“Saan na kayo?” mahina kong tanong kay Carrie nang sagutin niya ang aking tawag. Alas singko na at halos tatlong oras na kaming walang imik dito sa bahay. Nagkaroon daw kasi ng delay sa delivery ng mga gagamitin sa set ayon sa designer. Kaya kahit natagalan pa kami sa paghihintay ng go signal, halos dalawang oras kaming tengga rito sa bahay. Kumapit ako sa tela ng kurtina. Mabuti at nakalayo-layo pa ako kay Kuya Kaloy upang hindi niya marinig ang aming usapan. I just really hope that this plan will go into its place. Dahil kung hindi, baka habambuhay ko itong pagsisisihan. “Huh? Eh ‘di ba dapat ako ang nagtatanong niyan?” sagot niya sa kabilang linya. Napapikit-pikit na lang ako dahil sa taranta. Anong oras na? Halos alas-singko na! “Kayo dapat ang mauuna ni Kaloy doon sa set, ano

