ang trabaho niya, pero syempre kung iisipin mahirap talaga. Sa kaniya na lang umaasa ang papa niya at ang apat niyang kapatid kaya kahit tatlo ang trabaho ni Elijah, mahirap pa rin pagkasyahin lalo na‘t maraming bayarin sa school kahit pa may scholarship naman siya.
From: Papa
nak... si bunso nilalagnat yta sha. klngan dlhin s hospita, may extra k ba riyan? ok lng kng wla, nk... may pera p nmn aq hehe
From: Baho
Ate!!! May laro kami bball next week :( SIRA NA SAPATOS KO HUHU baka naman? 4k lang ate kasama na pambayad sa jersey :(
From: Pangit
Ate huhu I love so much pero pwede ba makuha ngayon allowance ko next month? May outing kasi kami ihh huhu I LOVE YOU
From: Dete
Hi ate! May need kami bayaran sa college huhu
Napabuntong hininga na lang si Elijah habang binabasa ang text ng Papa at mga kapatid niya. Hindi niya maiwasang maluha at mamoblema. Ayaw niyang madamot sa mga ito kaya naman wala siyang choice kundi replya-an silang lahat ng...
“Sige, pag-uwi ko tsaka ko bibigay ’yung pera.”
Alam niyang wala na namang matitira sa kaniya, pero ayaw niyang makaranas ang kapatid niya nang paghihirap gaya nang naranasan niya habang siya ay tumatanda. Kaya kahit pa alam niyang siya ang mawawalan sa huli, hindi niya na inintindi ’yon dahil magiging masaya at maayos naman sila.
—
“Good day, Mr. Mclaire! Ready na po lahat! How's the meeting po?”
Meanwhile, ibang-iba naman ang mundong ginagalawan ni Kenzie Jace Mclaire kumpara sa buhay ng dalaga. He's one of the world's youngest multi-billionaire. Can you imagine how rich he was? I bet hindi. Parang impossible, ‘no? Kasi ang bata niya pa. He's turning 25 next next week. Imagine, 25 year-old ka lang pero sobrang successful mo na.
Every second thousands of money lang naman ang nadadagdag sa bank accounts niya. Like, as in accountS. He has a lot of accounts. Sa kaniya pa lang ’yan, ha? Paano pa kapag pinagsama-sama na ang accounts ng buong pamilya niya.
And when it comes to business, lahat ay ginugustong maka-partner siya sa negosyo, o kaya ay maging investor.
See? Lahat meron siya. Looks? Ugh, he's so handsome. Favorite ni Lord! His eyes are beautiful yet look so dark and dangerous. Parang mas gugustuhin mo na lang matunaw kapag tinitigan ka niya. Never siyang ngumiti sa kahit kanino, kahit sa sarili niyang employee. And, of course his body is a well-built figure of a man, parang halos walang palya sa pag-ggym. Hindi problema kay Kenzie ang pera, ang materyal na bagay. Money, lands, villa, vehicles, resorts, properties, companies, and lahat ng bagay na maiisip niyo ay meron siya.
Lahat ng bagay na kay Kenzie na except for 3 things.
Family, friends, and genuine love.
Not totally of course. Pero never got a chance to experience the real definition of family. Oo binibigay lahat kay Kenzie, lahat ng kailangan niya. Pero hindi ang atensyon at tunay na pagmamahal. ‘Yung kailangan ng bata sa isang pamilya, wala siya no’n.
Bata pa lang, tinitrain na siya. Ni hindi nga siya nakapagtapos ng college dahil ang gusto ng lolo niya ang maging perfect si Kenzie for their family. Of course, Kenzie would follow their wants. Baka kasi dumating ’yung araw na makikita siya bilang siya, hindi bilang isang apo o anak na pwedeng sumunod sa yapak nila.
Also, wala rin siyang friends. I mean, friends with S. He has someone naman, his best friend named Prince since he was young. And okay naman ‘yon sa kaniya, pero syempre the thought of having a lot of friends and partying is different. Ni isang beses hindi man lang niya naranasan mag-enjoy, magsaya katulad ng mga lalaking ka-edad niya. Kasi una pa lang, bata pa lang siya trabaho na agad ang ginagawa niya.
And, a genuine love. Akala niya nung una, mararanasan niya na ‘yon sa dati niyang kasintahan na si Summer, but no. Summer cheated on him, she's b***h, slut and gold digger. Hindi alam ng pamilya niya ang nangyari, at ayaw rin alalahanin ni Kenzie ang bagay na ’yon.
At seryoso ako na hindi siya ngumingiti. Kaya, nakakapagtaka kung bakit kay Elijah ay nakukuha niyang ngumiti, sa taong malayong-malayo ang buhay sa kaniya.
They have similarities. At ayon ay ang mabuhay sa mundo at sitwasyon na parehong hindi nila ginusto.
Pero kung tutuusin, ang layo. Paano nga ba nagsimulang maglapit ang dalawang ito? Kung una pa lang at estado pa lang sa buhay ay malabong maglapit sila.