Episode 32

2026 Words

"Baby, bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?" tanong ni James kay Chloe dahil ilang araw na itong hindi nagpaparamdam sa kaniya kaya naman sumugod na siya rito sa bahay ni Aling Berta kung saan ito tumutuloy. "Hindi mo rin nire-reply-an ang mga text ko sayo. May problema ba tayo, Baby?" Napatitig ito sa kaniya at pagkatapos ay ngumisi ito. "Nagpalit na kasi ako ng number, eh." "Bakit? Bakit hindi mo sinabi sa akin na magpapalit ka pala ng number?" "Kailangan ko bang ipaalam sayo ang lahat ng bagay na gagawin ko? May pambili ako ng simcard kaya puwede akong magpalit kahit kailan ko gustuhin, James." Napabuga siya ng hangin. "Nagtatanong lang naman ako kaya 'wag kang magalit." "Bakit nga pala nandito ka, Baby?" Diniinan pa talaga nito ang salitang 'baby' na labis niyang ipinagtata

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD