Walang puknat ang ngiti ni Damon habang nagmamaneho. Pasipol sipol pa siya at nangingiti siya pag naalala ang mukha ni Yumi na pikon na pikon sa kanya. Ang totoo niyan ay wala naman talagang video. Napagtripan niya lang sabihin kasi mukhang wala na itong balak pansinin siya. She sees the other side of Yumi, ang totoong Yumi na ikinwento ni Allyson. Ang Yumi na matigas at kayang mabuhay kahit na walang lalaki sa buhay nito. Na lalong nagpaigting sa kanyang kagustohan na makilala pang lalo ang babae. Lalo at di na siya kontento na walang koneksyon sa pagitan nila ng babae. Maya maya pa ay tumunog ang cellphone niya na nasa dashboard. Nagtext si Lola ayon dito. Mesha was there at Bulacan, ayon kay lola ay nagkakamabutihan na si Samuel at si Farrah. Last week na huling nakasama ang bata at n

