Elijah's POV:
“I‘m tired, nakakapagod mag-hiking! Never again!” Reklamo ko kay Kenzie nang makaakyat kami sa taas. Nandito kami ngayon sa taas ng sagada para mag-hiking. And, this is our last week of vacation. Hindi ko ba alam kung vacation ‘to pero parang gano‘n na rin ‘yon kasi halos tatlong linggo kaming nasa galaan at kung saan-saang lugar pa kami pumupunta. Last last week, palawan tapos last week naman bohol at ngayon sa sagada naman para mag-hiking.
“Are you tired na? Here's water,” napatingin ako sa kaniya. Hawak niya pa lahat ng gamit namin kasama na ‘yung tent namin. “You can lie down here, Eli.” Nakangiting sabi niya habang inilalabas ‘yung mat.
Napakagat tuloy ako sa ibabang labi ko dahil sa dami niyang bitbit. Ang kapal ng mukha kong magreklamo, eh mukhang mas nahirapan siyang umakyat dahil sa dami niyang bitbit! Pati bag ko! Paano ba naman, inagaw sa ‘kin tapos nung kukunin ko ulit ayaw nang ibigay!
Umupo ako roon at inunat ang braso ko. Inilapag ni Kenzie sa harap ko ‘yung tumbler kaya kinuha ko ‘yon bago ngumiti at mag-thank you sa kaniya. Umalis din siya agad para itayo ‘yung tent sa likuran namin. Nakatingin lang ako sa tanawin. Ang ganda... Parang ang sarap na hindi na lang umuwi.
“Zie,” I called him while I was starring at the golden scenery. Palubog na ang araw.
“Hmm?” he answered.
“May mga bagay akong hindi sinasabi sa ‘yo, pero sana maintindihan mo, ha?” matagal siyang hindi sumagot. “I mean, I can handle naman. Tsaka, sa tingin ko rin hindi mo na kailangang malaman kasi para sa ’yo rin naman ’yon. Isa pa... hindi naman matagal ‘yung tatlong buwan na pagsasama natin kaya sana maintindihan mo ‘ko.” Sunod-sunod na sabi ko.
Hindi pa rin siya sumagot kaya natahimik na lang din ako. Nagulat lang ako noong nakaupo na siya sa tabi ko at nakatingin sa ‘kin.
“Like what?” he asked.
“Wala,” I smiled at him.
Gusto kita.
Sa tingin ko naman, hindi niya na kailangang malaman ang bagay na ‘yon tutal ikakasal na rin naman siya kaya parang walang silbi. Tsaka, baka maalis pa ‘to since hindi na kami magkikita after nito.
“2 days na lang, uuwi na tayo... Congrats agad sa kasal mo, ha?” Tumingin ulit ako sa kaniya para ngumiti. “Be a good husband for her.”
Ngumiti si Kenzie, kasabay ng pagngiti ng mata niya na para bang nasiyahan siya sa sinabi ko. “Of course, I will be a good husband for her...” He answered.
Kinagabihan, nagbukas ako ng delta para sa pagkain namin. Hindi niya alam na may dala akong ganito. Paano ba naman, puro tinapay lang dinala niya! Mukha bang mabubusog siya roon?!
“Is that sardines?” he asked.
“Yes bakit? Aarte ka?” Tanong ko. Well normal naman na mag-inarte siya kasi rich kid!
“No no, it's fine. I'll eat that.” He smiled.
After namin kumain, nagkwentuhan muna kami bago ako tuluyang nakatulog. Hindi ko na nga alam na masyadong napahaba at napasarap kwentuhan namin dahil paggising ko nakaunan na ako sa braso niya.
Isang beses lang kami nag-hiking tapos pagkababa namin ay nag-ikot ikot na kami sa baguio para bumili ng mga pasalubong. Parang wala nga siyang binili for him, wala yata siyang pagbibigyan dahil tinulungan niya lang akong mamili. Bumili rin siya ng key chain for us. Strawberry na pencil ‘yon.
“Pa, nakauwi na ako.”
Grabe, pagod na pagod ako. Ni hindi ako makasabay sa mood ni Kenzie! Masyado kasi siyang good mood! Kaya ayon, kung saan-saan niya ako dinala! Hanggang sa makauwi nga ako good mood siya! Parang masaya yata siya na hindi na kami magkikita!
“Ate! Grabe, saan ka galing?! Ang dami naman nito!” Sabi agad ng kapatid ko, si Nathan. Tinignan niya lahat ng box na dala ko na may lamang souvenir galing sa palawan, bohol at baguio.
“Dami ate, may boyfriend ka?” natatawang sabi ni Yvone.
“Wala! Never mag-bboyfriend!” Tumawa ako bago tumingin kay Papa. “Hi, pa.” I smiled before kissing his cheek.
“Elijah, anak baka pagalitan ka sa university niyo, ha? Ilang linggo kang wala roon.” My father said. “At saan ka ba galing? Palawan? Bohol? Tapos baguio pa! Sino ba kasama mo?” Tanong niya habang hawak yung mga ref magnet. Hindi naman siya galit kaya tumawa na lang ako at yumakap sa leeg niya.
“Kasama ko ‘yung mga kaibigan ko pa, wag ka na magtampo. Okay lang, hindi magagalit prof ko!”
“Sipsip ka siguro ate,” sabi ni Nathan kaya mahina kong hinampas ang braso niya.
“Si ate Adi at kuya Darius ba kasama mo? Parang hindi naman sila umalis. Tsaka sila lang friends mo, ate! Siguro may boyfriend ka talaga!”
“Wala nga-” Napatigil ako sa pagsagot nang may kumatok sa pintuan namin. “Nathan-”
“Oo alam ko na! Bubuksan ko na nga, ih!” He laughed. Umirap na lang ako. Napakapilosopo talaga ng batang ’to!
“Good afternoon po. Is this Elijah Noreen Fajardo‘s house?”
“Hoy ate! Labas kayo! Baka mamaya ikukulong ka pala-”
“Gago ka talaga,” sagot ko bago lumabas. Sumunod din si Papa sa ‘kin para tignan kung sino ‘yung tumawag sa pintuan. “Hello, good afternoon din po. I am Elijah po, ano po kailangan niyo?” Tanong ko.
Tangina nakakatakot naman. Puro mga naka-suit na itim! Ano, ikukulong ba ako?!
“Here‘s the letter po.”
Kinuha ko ‘yung inabot nila. “Pasok po muna kayo, masyadong mainit sa labas.” Sabi ko bago pumasok sa loob ng bahay namin.
“Ano ‘yan?” tanong ni papa nung bubuksan ko na ‘yung letter.
“Hindi ko po alam, pero pangalan niyo po nakalagay rito.” Sagot ko kaya kinuha niya sa ‘kin ’yung letter.
Matagal natahimik si Papa habang binabasa ‘yung sulat kaya naman kumuha muna ako ng baso at juice para sa mga taong ‘to. Hindi ko naman sila kilala! Nakakatakot naman!
“My grandson and Amelio Senior’s granddaughter, Elijah Fajardo is...” Mahinang basa ni papa kaya napatingin kami sa kaniya ng mga kapatid ko.
“Ano pa?” tanong ni Yvone.
“Is getting married...”
Ha?
“Ako?”
“Wait pa, hindi ko gets. Pakiulit! Tagalog please!” Sagot ng kapatid ko kay Papa, si Nathan.
“Ikakasal ate niyo,” gulat na sabi ni papa.
“Ha?! Ikakasal?!”