CHAPTER 1
Na-alimpungatan si Nica nang marinig ang doorbell mula sa kwarto niya. Nagmamadali siyang bumangon at tinungo ang pintuan. Nang mabuksan niya iyon ay bumungad sa kaniya ang nakangiting mukha ng deliveryman.
"Good Morning po Ma'am. Sulat po para sa inyo. Paki receive na lang po." Ibinigay ng deliveryman sa kaniya amg sulat at papel na pipirmahan niya. Nang mapirmahan niya ang receive form ay umalis na ang deliveryman.
"Kanino kaya galing itong sulat?" Tanong ng isip niya. Mabilis niya itong binuksan at nagulat siya nang makitang anonymous ang sender nito. At ang nakalagay sa loob ay isang invitation para sa isang party.It wasn’t just any normal invitation.
"Hala?! Bakit naman ako imbitado sa birthday party ni Ma'am Teresa?" Tanong ni Nica sa sarili. Nagtatrabaho siya sa pinsan niyang Attorney for Human Rights sa Villaruiz Lawfirm— kung saan ang anak ni Teresa Villaruiz ang nagmamay-ari. Kilala ang anak nitong si Leonardo Villaruiz na may-ari ng isa sa mga kilala at pinagkakatiwalaang lawfirms sa bansa.
Mahigit dalawang taon na siyang nagtatrabaho sa naturang lawfirm pero ni minsan ay hindi niya nakita o naamoy si Leonardo Villaruiz maging ang nanay nito. Kaya nagtataka siya ngayon kung bakit may imbitasyon siya para sa isang magara at malaking party na sigurado siyang puro mayayaman at maaarte ang dadalo. Napabuntong-hininga si Nica.
"Anak, ano yang hawak mo?" Tanong ng kaniyang ina na biglang sumulpot sa kaniyang tabi at binasa ang hawak niyang imbitasyon.
"Wow, mukhang magara yang party na pupuntahan mo 'nak ah! Siguradong mapapasubo ka sa englishan jan. Pumunta ka kaya jan 'nak? Baka malay mo makabingwit ka ng malaking isda."
Nanlaki ang mata niya sa sinabi ng ina. "Nanay naman eh! Naririnig nyo ba sarili nyo? Binubugaw mo na ako eh! Gusto mo bang mag-asawa ako nang maaga ha?!"
"Anong maaga? Magte-trenta ka na sa susunod na buwan! Bata ka pa ba? Naku, Veronica! Bakit kasi hindi ka makipag-date? Gusto ko nang magka-apo! Para naman may pag-aaksayahan ako ng oras at pawis! Nababagot na ako dito sa bahay."
"Sige ka! Baka maging totoo 'yang hinihiling mo! Baka mamayang gabi makipagtalik ako sa lalakeng hindi ko kakilala! Gusto mo pala ng bastardo eh! Who am I to avoid s*x? Balita ko nga masarap daw yun!" Isinara niya ng malakas ang front door at nagwalk-out.
"Veronica! Bumalik ka ditong bata ka! Aba! Huwag na huwag kang magwo-walk out sa harap ko. Makakatikim ka ng palo ng tsinelas!" Narinig niyang sigaw ng kanyang ina. Napabuntong-hininga si Nica at pumasok sa kanyang kwarto. Kung bakit ba naman kasi nag-iisa siyang anak ni Eleanor Manalo at Robert Manalo!
Mahigit dalawang taon pa lang ang lumipas mula ng pumanaw ang kaniyang ama at silang dalawa na lang ng ina ang magkasama sa buhay. Namatay man ang ama ay hindi sila nagkaroon ng problema sa pinansiyal dahil magaling sa buhay ang huli. Nakapagtabi ito ng savings at insurance na napakinabangan nilang mag-ina nang mawala ito. Kaya nagsumikap siyang kumayod sa trabaho para hindi masayang ang pahihirap ng kaniyang namayapang ama. Malaki-laki rin ang kita niya sa kasalukuyang trabaho at sapat na para sa pangangailangan nilang mag-ina.
Nagmamadaling ni-dial ni Nica ang numero ng pinsan niyang si Attorney Andrew Manalo.
"Nica bakit ka napatawag? Hindi ba’t day-off mo ngayon?" Nagtatakang tanong ng kanyang pinsan.
Nica scratched her head. “Sorry sa istorbo, insan. Matanong ko lang. Ikaw ba ang nagpadala sakin ng imbitasyon para sa party ni Ma’am Teresa Villaruiz? "
"Wait—what!? So totoo pala ang mga chismis. The Villaruiz Clan’s gonna have a grand party for Madame's Birthday!” There’s a sudden glee in his voice. “But, wait? Bakit may invitation ka?" Nagtatakang tanong ng pinsan niya.
"Kaya nga eh! Nagtataka din akoo kasi pangalan ko mismo ang nakalagay sa invitation! Bakit naman ako iimbitahan doon? Ni hindi nga kayo close ng big boss mo eh, ako pa kaya? "
"Maybe, pumili sila ng mga single at magagandang empleyado na pupunta doon sa party. Alam mo na, for the sake of publicity."
"Bakit ikaw hindi naimbitahan? "
He hissed. "Dont you think I’m too old-fashioned para sa mga en grandeng party na ‘yan? Ikaw na lang ang pumunta. Huwag na huwag mong tatanggihan ang imbitasyon ni Mrs.Villaruiz. Malay mo doon ka na makahanap ng lalakeng kayang salagin ang mga suntok mo."
"Pati ikaw gusto ako bugawin. Bahala ka na nga sa buhay mo!"
Mas lalo pa siyang napasimangot nang marinig ang malakas na tawa nito mula sa kabilang linya bago nito i-end ang tawag. Napahiga siya sa kama sa sobrang inis. Kailangan ba talaga na obligado ang lahat na maghanap na ng mapapangasawa? Kasi kontento na siya sa buhay na mayroon siya ngayon. Lahat ng stress niya ay galing lang sa trabaho at wala nang iba. Can she really enter a relatiionship and commitment? Iyon ang hindi niya alam.
Nagdesisyon si Nica na magbabad sa shower ng araw na ‘yon kesa problemahin pa ang tuyot na lovelife. Tumayo siya at hinubad ang lahat ng saplot sa katawan. Bago pa siya pumasok sa banyo ay tiningnan niya ang hubad na katawan mula sa kaniyang full-length mirror sa kwarto. Napabuntong-hininga siya. Hindi niya man lang ma-imagine na balang araw ay may isang lalakeng aangkin ng kaniyang katawan just like what she had read in the romance books. Once again, she heaved a sigh.
"Bakit ba ako apektado sa mga panunukso at pagbubugaw ng nanay at pinsan ko?" Tanong niya sa sarili. Iwinaksi na lamang niya ang lahat ng kaniyang iniisip habang naliligo sa maligamgam na tubig mula sa shower.
Kinabukasan ay naghanda siya para pumasok sa lawfirm. She wore a black polo shirt and black slacks which complimented her curves. Nang makarating sa opisina ay nagmamadali siyang pumasok sa elevator at pinindot ang tenth floor button. Nakahinga siya nang maluwag ng ma-realize na twenty minutes early siya. Kadalasan kasi kapag nagde-dayoff siya ay natatambakan siya ng trabaho kinabukasan kaya ang ginagawa niya ay mas maaga siyang pumapasok kesa sa nakaugaliang oras ng trabaho.
A fake cough caught her attention. Napatingin siya sa estrangherong katabi niya. He's wearing a complete office attire at nakapamulsa. Medyo lumayo si Nica ng konti sa lalake na agad namang nakatawag ng pansin nito. He stared at her.
"Bakit po?" She asked politely.
"I'm sorry pero mali ang pagkakabutones mo sa polo mo." He said in a cold tone. Namula ang pisngi niya nang mapagtantong imbes na sa unahang butas niya ibinutones ang unahang butones ng polo niya ay nag-umpisa siya sa pangalawa. Mabilis niya itong tinakpan ng mga folder na hawak niya. Kaya pala nagtatawanan ng palihim ang mga taong nakakasalubong papuntang opisina ay dahil sa damit niyang tabingi ang pagkakabutones!
"Next time, don't wear something you cant even wear properly. " Wika nito at nauna nang lumabas ng elevator.
Bigla siyang nairita sa sinabi ng lalake. Aba! Kung makapagsalita akala mo hindi nagkaroon ng pagkakasala sa buong buhay niya eh, ‘no?
"What do you expect, Nica? Lahat ng mga lawyer dito’y mga perfectionist! Duh! Hindi ka pa ba sanay? " Sigaw ng isip niya.
Nang makapasok sa opisina ay inumpisahan na niyang matapos ang weekly schedule at lawsuits na hahawakan ng pinsan niya. She finished her piles of paperwork at exactly seven pm. Pagod na pagod man sa kakaupo ay napagdesisyonan niyang umalis na at pumunta sa isang boutique kung saan gumagawa ng mga dress para sa lahat ng okasyon. Pagpasok niya sa shop ay bumungad sa kaniya ang mga naggagandahang mga gowns at dresses. The shop shouts sophistication and class. Pakiramdam ni Nica ay biglang nahiya ang wardrobe niya sa shop.
"Good evening beautiful! How may I assist you?" Magalang na tanong ng isang saleslady.
"Naghahanap kasi ako ng dress o gown na pwedeng suotin sa isang en' grandeng party ng mga mayayaman." She faked a smile. Gusto niyang batukan ang sarili dahil sa sinabi. Halatang-halata na first time niya at wala siyang kamuwang-muwang sa mga party. “Sorry po. First time ko.”
"Well then, since you are a first timer. Let me show you the best gowns and dresses we have." Iginiya siya ng saleslady patungo sa isang area kung saan naroong ang mga dresses na pang sosiyalan. Napanganga siya sa sobrang ganda ng mga dresses pero ang nkakuha ang atensyon niya ay ang isang black gown with a plunging neckline na hapit na hapit sa katawan. It is elegantly embedded with clear beads and crystal. Not to mention that it looks very formal yet sexy. Para siyang magiging Miss Universe candidate kapag susuotin niya ‘yan.
"Ma'am mukhang mahilig kayo sa color black."
"Magkano ang gown na ‘yan, Miss? " Wala sa loob na tanong niya sa saleslady na nasa tabi.
"Kung kasali po ang partner nitong heels and purse, below fifty thousand. Pero sabi ng may-ari ay pwede namin kayoong bigyan ng discount."
Nanlaki ang mga mata niya dahil sa narinig. "Ano?!" She blinked for a second to let thye information sink in her brain. Fifty thousand for a dress, heels, and a f*****g coinpurse!
Natigilan siya nang may lumapit na isa pang saleslady sa saleslady na katabi niya at may ibunulong dito. Maya-maya pa'y umalis na ang sumulpot na saleslady nang matapos ang bulungan ng dalawa.
"Okay Ma'am. Naka-discount pa po pala ang gown na yan ng 75% dahil clearance sale. So, fortunately, you can buy it in a low, discounted price."
"Wait—talaga? " Nagtataka niyang tanong dito. Hindi na siya nagdalawang-isisp na bilhin ang gown at umuwi na ng bahay nila. It was a miracle. A heaven-sent. Ang laki ng natipid niya sa shop na ‘yon.
"ANAK, why don't you go downstairs and welcome my visitors? Maraming naghahanap sayo sa labas. I’ve invited some ladies of my own selection. Baka may matipuhan ka." Leonard's mother said in a happy tone. Kasalukuyan silang nakatambay sa kwarto niya ngayon at kanina pa siya pinipilit ng ina na bumaba para kamustahin ang mga bisita. His mother always loved to be in the spotlight kaya mahihilig ito sa mga mag-conduct ng parties kaya hindi na siya nakatanggi nang hilingin nito na magkaroon sila ng garden party sa bakuran nila. Who is he to hinder his mother's happiness?
"Come on, Mom. You know I'm too shy for your social activities. Mabuti pa’t sabihin mo sa kanila na nasa business trip ako at wala ako rito sa bahay. I'm too tired to go downstairs. And besides, pinag-aaralan ko pa ang lawsuit ng Xiang Company kaya hindgi kita masasamahan. I'm so sorry. Just enjoy the night." He kissed his mother's cheeks.
"Bumaba ka kung ayaw mong magtampo ako at hindi kita kausapin. This is my party, for pete's sake."
"Mom, between you and me, alam kong nagpa-party ka lang dahil gusto mo akong maka-meet ng mga eligible maidens na inipon mo. I'm a lawyer with a degree in psychology kaya I know how body languages and gestures works. You can fool anybody but me."
“Mukha ka nang ampalaya sa sobra mong pagsisimangot. Bahala ka nga riyan. Huwag mo na ako kausapin bukas kung hindi ka bababa!" Galit na wika ng kaniyang ina at padabog na sinarado ang pinto ng kwarto niya. He heaved a sigh. Sometimes his mother has a dracula-ic side. Matanda na ito pero kung magdabog ay parang bata.
Labag man sa loob ay nagsuot siya ng grey tuxedo which his mother prepared for him para sa kaarawan nito. Bago siya lumabas ng kwarto ay sinilip niya ang mga bisita mula sa bintana ng kwarto niya. He can see the guests having fun while complimenting how beautiful their garden and gazebos are. Inilibot din ni Leo ang paningin sa paligid at nakita niya ang ibang business partners niya at mga kamag-anak niyang nagku-kwentuhan. Tiningnan niya rin ang mga babaeng nakikipag-socialize sa mga bachelors na naroon. Others are already flirting with each other. Napailing siya.
He was about to remove his gaze from the visitors until he saw a lady in a black, sultry gown na kumakain mag-isa sa chocolate fountain. She's enjoying dipping every variety of fruits na naka-display malapit sa chocolate fountain. Maya-maya ay isinawsaw nito ang isang strawberry sa chocolate fountain at kinain ng buo. Ito lang ang tanging tao na ine-enjoy ang chocolate fountain mag-isa. He smiled.