Episode 6

2364 Words
Halos madilim na nang makarating si Chloe sa bahay na tutuluyan niya sa Bicol. Ilang oras na kasi siyang paikot-ikot dahil hindi niya mahanap ang nasabing lugar. Ayaw niya naman kasing magtanong-tanong dahil baka ituro lang siya sa maling direksyon. Nasa tapat siya ngayon ng isang malaking bahay na medyo may kalumaan na. Huminga muna siya ng malalim bago siya umibis sa sasakyan niya dahil gusto na niyang makapagpahinga. Gusto niya ng humilata dahil napakahaba ng naging biyahe niya. "Tao po! Tao po!" sigaw niya habang kumakatok sa pinto nito. "Sandali lang!" narinig niyang sagot ng taong nasa loob ng bahay. "Kayo po ba si Aling Berta na asawa ni Mang Junie?" bungad niyang tanong nang pagbuksan siya nito ng pinto. Tumango naman ito habang nakatitig sa kaniya. "Ako nga. Sino ka? Ikaw ba si Chloe? 'Yong sinasabi nang abogado na darating ngayong araw para ayusin ang mga lupang nakasanla sa ama mo?" tanong nito sa kaniya habang deretsong nakatingin sa mga mata niya. "Ako nga po," pormal niyang sagot dito. "Pasok ka, Hija," nakangiti nitong paanyaya sa kaniya. "Tamang-tama lang ang pagdating mo dahil malapit ng maluto ang ulam na niluluto ko. Maupo ka na muna sa sala, Hija. Tatawagin na lang kita kapag kakain na." "Sige po." Habang nakaupo siya sa sala ay bigla na lang sumagi sa isip niya ang lalaking pakay niya kaya naman napagpasyahan niya na puntahan si Aling Berta sa kusina. "Aling Berta," pukaw niya sa atensyon nito. "Kilala n'yo po ba 'yong taong nagsangla ng lupa sa ama ko? Tagarito raw po iyon sa baryo niyo sabi nang abogado ko." "Oo, kilalang-kilala ko ang taong nagsanla ng lupa sa ama mo. Kaya lang, ilang taon ng patay ang taong 'yon, Hija," anito sa mahinang tinig. "Po?" gulat niyang tanong dito. "Sigurado po ba kayo na patay na si James Roxas, Aling Berta?" Kung patay na pala ang pakay niya, bakit hindi iyon nabanggit ng abogado niya nang ipatawag siya nito para makausap tungkol sa mga lupa? Isang malaking kalokohan iyon kung sasabihin nito sa kaniya na wala itong kaalam-alam tungkol sa bagay na iyon. "Tama ang narinig mo, Hija. Matagal ng patay ang taong tinutukoy mo. Ang naiwan na lang ay ang kaisa-isang anak niya," deklara nito na talaga namang ikinagulat niya. Ibibigay niya na lang siguro sa anak nito ang titulo dahil wala na pala ang taong nagsanla sa Papa niya. Pero bago niya gawin iyon ay kakausapin niya muna ito. "Gano'n po ba? Kung gano'n, bukas na bukas din po ay pupuntahan ko siya para kausapin," pahayag niya rito. Tumango naman ito saka siya nito bahagyang nginitian. "Kain na tayo, Hija." Habang kumakain silang dalawa ni Aling Berta ay napansin niyang panay ang sulyap nito sa gawi niya na para bang may gusto itong iparating. "May problema po ba, Aling Berta?" "Hindi kita masasamahan bukas sa taong gusto mong makausap, Hija," imporma nito. "Mayroon kasi akong mahalagang aasikasuhin bukas na hindi ko puwedeng ipagpaliban, eh." "Nauunawaan ko po." "Hindi ka naman mahihirapan na hanapin ang taong gusto mong makausap dahil kilala naman siya sa lugar na ito. At isa pa, hindi ka naman maliligaw papunta sa bahay no'n dahil makikita mo kaagad ang bahay niya sa gilid ng kalsada," mahabang pahayag nito. Tumango-tango naman siya at pagkatapos ay tipid na ngumiti. "Ako na po ang bahala roon, Aling Berta. Huwag niyo na po akong alalahanin dahil kaya ko na po ang sarili ko." Kinabukasan ay maagang gumising si Chloe dahil ngayon na niya pupuntahan ang anak ni James Roxas. Habang binabaybay