"Aling Berta, nasaan po si Chloe?" tanong ni James kay Aling Berta. May gusto kasi siyang itanong sa dalaga kaya sinadya niya ito sa tinutuluyan nito. Nagtataka kasi siya dahil ilang araw ng hindi nagpapakita sa kaniya si Chloe. Si Jessa naman ay gano'n din kaya pati ang pamilya nito ay nag-aalala na rin. "Tulog pa yata siya sa kuwarto niya, Hijo. May problema ba? May kailangan ka ba sa kaniya?" Pansamantalang huminto ang matanda sa ginagawa nitong pagwawalis ng mga tuyong dahon sa tapat ng bahay nito at pagkatapos ay hinarap siya. Nagtaka siya dahil medyo mataas na ang araw pero tulog pa ang dalaga. Hindi kasi nito ugali ang gumising ng ganitong oras. "Tanghali na po, ah. Ayos lang po ba siya?" "May inaasikaso kasi ang batang 'yan kaya laging puyat 'yan, eh. May mahalaga ba kayong p

