"Kaunti na lang mapagkakamalan ka nang baliw dahil diyan sa ginagawa mo," sita ni Troy kay James. "Nakakatawa ba 'yang pagmumukha ng asawa mo at hindi mapuknat-puknat 'yang ngiti mo? Dapat nga nakasimangot tayo ngayon, eh. Sayang ang effort natin para bigyan siya ng magarbong birthday party pero imbes na matuwa 'yang babaeng 'yan ay nagalit pa siya sa atin." Imbes kasi na matuwa ang asawa niya ay kabaligtaran ang nangyari. Hindi kasi ito natuwa sa birthday party na inayos nilang tatlo nina Jessa. Ayaw daw nito ng magarbong handaan. Ayaw din daw nito ng maingay. Lahat ng bagay ay inaayawan nito ngayong nagdadalang-tao ito sa anak nila. "Baliktad yata ang utak ng asawa mo, eh. Binigyan na nga ng surprise party, nagalit pa. Sayang tuloy 'yong effort saka 'yong mga gastos natin." Ang e