niya ang daan papunta sa bahay ng lalaking 'yon ay hindi niya maiwasang hindi magtaka. Kung bakit nagkaroon ng interes ang kaniyang ama sa lugar na ito samantalang marami namang lugar na puwede nitong pag-interesan. Siguro alam ng ama niya na hindi na ito matutubos pa kaya pumayag ito na isangla ang lupa ng ilang milyon. Kung tutuusin mas maraming kilalang lugar sa Pilipinas kaya hindi niya lubos na maisip kung paano ito nadiskubre ng ama. Pahinto-hinto siya sa pagmamaneho dahil ang lugar na dinadaanan niya ay talaga namang nakakamangha. Huni lang ng ibon at pagaspas ng hangin ang naririnig niya sa paligid. Siguro ito ang nagustuhan ng kaniyang ama. Isang lugar na payapa at malayo sa kabihasnan. "Siguro may malalim na dahilan ang ama ko kaya siya naging interesado sa lugar na 'to," kausap niya sa sarili. Matapos ang ilang minutong pagmamaneho ay may natanaw siyang isang bahay sa di-kalayuan. Isang kubo? Marahil ay 'yon na ang tinutukoy ni Aling Berta. Ang sabi kasi ng matanda ay hindi raw siya mahihirapan na hanapin ito dahil wala na raw siyang iba pang bahay na madadaanan bukod sa bahay ng anak ni James Roxas. Pagdating niya sa tapat ng kubo nito ay nagpalinga-linga siya sa paligid. Kahit maliit lang ang bahay nito ay nakakaagaw ito ng pansin sa mga taong dumadaan sa kalsada. Marami kasing halaman na namumulaklak ang nakatanim sa paligid nito. May iba't ibang gulay din na nakatanim ilang hakbang mula sa kubo nito. Bigla tuloy siyang nagkaroon ng ideya na manirahan dito sa lugar na ito kahit na isang buwan man lang. Halos nagtagal siya ng kalahating oras sa loob ng sasakyan niya bago niya napagdesisyunan na kalasin ang seatbelt na suot niya para makausap niya na ang pakay niya. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa kinaroroonan ng kubo. Pagdating niya roon ay marahan niyang kinatok ang pinto nito. Nagulat pa siya ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang lalaking matipuno. Walang iba kung hindi ang lalaking tumulong sa kaniya kahapon. What a coincidence! Titig na titig siya sa mukha nito dahil hindi siya makapaniwala na ang lalaking tumulong sa kaniya kahapon at ang lalaking gusto niyang makausap ay iisa. Tumikhim ito kaya pansamantala niyang inilayo ang tingin niya rito pero kaagad din niyang ibinalik nang magsalita ito. "Sino ka?" pormal nitong tanong na para bang hindi siya nito nakikilala. Tsk! Hindi ba siya nito namumukhaan? "My name is Chloe," pormal niyang pakilala rito. "Are you related to Mr. Madrigal?" Nagtataka man ay pinanatili niyang pormal ang kaniyang mukha bago siya tumango. "Yes, he's my father. Nandito ako para makausap ka tungkol sa lupang isinangla ng mga magulang mo sa ama ko," walang paligoy-ligoy niyang saad dito. "Ilang taon na kasi ang lumipas pero parang wala ka ng balak pang bayaran iyon." Hindi niya alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig niya. Tatanungin niya sana ito kung bakit hindi pa ito nakakapagbayad pero parang biglang nagbago ang isip niya. Nang hindi ito makaimik ay nagsalita ulit siya. "Nagulat ka ba sa pagdating ko, Mister?" "Inaasahan ko na ang pagdating mo," tugon nito na kagaya niya ay pormal din ang hilatsa ng mukha nito. "What do you mean?" "Kagaya ng sinabi ko kanina ay inaasahan ko na ang pagdating niyo. Alam kong isang araw ay darating ang isa sa inyo para singilin ako," wika nito. "Puwede ba akong makiusap sa 'yo, Miss?" Habang nagsasalita ito ay titig na titig ito sa mukha niya. "Puwede ba akong makiusap sa 'yo na bigyan mo pa ako ng kaunti pang panahon? May pera naman akong hawak dito kaya lang hindi sapat iyon para mabayaran kita." Nakaramdam siya ng awa dahil sa naging pahayag nito kaya mabilis siyang nag-iwas ng tingin. "Hindi naman masasayang ang pagpunta mo rito dahil magbibigay naman ako ng pera. 