Episode 29

1564 Words

Nagising si Chloe dahil sa malakas na tunog ng cellphone niya. Nag-alarm kasi siya kagabi. Ang balak niya kasi sana ay uuwi muna siya sa bahay ni Aling Berta kaninang madaling-araw kaya lang hindi naman siya natuloy dahil nga hindi niya kayang bumangon. Hindi kasi siya makatayo dahil pakiramdam niya ang bigat-bigat ng katawan niya. Isa pa, hindi rin siya pinayagang umalis ni James dahil sa sitwasyon niya. Baka raw kasi magtaka si Aling Berta at usisain pa siya nang usisain. Hindi niya kayang bumangon dahil sa paulit-ulit na ginawa nila ni James kagabi. Hindi na nga rin sila nakakain kagabi dahil mas pinili na lang nilang magpahinga. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa kaniya ang lahat na para bang kanina lang sila nagniig ni James. Mula sa katre kung saan siya nakahiga ay nakik

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD