“Bakit ang aga mo naman yatang pumunta rito, James? Huwag mong sabihin sa akin na hindi ka natulog magdamag?” Napalingon si James kay Chloe nang magsalita ito. Balot na balot ang katawan nito na para bang sobrang lamig ng panahon kahit hindi naman. "Ang aga pa para magluto ka ng almusal." Nandito kasi siya ngayon sa bahay ni Aling Berta dahil ito ang gusto ni Chloe. Nandito siya sa loob ng kusina at ipinagluluto ito ng almusal. Hindi niya alam kung ano ang nakain nito para gawin siya nitong kusinero tuwing umaga pero para walang gulo ay sinunod na lamang niya ang gusto nito. “f**k!” mahinang mura nito kaya napailing-iling na lang siya. Dumeretso ito sa kinaroroonan ng refrigerator. Kumuha ito ng isang pitsel na may laman na tubig at pagkatapos ay kumuha ito ng baso. Sinalinan nito