'Yon nga lang baka sa susunod na taon ko pa maibigay ang kulang. Pasensiya ka na kung medyo matatagalan bago masundan ang pagbabayad ko sa inyo. Hindi kasi naging maayos ang ani namin ngayong taon dahil halos sunod-sunod ang bagyong dumating. Sana maintindihan mo." Umiling-iling siya. "Hindi na kita mapagbibigyan lalo na't matagal ng nakasangla sa amin ang lupa niyo, Mister. Hindi ko na kasalanan 'yon kung binagyo ang mga tanim niyo. Limang taon na ang lumipas kaya imposibleng hindi ka nakapag-ipon." "Hindi mo kasi naiintindihan, Miss. Kung dito ka nakatira sa lugar namin alam kong maiintindihan mo ang sitwasyon namin. Nakikiusap ako sa 'yo na sana maunawaan mo ang sitwasyon namin dito. Nakapag-ipon naman ako pero hindi sapat iyon para mabayaran kita ng buo." "Nagipit din kami kaya naisangla namin sa bangko ang lupa niyo. Gusto ko lang sanang sabihin sa 'yo na kaya ako pumunta rito sa lugar niyo para ipaalam ang bagay na iyon," pagsisinungaling niya. Titingnan niya lang kung ano ang magiging reaksyon nito pagkatapos niyang sabihin ang bagay na iyon. Napakislot siya nang bigla na lang itong sumigaw. Halos magsilabasan na rin ang ugat nito sa leeg at sa sentido. "Ano'ng sabi mo? Madaya kayo! Nakiusap ako sa Papa mo noong nakaraang taon! Nagmakaawa ako na bigyan niya pa ako ng kaunti pang panahon! Lumuhod pa ako sa harapan niya! Tangina! Hindi pala kayo siya matinong kausap!" bulyaw nito pero nagkibit-balikat lang siya. "Pumayag pa siya tapos ganito rin pala ang gagawin niya! Wala siyang kuwentang kausap!" Naaawa siya rito pero hindi niya iyon ipinahalata. Pero sa totoo lang, parang gusto niya itong yakapin at aluin sa mga oras na 'to. "Huwag mong pagsalitaan ng masama ang Daddy ko sa harapan ko dahil hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin. Sisihin niyo ang mga sarili niyo dahil nagsanla kayo ng ganoon kalaki tapos hindi niyo naman pala kayang tubusin." Huminga ito ng malalim. "May nangyari kasing hindi maganda kaya nagawa namin 'yon, Miss." Mababa na ang tinig nito ngayon. "I can help you," aniya dahilan para magliwanag ang mukha nito. Kung kanina ay namumula ito sa galit, ngayon ay nakikita niya sa mga mata nito na para bang nagkaroon ito ng pag-asa. "Tatawagan ko ang abogado ko para tubusin ang titulo ng lupa niyo sa bangko." "Talaga? Gagawin mo 'yon, Miss?" "Oo, pero may kondisyon ako." "What is it? Kahit ano gagawin ko!" "Sigurado ka? Baka magsisi ka, Mister." Umiling-iling ito. "Kahit ano ay gagawin ko para lang mabawi iyon, Miss. Ito na lang kasi ang alaala na naiwan sa akin ng papa ko. Ipinangako ko noon na gagawin ko ang lahat para lang mabawi ang pinaghirapan nila." "Kahit ano? Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" paghahamon niya rito. "Siguradong-sigurado na ako! Nakahanda akong gawin ang kahit na ano basta siguraduhin mo lang na ibabalik mo sa akin ang bagay na dating sa amin. Itong lupang kinatitirikan ng bahay ko at ang lupang sinasaka ko ay ang nag-iisang alaala na naiwan ng ama ko. Kung kukunin niyo 'to para niyo na rin akong pinatay." Damang-dama niya ang bigat na nararamdaman ng puso nito. Hindi niya alam kung bakit pati dibdib niya ay bigla na lang nanikip dahil sa mga salitang