"Sigurado na ba kayo?" tanong ni Tita Isabel. "Yes, Mom. We'll end this here today. Naiipit na ang mag-iina ko." sabi ni Diego habang inaayos ang kayang tie. "Good for you. Hija, I never knew you're going out with Gael?" tanong ni Tita. "I am so sorry po. We were set up by his brother noong panahon na magkahiwalay kaming dalawa. But promise po, that was just two times." "Oh, don't say sorry. Naintindihan ko. “You just dated him dahil akala mo ay wala na kayo. That's acceptable, hija." Hindi ko alam kung bakit sobrang bait ng Mommy ni Diego sa akin. Ilang beses na akong sumablay at ni minsan, hindi ito nagawang magtanim ng sama ng loob.

