Chapter 2

2327 Words
Nagising si Nica na nananakit ang buong katawan. Napakagat labi siya. Pakiramdam niya ay tumakbo siya mula EDSA hanggang Bulacan. Nananakit ang kaibuturan niya at nahihirapan siyang kumilos. She is sore all over. Pakiramdam niya ay parang binugbog ang katawan niya at napunit ang kaibuturan niya sa kirot na nadarama. Mabilis niyang tiningnan ang wall clock sa kwarto ng lalake. Alas singko pa lang pala. She wrapped her naked body with the blanket at sumilip sa bintana ng kwarto ng lalake. Wala ng mga bisita. Nilingon niya ang lalakeng nakahiga sa kama at mahimbing na natutulog. She smiled. She can still remember what they did last night. Hinaplos niya ang labi at ang leeg niya. She could still feel the sensation of his kisses on her lips and skin. Bigla siyang namula nang ma-realize na naka-tatlong rounds sila kagabi. Napukpok niya ang ulo. "Ano ba kasing pumasok sa isip ko!?" Bulong na tanong ng dalaga sa sarili. She let a man do things with her body multiple times! Ano na lang sasabihin ng mama niya? Na isa siyang pariwarang babae? But on the other hand, she felt happiness. Unang beses niyang naramdaman na isa siyang ganap na babae, na masaya palang maging isang babae. He made her feel that. Inilapit niya ng mukha sa lalake at hinalikan ang labi nito. Nakaramdam siya ng excitement. "Thanks for making me happy last night." She smiled. Nawala ang ngiting iyon nang may na-realize siya. Kailangan na niyang kalimutan ang estrangherong lalake dahil alam naman niya sa sarili na one-night stand lang iyon para dito. The way he had s*x with her made her realize na sanay na ito sa pakikipagtalik. Sanay na ito sa mga one night stands. Bigla siyang nakaramdam ng lungkot. Hinalikan niya ito sa noo at nagmamadaling isinuot ang longsleeves nito. Nagdesisyon siyang pumasok sa walk-in closet ng lalake at nanghiram ng disenteng shorts. Hirap mang maglakad dahil sa sakit ng katawan ay nagawa niya paring pumasok sa closet . Mabilis niyang hinanap ang mga pambahay nitong damit sa dinami-rami ng naka-display roon at pinili niya ang basketball shorts nito. "Ang yaman talaga ng lalakeng 'to," she said, unconsciously . Nanlaki ang mga mata ni Nica nang makita ang mga awards at diploma na naka-display sa malaking walk-in closet. Naka-print din sa mga certificates ang pangalan ng binata. Leonardo Villaruiz. Naestatwa siya sa kinatatayuan. Pakiramdam niya ay binuhusan siya ng malamig na tubig dahil sa nalaman. She had s*x with the one and only Leonardo Villaruiz! Kung minamalas ba naman siya! Nakipag- one night stand siya sa boss ng boss niya! "Ano ba 'tong pinasok ko?!" Inis na tanong niya sa sarili. Bakit hindi man lang pumasok sa isip niya na nasa mansyon nga pala siya ng mga Villaruiz! Bakit hindi niya naisip na baka nga boss ng boss niya ang nakita niyang naka-tuxedo kagabi? Nagmamadali siyang nagsuot ng shorts at pinulot ang mga saplot niya sa sahig at lumabas na ng kwarto nito. Nakahanap naman siya ng exit route na madaling ma-access. Nang makarating na siya sa guardhouse ay bigla siyang kinabahan. Paano siya makakauwi? Tiyak na haharangan siya ng mga gwardya dahil maliban na lang sa buhok niyang sabog dahil sa mga pinaggagagawa nila ng lalakeng yun kagabi ay hindi pa presentable ang mukha niya! Eksaktong may isang taxi na walang pasahero ang papalapit sa direksyon niya na malapit lang sa maid's quarters. Mabilis na sumakay si Nica sa sasakyan hanggang sa makarating siya ng bahay nila. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang mahimbing na natutulog ang nanay niya sa kwarto nito. Tinungo na niya ang kaniyang kwarto at mabilis na nag-shower. **** "SORRY PO, sir. Wala po talaga kaming nakitang babae na lumabas kaninang madaling araw." Leonardo heaved a sigh as he looked at the guards with obvious disappointment. Naiirita siya dahil tinakbuhan siya ng babaeng yun. Nagising si Leo nang alas siete ng umaga ngunit nabigla ang binata nang maramdaman na wala na itong katabi. Napabalikwas kaagad si Leo ng bangon at hinanap ang misteryosong dalaga. He liked her last night. He wanted to get to know her better pero ni pangalan nito ay hindi niya nakuha. "Its okay, Mang Ben. But next time maging mahigpit na kayo sa mga papasok at lalabas ng mansyon." "Opo, bossing. Pasensiya na po talaga. " Mabilis siyang sumakay sa kotse niya at pumunta sa lawfirm na pag-aari niya. Pilit niyang iwinaksi sa isip ang mukha ng babae kagabi. He always do one night stands, pero hindi niya maintindihan kung bakit parang nagi-guilty siya sa ginawa niya sa babae kagabi. "Maybe because she's a virgin?" Napailing siya. "Or maybe you wanted her again," Bulong ng isip niya. Napailing siyang muli. She's just a plain Jane. Nothing is special about her except when it comes to bed. She can wake up the beast--no, scratch that-- his innermost desire that is sleeping inside him. She could please him and she knows where his pleasure spots are without even trying. As if... she mirrored his pleasure. Napailing si Leo. Why is he affected? He could hook up another woman whenever and wherever he please. And then it hit him. "Oh! Mr Attorney! Bakit ka nandito? Makiki-CR lang ako." Naalala niyang tanong ng babae sa kaniya kagabi. "Right!" He has this cheerful expression in his face now as he dialed his secretary 's number. There's a big possibility that the woman he shared his bed with last night is working inside his law firm. "Hello, Harvey. Hiramin mo sa HR Department lahat ng bio-data ng mga babaeng employees natin. Put it on top of my office desk. I'll be there in 20 minutes. " "Yes, boss." **** "BAKIT hindi ka na naman papasok Nica? Kaka- Dayoff mo pa lang nung nakaraan ah! " Tanong ng pinsan niyang si Andrew sa kabilang liniya ng telepono. "Sorry insan. Masama kasi pakiramdam ko eh. Nananakit buong katawan ko. May hangover pa ako dahil sa wine na ininom ko kagabi. Sige na. Babawi ako sayo, pangako. " "Gano'n ba? Sige at magpahinga ka muna." "Huwag kang mag-alala. Ipapadala ko si Rina para i-assist ka sa mga schedules mo. Tutal ay may gusto ka din naman sa kaibigan ko ay pagbibigyan na kita. Konsensiya ko pa kung matatalo ang case na hawak mo dahil sakin. " "N-no thanks. I can handle my sched. Huwag mo na siya istorbohin. Napagod yun kagabi dahil sakin---" bigla itong natigilan sa pagsasalita. Nica gasped, "May nangyari sa inyo kagabi, ano? Kayo, ah! Nagkikita pala kayo ng palihim!" Panunukso niya sa pinsan. " I-I mean, kasi..." Andrew heaved a sigh, "Fine! We're dating already! Ano? Tutuksuhin mo na naman ako? Go ahead! " Napangiti siya. Natutuwa siya para sa pinsan at sa matalik na kaibigan. "I'm happy for the both of you." "Thanks. Im ridiculously in love with her. " "Alam ko." "Wait--what??! Paano mo nalaman? " "You taught me a lot about body language right?." She almost rolled her eyes. "Lagi talaga akong talo pagdating sa pakikipag-debate sayo. " Pag-amin nito. She smiled. Kahit parang aso't pusa sila ng pinsan kung mag-banghayan ay maha l na mahal niya ang