binitawan nito. "Be my boyfriend," kaswal na pahayag niya dahilan para mapanganga ito pero kalaunan ay nakabawi rin ito. "Ano'ng sinabi mo? Pakiulit nga!" Mabuti na lang wala itong kapitbahay. Dahil kung meron, siguradong bubulyawan na sila ng mga ito dahil sa lakas ng boses nito. "Nahihibang ka na ba? May kasintahan na ako kaya iba na lang ang hilingin mo!" anito sa malakas na tinig. Pinandilatan niya ito. "Take it or leave it? Hindi ko na problema 'yon kung may kasintahan ka," malamig niyang saad dito. "Kung pipiliin mo ang girlfriend mo, ngayon pa lang ay lumayas na kayo rito. Kapag ako naman ang pinili mo, mananatili ka sa lugar na 'to hangga't gusto mo. Malay mo, ibigay ko ng libre ang titulo mo. What do you think?" Hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagkuyom ng mga kamao nito at pagkatapos ay marahas nitong sinabunutan ang sarili nitong buhok. "Nababaliw ka na ba, ha? Nagbibiro ka lang, hindi ba?" "Mukha ba akong nagbibiro? Madali lang naman akong kausap, eh. Kung ayaw mo, eh, 'di 'wag! Hindi naman kita pinipilit, eh. Bukas na bukas din ay mag-impake na kayo dahil puwersahan ko kayong paalisin sa lugar na 'to kapag hindi kayo nagkusa." "You're impossible!" frustrated nitong sabi sa kaniya na animo'y pasan-pasan nito ang lahat ng problema rito sa mundo. "Hilingin mo na sa akin ang lahat 'wag lang ang bagay na 'yon, Miss. Mahal ko ang kasintahan ko at hindi ko magagawa na lokohin siya. Alam mo ba na kasal na lang ang kulang sa amin para magsama kami, ha?" "I don't care. Bukas ay babalik ako rito sa bahay mo para malaman ang sagot mo. Kapag pumayag ka na maging kasintahan ko ay wala tayong magiging problema. Meron pa pala, kapag naging magkasintahan na tayo ay ako ang masusunod sa ating dalawa, maliwanag ba, Mister?" "Iba talaga kapag mapera dahil kayang-kaya nitong bilhin ang pagkatao mo pati na ang nararamdaman mo," puno ng hinanakit na saad nito sa kaniya. "Huwag kang mag-alala dahil kapag naging tayo, lahat ng meron ako ay mapupunta rin sa 'yo. Hindi ka na mapapagod sa pagtatrabaho sa bukid kagaya ng sinasabi mo. Mamumuhay ka na parang isang hari sa piling ko hanggang sa huling sandali mo rito sa mundo." "Hindi ko hinahangad ang pera mo. Ang sa akin lang ay maibalik ang pag-aari namin. 'Yon lang ang gusto ko. Kahit 'yon lang ay masayang-masaya na ako." Bago pa man sila umabot sa kung saan ay nagpaalam na siya rito na aalis na siya. "Aalis na ako, Mister. Bukas na lang tayo magkita ulit at inaasahan ko na papayag ka sa gusto kong mangyari. Pero kung 'hindi' ang sagot mo, mamayang gabi ay mag-impake ka na at kailan man ay hindi ka na makakabalik pa sa lugar na 'to." Para itong nanghina dahil bigla itong napaupo sa lupa. "Goodbye, Mister." Bago siya tuluyang umalis ay yumuko siya at hinawakan niya ang magkabila nitong pisngi at pagkatapos ay ginawaran niya ito ng halik sa mga labi nito. Hindi naman siya nito itinulak pero hindi rin nito tinugon ang halik niya. Nang mag-angat siya ng tingin ay tinaasan siya nito ng kilay kaya napatayo siya ng tuwid. Mayamaya pa ay kumaripas na siya ng takbo patungo sa kinaroroonan ng sasakyan niya. That's her first kiss! Nang makasakay siya sa sasakyan niya ay napangiti siya. Napahawak siya sa dibdib niya dahil ang lakas ng kabog nito na para bang may mga paruparo sa loob nito. She liked him because it seemed that he was not interested in what she had. Ito rin ang magiging unang kasintahan niya kapag nagkataon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD