CHAPTER 2

1103 Words
Buti nalang at may nakilala akong isang taong tumulong sakin kaya kahit papaano ay nakakaraos ako sa araw araw. Nagtratrabaho ito sa isang restaurant pag wala itong pasok. Nagpa part time job din ito sa mga bar at kung saan-saan. Dahil malayo ang bahay nito sa pinapasukan niya ay napagdesisyunan kong patuluyin ito sa condo ko. Nung una dahil walang ako kahit piso ay siya ang bumibili ng pagkain naming dalawa. Hanga nga ako sa determinasyon,tyaga, at sipag niya dahil kahit mag-isa na lang siya sa buhay ay nagsusumikap pa rin siyang maitaguyod ang sarili niya. Napa isip tuloy ako sa maraming tao pala ang gustong makapag-aral tapos ako sinayang ko lang. Dahil nahihiya na rin ako sa kanya dahil lagi nalang siya ang bumibili ng pagkain namin ay sinubukan ko ring mag part time job sa bar o kaya minsan pag may nagde debu ay ako ang kinukuha nila para kumanta sa tulong na rin ni Roxanne dahil minsan siya ang nagrerekomenda sa akin hindi sa pagmamayabang pero magaling talaga ako kumanta. Doon ko lang naramdaman ang tunay na hirap sa paghahanap ng pera. Sobrang hirap pala talaga kung dati buhay prinsesa ako at di marunong magpahalaga sa kunting bagay na binibigay sa akin ng parents ko. Ngayon ay ultimo piso ay mahalaga sa akin. Hanggang sa isang araw ay may nakilala akong bakla. Tinanong ako nito kung gusto ko daw bang mag model ganyang-ganyan ay di ko na pinagisipan ang isasagot ko at agad akong umaga. At siya ang naging manager ko si Tita Vicky mabait ito at maaasahan sa manager na anong bagay. Mas lalong akong sumikat kumpara dati na iilan lang ang nakakakilala sa akin mas lalo ring bumango sa mga kalalakihan ang pangalan ko. Ito rin ang dahilan kaya ko na ipagpatuloy ang pag-aaral ko. Ako na rin ang sumusuporta sa pag-aaral ko. Ako na rin ang sumusuporta sa pag-aaral ni Roxanne dahil Law ang kinuha nitong course at dahil na rin naaawa ako ang sa kanya dahil alam kung nahihirapan na ito hindi lang siya nagrereklamo paano ba naman kasi pagkatapos ng school ay magta trabaho pa ito at kung umuuwi na ito ay halos madaling araw na tapos magre review pa siya. Matutulog ng isang oras o mahigit tapos gigising at gayak para pumasok. Ganon lang ang ikot ng buhay niya araw-araw kung hindi pag-aaral,pagta trabaho naman kaya naisip kong ako nalang ang magpapa-aral sa kanya dahil malaki naman ang kita ko sa pagmo modelo. 22 palang ito at mas matanda ako ng 4 na taon kaya para ko na itong kapatid kong ituring. Ako naman ay malapit ang magtapos, huwag kayong mag alala dahil ngayun ay pinagbubutihan ko na ang pag aaral ko. Ilang buwan na rin at gra graduate na ko. Pagkauwi ko galing photoshoot ay naabutan ko si Roxanne na nasa living room at Naka focus sa pag-aaral nito. Nang mapansin ako nito ay ngumiti ako at naupo sa pang isahang sofa. Tumayo naman ito at nagtungo sa kusina pagbalik nito ay may dala na itong tubig. Inabot niya sa akin iyon at ininom ko naman. “Kamusta ang araw mo ngayun ate.” Tanung nito. “Okay lang, nakakaya naman ang pagod. Ikaw kamusta araw mo.” "Okay lang din, Nakakaya ko naman ang lesson namin." - Roxanne "Alam mo napa isip tuloy ako. Bakit pag aabugado ang kinuha mong course?" Napansin ko naman ang lungkot sa mga mata nito. "Dahil ito ang pangarap ko at gusto kong tuparin." Wika nito sa masayang tinig pero ang mga mata niya ay malungkot at para bang may dinaranas ito nong pagkabata niya kaya gusto nitong maging abogado. Ngumiti nalang ako. " Sige ipagpatuloy mo lang yan, balang araw mabibilang ka rin sa magiging magaling na abugado sa hinaharap." Wika ko at nagpaalam na para pumunta ng kusina para makapaghanda ng makakain namin. _ Natuto rin ako magluto dahil tinuruan ako ng isa sa mga kasamahan ko sa modelling. Nagaaral rin ito at chef ang gusto nitong propesiyon. Katulad ko ay madalas din itong kutyain sa school dahil sa trabaho namin. Matapos kung makapagluto ay tinawag ko na si Roxanne para makakain na kami. Matapos kumain ay nagpunta na ako sa kwarto ko. Dalawa pala ang kwarto dito sa condo ko kaya tag isa kami ni Roxanne. Matapos kung maligo at magpalit ay nag review ako para sa long quiz namin bukas. _ _ Nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa alarm clock ko. Bumangon ako at nagpunta sa kusina para makapagluto ng breakfast namin. Simula nang natuto ako sa pagluluto ay ako na lagi ang nagluluto. Maaga akong nagigising dahil alam kong laging puyat si Roxanne sa pag-aaral nito. Pero pag Sabado at Linggo naman ay si Roxanne na nagluluto. _ Matapos kung makapag luto siya ring paglabas ni Roxanne sa kwarto nito. Ng matapos kaming kumain ay gumayak na kami at sabay din kaming umalis ng bahay. Magkaiba ang eskwelahang pinapasukan namin. Ng makarating ako sa school lahat ng tao doon ay nakatingin sa akin at Pinagchichismisan ako. Ngumiti naman ako sa isip-isip ko at sinabing. "Hindi bali, Di naman importante ang iisipin at nakikita ng mga tao. ang importante yung nakikita ko at alam ko. Huwag kang mag-alala malapit na rin tayong makagraduate. Makaka alis din tayo dito sa lugar ng mga Marites na walang alam kundi ang pakialaman ang buhay ko." Saad ng isip ko. Buong maghapon ay nakinig lang ako matapos ng klase ay umuwi na ako. Buti na lang at wala akong photoshoot ngayon kaya makakapagpahinga ako ngayong araw. Pag kauwi ko sa condo ay may naamoy akong mabangong amoy ng ulam yung kare kare ba. Nagpunta ako ng kusina at nakita ko roon si Roxanne na nagluluto naramdaman ata nitong may tao sa likod niya kaya agad itong humarap. "Oh hi ate." Bati nito. " Ang aga mo po wala ka pang photoshoot?" Tanong pa nito. Nginitian ko ito. "Wala, free day ko ngayon. ikaw ba't ang aga mo ata umuwi? " Ako naman ang nagtanong. "Maaga kasing natapos yung klase namin kaya umuwi ako kaagad para maipagluto kita ng paborito mong kare-kare. Akala ko nga mamaya ka pa uuwi." Wika naman nito. "Maupo ka na at ng makakain na tayo." Dagdag pa nito. Umupo naman ako at nagsimula na itong maghanda ng pagkain. "Ummmm... Ang sarap." Wika ko nang matikman ang niluto niyang kare kare. "Talagang masarap yan. ako nagluto niyan eh." Pagmamayabang pa niya. Natawa naman ako sa inasta niya. Matapos kumain ay ako na ang nag-presintang maghugas ng mga pinggan. _ _ _ C O N T I N U E . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD