Rana Pov: Maaga akong nagising. Naunahan ko pa nga si Natcher e. Nasa kuwarto pa namin siya mahimbing na natutulog. Totoo ngang magkasama kami sa iisang kuwarto. Di naman na bago kasi natulog na ako sa condo niya na magkatabi kami sa kama. Tsaka naalimpungatan ako dahil naalala ko kasi yung sermon sakin ni Ate bago ako umalis kahapon. Hanggang panaginip ko dinadalaw ako ni Ate. Pumikit ako at nilanghap ang sariwang hangin. Sa pagmulat ko nasa tabi ko na si Bianca. Aba mukhang maaga din siyang nagising. " Good morning! ". May ngiti ko sa labing bati sa kaniya. Hindi siya sumagot. Pero bumuntong hininga siya. Humarap siya sakin na nakataas ang isang kilay. " I'll be true to you Ashrana! Hindi kita gusto! ". Kahit hindi naman niya sabihin alam ko. Umpisa palang the way na tawagin niya a

