Kabanata 3 - That's what you get

1823 Words
Addie's POV             I'm sweating. Wala naman ako sa sauna pero halos maligo ako mula sa pawis ko. Nakikita ko ang nakakatakot na mata ng Daddy ni Diego. Kakaloka! Kamukha niya ang tatay niya. Kaso ang kaibahan, bakla 'tong kaibigan ko.                         "Dad—"                         "Diego, why didn't you tell us?" Mariing putol ng kanyang ama sabay tingin sa akin. Napayuko naman ako at hindi alam ang gagawin.             Ramdam ko ang pag-upo ni Diego ng maayos. Ano ba naman ang napasok ko? Kakabreak ko pa lang, narito naman ako ngayon at iniinterrogate ng tatay ni Diego dahil sa maling akala.                         "Dad, she's not my girlfriend." Diego said again.             Tumikhim ang kanyang ina kaya napatingin ako roon. His mother's really a stunner. O heard when we were college that he's son of a Puerto Rican beauty queen.                         "Hijo, you don't need to deny it. We wouldn't rush you to marry her. I'm just glad to know that you still have interest in girls." Anang kanyang ina.             Ngumiti ng malapad ito sa akin at hinawakan ang kamay kong nasa table.                         "What's your name hija? Sorry, if we scared you. My husband and I, we're so happy. Please, do not be confused." Ngiti nito.             Wow, masaya talaga sila niyan? Nakakatakot naman pala silang maging masaya. Tiningnan ko si Diego, hindi ko alam ang gagawin pero ang natanggap ko lang sa kanya ay isang tango.                         "Uh, I am Addie po. Adoracion Henriette Uytengco po." pagpapakilala ko.                         "Nice name. And what do you do for a living?" Tanong naman ng kanyang ama.                         "She's a vet, dad. She owns a clinic somewhere here."             Gusto kong sipain si Diego. Hello? Linawin mo naman bes ang totoo! Ayokong naiipit ako lalo na't takot na takot ako sa parents niya.                         "At doon kayo nagkakilala?" Tanong ulit ng Dad niya.             Umiling si Diego.                         "We're friends since college." He said.                         "And you never invited her into our house? Kung hindi pa kami nakapunta ng Dad mo rito.. hindi namin malalaman, Colton!"                         "Mom, I already told you that she's—"                         "Stop lying, Colton! This girl doesn't deserve to be hidden for a long time." Putol ng kanyang ina.             Tumahimik naman si Diego. Lalo namang kumabog ang dibdib ko. Tumango ang Dad niya, medyo may ngiti at mukhang satisfied.                         "Finally..you stopped playing around, son." Tinapik ng kanyang ama ang balikat ni Diego.                         "Knowing that you have a decent girlfriend is enough. I won't pursue you into marriage interviews."             Tumulong sa paghahanda ng dinner ang Mom ni Diego. Masayang masaya silang dalawa. Hindi naman ako makaangal dahil mukhang mangangain 'yung parents ni Diego lalo na 'yung Dad niya.                         "Hija, can you help me?" Tawag ng Mom niya.             Lumapit ako at tiningnan siyang nakaapron. Ngumiti siya at hinalo ang kalderong nasa stove.                         "What can I do po?" Tanong ko.                         "Can you cook? Gusto ko sanang ikaw na ang magluto ng sauce."             Buti na lang at marunong naman ako. Lumapit ako at tinulungan siya. May niluto na rin siyang baby back ribs at kung anu-ano pa. Akala mo ay fiesta. Kaya ba naming kainin iyang apat?             Nagluluto ako ng mapansin kong nakatitig siya sa akin. I smiled at her. Nakakagulat naman talaga ang pamilya nila.                         "You'll make a good wife, hija." Kumento niya.             Sana. Malapit na sana akong maging wife, kaso ang supposedly husband ko, nakikipaglandian pala sa bestfriend ko. Kinagat ko ang labi sa inis at pilit na ngumisi.                         "S-Salamat po, Ma'am."                         "Call me, Tita Lea. I'm your boyfriend's mother."             Talagang paniwalang paniwala sila sa amin ni Diego? Nanginginig kong hinalo ang sauce sa pot. Hayaan mo na nga! Mag-iisip na lang ako ng paraan para makalusot dito sa gusot. Baka kasi mapahamak din si Deigo at malaman nila ang tunay na kulay ng anak nila.                         "So, are you coming with him to his' best friend's wedding?" Tanong ni Tita.             Bestfriend's wedding? Who?                         "H-Hindi niya pa po nababanggit sa akin, Tita at saka busy po ako dahil sa clinic." I reasoned out.             Mukha namang disappointed siya sa sagot ko. Nilingon niya ang anak na ngayon ay kausap ng kanyang ama sa living.                         "Col," she called him again.             Napalingon naman sila ng kanyang Dad sa amin. "Why didn't you ask her to be your date on King's wedding?"  Lumaki ang mata ko. Oh no. Tiningnan ko si Diego. Please, say that you already have a date! Please!             Tumingin sa akin si Diego at tumango. Iyan na naman ang tangong iyan, eh!                         "I'm just about to ask her tonight, Mom." He said.             Humigpit naman ang hawak ko sa sandok. Pinandilatan ko siya ng mata pero nakatitig lang siya. Nilingon naman ako ni Tita, with a big smile na parang sinasabing 'I told you!'. Agad namang napalitan ng ngiti ang naiinis kong mukha.                         "See, Addie? Ready your dress coz you'll be with him in the hacienda of the great Lunas."             Tumango ako.                         "S-Sure po." I answered.   Diego's POV             We're doomed. My parents won't listen to us. I tried to tell them a lot of times but they won't hear me.                         "I can't! Ano ka ba naman, Diego? Ano na lang ang sasabihin ng tao sa akin? Hindi pa nila alam na break na kami ni Gio tapos ikaw naman ang boyfriend ko?" She spat.                         "I won't ask you to be a real girlfriend to me. Just when my parents are around. You heard them, they won't set me up to another marriage interview while we are together and you know how I hate it, Addie."             Tiningnan niya lang ako na parang nag-iisip. Damn, this girl. I can't believe that I'll be needing her like this.                         "Okay, fine! But please, ayoko ng skinship ha? Nakakadiri lang isipin." Aniya na akala mo ay lugi siya.             Umirap ako.                         "Makakaasa ka diyan." Sagot ko at pumasok na sa kwarto para magbihis.             Sumunod naman siya sa akin, nakataas ang kilay ng makita niya akong kumukuha ng damit na pang-alis.                         "Uy, saan ka?" Tanong niya.             Tahimik akong nagbihis ng longsleeves. Hinubad ko ang pajama ko na nagpapikit naman sa kanya at mabilis na tumalikod.                         "Ano ba 'yan! Dahan dahan naman!" She shouted at me habang tinatakipan ang mata niya.             Nagpatuloy lamang ako sa pagbibihis, hindi siya iniintindi.                         "Anong gusto mo? Dahan dahanin ko para mas makita mo? Tch." Tamad na sabi ko.                         "Wow, ang kapal ha! Sobra sobra! Hiyang hiya ang pader ng condo mo sa kakapalan." She said.             Tumaas ang kilay ko at hinarap siya. Nakatalikod pa din siya. Binato ko naman sa kanya ang pajamang hinubad ko at naglakad papalabas.                         "Aray!" She shouted.             Nagsuot naman ako ng sapatos nang sumunod na naman siya sa akin.                         "Huy, saan ka nga pupunta?" She asked again.             Tiningala ko naman siya at ngumisi.                         "Why are you asking? Stop acting like a girlfriend, Addie. Huwag mo masyadong careerin."             Tumaas ang kilay niya at kinuha ang throw pillow sa couch para ibato sa akin.                         "Ang kapal kapal mo talagang bakla ka!" She shrieked.             Ngumisi ako at pinigilan siya at hinigit sa tabihan ko para mapaupo siya.                         "Get dressed, isasama kita." I said.             She might get bored here. At baka kapag nag-iisa siya, maisip na naman niya ang gagong ex niya. Baka mamaya, magmakaawa ito sa ex niya.                         "Saan?" She asked again.                         "Basta. Wear something decent. Mag pants ka." I said.             Sumunod naman siya sa akin. Sumakay kami sa kotse ko at nagdrive na ako papunta sa venue ng bachelor's party.             I called Kourtney while driving.                         "Diego?" She asked.             Maingay ang background. Siguro ay nasa venue na siya.                         "Saan kayo?" I asked.                         "Huh? Diba sa bachelor's ka dapat?" Tanong niya.             Narinig ko ang mahinang tawa ni Addie. Umirap ako.                         "Yeah. May idadaan lang ako diyan." I said.                         "Oh? Nasa restaurant kami ng mother ni King."             I ended the call.                         "Sa bachelor's party mo ako isasama? Really? Ano boy hunting tayong dalawa?" Natatawang tanong ni Addie.             Tinabi ko iyon sa parking lot ng hotel nina King. Pumunta ako sa restaurant sa baba habang hawak sa kamay si Addie. Binuksan ko ang pintuan at bumungad sa akin ang malalaswang design ng dingding. May mga p***s shaped pang balloons at kung anu-anong lewd things. I can see strippers pa.                         "My gosh, dito mo pala ako isasama bakit mo ako pinagpants? Dapat nagsuot ako ng dress para nakaaddapt naman ako. Mukha akong napadaan lang rito." Bulong niya na may halong reklamo.                         "That's why I told you. There would be strippers, later. I don't want you harassed while I'm not here."             Kunot ang noo niya at nilingon ang paligid.                         "Wala ka rito, mamaya? Iiwan mo ako?" Hindi makapaniwalang tanong niya.             Tumango ako.                         "Of course, men should be in the bachelor's party."             Tumaas ang kilay ni Addie.                         "And are you a man? Don't fool me."                         "Just shut up, Addie." I gritted.             Tumango naman siya at umaktong zinipper ang bibig niya.  Lumapit sa amin si Kourtney.                         "Anong ginagawa mo rito, Tanseco?" She asked me.             Tiningnan naman niya si Addie pabalik sa akin.                         "I'm just dropping her here, Kourt. I want you to be familiar with her, she's my girlfriend."                         "What? Bakit ngayon mo lang sinabi? Were you dating for so long?" Tanong ni Kourt.                         "It's not my responsibility to tell you."             Umirap si Kourt.                         "Sungit." Bulong niya at binalingan si Addie.                         "Hi, I'm Kourtney. We're both friends of the bride. You are welcome here. What's your name?" Tanong niya.             Naglahad naman ng kamay si Addie at tinanggap ni Kourt iyon.                         "I'm Addie Uytengco."                         "Kourt, ikaw na ang bahala. Do not let any strippers to be near her." Bilin ko.             Ngumisi naman si Kourt na parang tuwang tuwa siya at gustong gusto niya ang nangyayari. I rolled my eyes.                         "Napakaseloso mo naman pala!" Ani Kourt. "Oh? Umalis ka na! Ako na ang bahala rito."             I looked at Addie. Hindi kumportable ang kanyang mukha. Lumapit ako aat hinawakan siya sa magkabilang balikat.                         "Have fun here. They're pretty nice when you know them."             Tumango siya.                         "Do not drink, Addie. Ako na ang susundo sa'yo. Huwag kang sasama sa iba. Got it, Uytengco?"                         "Whatever, huwag kang manglalalaki dun ha? Alam mo na!" Addie winked at me.             Umiling ako at agad siyang pinatakan ng halik sa pisngi. Nawala naman ang ngisi niya sa mukha, kaya ako naman ang nagkaroon ng malaking ngisi.             Pulang pula ang pisngi niya sa akin.                         "That's what you get for teasing me, Addie. So, you better shut up." I whispered and made my way out of the room.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD