Tahimik kong tinahak ang daan papasok sa simbahan. Unlike catholic churches, walang makikitang simbolo rito. Simple lang ang establishment at kulay puti ang kabuuan. Ground floor lamang ito. May kataasan at tingin ko’y malawak ang loob, bagaman hindi pa ako nakakapasok, ramdam kong malaki na ang space nito sa loob. I’ve never been to other churches. Sa catholic church na nasa sentro lang kami nagsisimba noon at madalas pa. Kaya ngayon, iba sa pakiramdam ko ang makapasok dito. May kilala na rin naman akong mga born again christians noon at na-invite na magsimba sa kanila ngunit tanging kay Jaguar lang ako pumayag na makisimba. Not that I am being choosy. Kaibigan ko na rin naman siya bukod kay Carrie. Namataan ko kaagad sa bungad si Jaguar. Nakatayo siya sa bukas na pintuan at may kausap