pinsan. Para na niya itong totoong kuya. "Sige na! Magpahinga ka na. See you tomorrow, insan." "Sige. kitakits." In-end na niya ang tawag. Mahigpit niyang niyakap ang unan niya at pinikit ang mga mata. Ano kaya ang mangyayari kapag nagkita ulit sila ni Leonardo Villaruiz? Matutuwa kaya ito? O maiinis dahil baka mapagkamalan siyang stalker nito. Paano ba naman kasi eh sa pagkalawak-lawak ng mundo eh sa iisang building pa sila nagtatrabaho! Boss pa ito ng boss niya! "Magre-resign na lang ako!" Sigaw niya. Ang gulo talaga ng sitwasyong pinasok niya. Ano na lang kaya ang magiging reaksyon niya kapag nagkita ulit silang dalawa ng lalakeng 'yun? "Hindi naman siguro kami magkikita! Nasa 25th floor siya at nasa 10th floor naman ang opisina ni insan. Tama! Dapat hindi ako magpa-apekto! Dapat umarte akong wala lang sakin yung mga nangyari kagabi! At kapag magkikita man kami ulit, dapat umakto akong pormal! Proffesional ako! Professional ako! Dapat hiwalay ang trabaho sa personal life! " Pilit na diniktahan ni Nica ang sarili. Kinabukasan ay masigla siyang pumasok sa opisina. Kahit medyo nanakit pa ang katawan ay pinilit niya ang sarili na magtrabaho. Simpleng black long sleeves at slacks ang suot niya na naging madalas na niyang suot sa opisina. Napagkakamalan na nga iyong uniform dahil iyon lagi ang porma niya. Pumasok na siya ng opisina ng pinsan niya at naupo sa desk na nasa bandang kanan kung nasaan ang desk ng pinsan. Naging normal naman ang takbo ng umaga niya. Parang dati lang rin---nakaka stress pa rin ang trabaho niya pero worth it naman dahil natutulungan nilang mag-pinsan ang mga taong na ngangailangan ng human rights protection. "Blooming ka ata, Ma'am Nica!" Bati sa kaniya ng mailman nilang si Dennis. Nginitian niya ito. Bagito pa kasi ito at working student. Mailman sa umaga, college student sa gabi. Kaya hanga siya dito. Isa ito sa mga ka-close niya sa building. Ito din ang nagchi-chismis sa kaniya ng mga kaganapan sa buong lawfirm. Sinusumbon g din nito sa kaniya yung mga ka-opisina niyang insecure sa kaniya at mahihilig magkalat ng mga fa ke news tungkol sa kaniya. Bilang kapalit, pinapahiram niya ito ng mga libro tungkol sa human rights na galing pa sa pinsan niya. Future Attorney kasi ito. Kaya ang simpleng bagay na iyon ang napagka-kasunduan nilang dalawa. "Thank you, Dennis! Ikaw rin. Nadadagdagan ang eyebags mo. Huwag mo masiyadong i-pressure ang sarili mo sa studies mo. Bisita ka ulit sa bahay. Hinahanap ka ni Nanay," alok niya rito. Bukod kasi sa mag bestfriends sila ay ka-tropa ni Dennis ang nanay niya. Kaya hindi na niya ito tinuturing na ibang tao. "Sige po Ma'am Nica." Nginitian din siya nito at inabot ang mga liham na para sa kaniyang pinsan at umalis na tulak-tulak ang mail cart nito. Nagpatuloy siya sa pagta-trabaho. Lumipas ang ilang oras at nakaramdam na siya ng gutom. Nagdesisyon siyang hanapin si Dennis para sabay na silang kumain sa cafeteria ngunit hindi niya ito matawagan. Mag-isa niyang tinungo ang elevator at pinindot ang down button. Napabuga siya ng hangin sa sobrang inip. Napakabagal kasing gumalaw ng elevator papunta sa floor niya. Yumuko siya at ginalaw-galaw ang mga paa sa sahig para may mapag-libangan siya habang naghihintay. Nang bumukas ang elevator ay nag-angat siya ng tingin. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang lalakeng pinaka-ayaw niyang makita. He stared at her with his grey, emotionless eyes. Bumilis ang t***k ng puso niya at na-estatwa siya sa kinatatayuan. Nang mahimasmasan ay mabilis siyang tumakbo paalis at bumalik sa opisina ng pinsan niya. Nagtago siya sa loob ng CR at ni-lock ang pinto. Napahawak siya sa dibdib sa sobrang kaba at nerbyos. Maaga siyang aatakihin sa puso kung palaging ganun ang tagpo niya sa opisina. Kailangan niyang harapin ang lalaking yun at sabihin na dahil sa wine kaya niya isinuko ang sarili rito kagabi. At gusto din niyang huwag nitong i-big deal kung birhen pa siya nang makuha siya nito. Wala naman kasi siyang pinagsisisihan kung isinuko niya ang sarili dito. Thankful pa nga siya dito dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay naiparamdam nito sa kaniya ang mga sensasyong hinding-hindi niya malilimutan. Pero kinakabahan pa rin siya. Paano kung magalit ito kasi nag-tresspass siya sa kwarto nito? O di kaya'y baka kasuhan siya nito dahil sa pagnanakaw niya ng basketball shorts at white longsleeves nito. Imposible! Ang yaman kaya ng lalakeng 'yon para magdemanda dahil lang sa isang ninakaw ng damit! Bulong ng isip niya. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan ng CR at sinilip kung may tao sa loob ng opisina ng pinsan niya. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang walang tao roon. Nakahinga siya ng maluwag. Lumipas ang dalawang linggo at magmula ng makita niya ito sa elevator ay hindi na niya ito nakita muli. Naging mapayapa ang mga lumipas na araw. Tuluyan ng nawala ang lahat ng takot at kaba niya sa tuwing maiisip na baka magkasalubong o makita niya ulit si Leonardo Villaruiz. Napalingon si Nica sa pintuan ng opisina ng pinsan niya nang makarinig ng katok mula sa pinto. Nang bumukas ito ay bumungad sa kaniya ang mukha ni Harvey, sekretarya ni Leonardo Villaruiz for almost 8 years at ang kauna-unahang empleyado na pinagkakatiwalaan daw sa lahat ng bagay o transaksyon ni Mr. Leonardo Villaruiz. Naging kaibigan niya ito simula ng maging sekretarya siya ng pinsan. Gwapo din ito at nakapagpakasal na nung nakaraang taon. Mukha itong nerdy kaya hindi mo aakalaing nasa mid-30's ito. "Hi po, Mr. Harvey. May kailangan po ba kayo?" Pormal na tanong ni Nica kay Harvey. "Oh, please! Drop the formalities, Nica. Nandito ako para sa librong hiniram mo. Hindi mo pa nasasauli sakin. " "Ay, oo nga! sorry ha? Busy kasi ako nitong mga nakaraang araw. Thank you nga pala sa pagpapahiram mo ng mga romance pocketbooks ha? Grabe! Andami mong mga pocketbooks! Ni hindi halatang fanatic ka ng romance stories kasi ang sungit mong tingnan dati." Inabot niya dito ang librong hiniram. "sorry, ang daldal ko." "Whatever. Anyways, may meeting ang lahat ng mga Attorney for human rights bukas. Kasama din tayong mga secretary nila sa loob ng conference room kasi marami-rami ang ipapa-schedule ni boss na mga kasong iha-handle nila. Goodluck sa ating mga dakilang secretary! " Wika nito at lumabas na ng opisina. Literal siyang napanganga. Pinaglalaruan ba siya ng tadhana?! Bakit kailangan pang isama ang lahat ng secretary sa conference room!? Bakit sa lahat ng pwedeng mangyaring kamalasan sa kaniya ay iyon pa ang nai-tadhana ng lintik na kapalaran niya? _____ This will be my last update of this story here on Dreame. You may search my username on w*****d to read this story. Kumpleto po itong book doon at may series 2 at 3 pang kasunod. :) Follow me @missbellavanilla on w*****d and look into my Completed Works. Or just simple search for Guilty as Charged by missbellavanilla on w*****d.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD