CHAPTER 5

1929 Words
NAGISING si Emerald nang makarinig siya ng mga kaluskos. Gumalaw siya pero agad din siyang napangiwi nang maramdaman niya ang pagkirot ng tiyan niya. Pinigilan niyang huminga bago dahan-dahan siyang bumangon. Napatingin naman kaagad siya sa isang paa niyang naka-cast. Sinubukan niyang galawin iyon at napangiti siya nang maigalaw na niya. Unlike kanina na hindi talaga niya maramdaman ang paa niya. "You're awake." Awtomatikong napaatras siya sa sobrang pagkagulat. Pero kaagad din siyang napangiwi nang sumigid ang kirot sa tiyan niya. “Don’t move.” Mababa ang boses na sabi nito. Nanlalaki naman ang mga matang nakatingin lang siya sa lalaki. Ito iyong lalaking nakita niya kanina na walang damit, iyong nagalit din kay ate Heejhea dahil hinampas-hampas siya. Kapatid ito ni Scarlett at ito raw ang nagligtas sa kaniya roon sa lalaking nagtangkang pagsamantalahan siya. "Anong g-ginagawa mo rito sa kuwarto?" Nahihintakutang tanong niya sa lalaki. Pasimple niyang binalot ang sarili ng comforter. Naging alerto rin ang kaniyang mga mata para kung lumapit man ito sa kaniya ay kaagad siyang makailag. Pero nanatiling nakatayo lang ito sa kung saan ito kanina nang magising siya. "This is my room." kibit-balikat nitong tugon sa kanya. "Your room?" Iginala niya ang paningin sa kabuuan ng silid. Everything in it indicated that the occupant was a male... very male. Muli niyang tiningnan ang lalaki. "Nasaan sina Scarlett at Yelena? P-Pati si ate Heejhea?" Sa halip na sumagot ay tinalikuran siya nito at nagtungo sa closet at kumuha ng T-shirt. Napatanga siya rito nang hubarin nito ang T-shirt nito. Gusto niyang tumalikod o di kaya'y pumikit pero hindi niya maalis ang mga mata sa katawan nitong tila inukit ng isang napakagaling na iskultor. Biceps, triceps and that absolutely six-pack abs were on display! Oh, God! Buong buhay niya ay ngayon lang siya nakakita ng hubad na lalaki sa personal. He slowly turned away to her. At kaagad niyang nahigit ang kaniyang hininga. No one had the right to be that handsome. Parang gusto niyang magprotesta nang maisuot nito ang isang black V-neck t-shirt na lalong nagpatingkad sa kakisigan nito. Pagkatapos ay nakapamaywang na hinarap siya nito ulit. "Nasa kabilang isla sila para sa paghahanda sa party ng kambal bukas." Oo nga pala. Nakalimutan niyang kaya pala siya napunta rito dahil sa birthday party sa pamangkin ni Yelena. Bigla siyang nakaramdam ng guilt. Pinag-aalala niya ang mga taong nakapaligid sa kanya dahil sa kagagahang ginawa niya. "Kailangan ko ng bumalik doon," aniya. Pero bago pa man siya makakilos ay maagap na siya nitong nahawakan sa kanyang braso. Ang bilis ng pagkilos nito. "Bitawan m-mo a-ako." Piksi kaagad niya at nanlalaki ang mga matang umurong na naman siya. Kaagad naman siya nitong binitiwan. Kumunot lang ang noo nitong tiningnan siya. "What?!" She was irritated was that she was ogling him just a few minutes ago. Nang hindi ito sumagot ay sinubukan niya ulit na bumaba ng kama. "Keep doing that and I will tie you in that bed." Madilim na ang anyo na banta nito sa kanya. Bigla naman siyang natakot. "I want to go home, o-okay?" Pumiyok pa ang boses na sabi niya. Gusto niyang maiyak sa kalagayan niya ngayon. Kasalanan din naman niya kung bakit. Walang ibang sisisihin sa kalagayan niya ngayon kundi siya lang at nandamay pa siya nang ibang tao. "Until you---" Natigil ito sa pagsasalita at sabay silang napatingin sa intercom na nakapatong sa bedside table nang tumunog iyon. Lumapit ito roon at inangat ang aparato. "Yes." Kumunot ang noo niya. Pati sa telepono ay para itong hari kung makipag-usap. Kaagad niyang ibinaling sa ibang direksyon ang paningin niya nang tumingin ito sa kanya. "Yes, she's awake now." Iyon lamang ang sinabi nito at ibinaba na ang telepono. Seriously? Ganoon lang ito makipag-usap sa telepono? "Si Heejhea ang kausap ko. Tinanong niya kung gising ka na." masungit nitong sabi sa kanya. "Si ate Heejhea? Bakit hindi mo siya ipinakiusap sa 'kin?" "Kumain ka na muna." Pagkasabi niyon ay sakto naman na may kumatok at bumukas ang pinto ng silid. Nakita niyang may pumasok na dalawang babaeng naka-uniporme na may dalang tray na puno ng mga pagkain. "Hindi ako gutom. Gusto ko ng umuwi, please..." pakiusap niya at sa hindi malamang dahilan ay tumulo ang mga luha niya. "Iwan niyo muna kami." Baling ng lalaki sa dalawang kasambahay na naroon pa pala. "Masusunod po, Sir." "We'll go home after you eat." Pinal nitong sabi pagkalabas ng dalawang katulong. Tumango na lang siya. “And will you stop crying?" Anito at padabog na kinuha ang tray at ipinatong niyon sa bed malapit sa kanya. "S-Sorry." Humihikbing hingi niya ng paumanhin sa lalaki. Suminghot-singhot na pinahiran niya ang mga luha gamit ang dalawang kamay niya. "Eat or I will feed you." Anito at tinalikuran na siya. Sinundan na lang niya ito ng tingin hanggang sa makalabas na ito ng silid. Pero bumukas ulit ang pinto at pumasok ulit ang dalawang kasambahay. "Ma'am, kumain na po kayo." Tumango naman siya at nagsimula ng kumain. "Siya nga pala, kaninong damit itong suot ko?" Puna niya sa suot nang mapagmasdan niya iyon. "Kay Ma'am Scarlett po," "Puwedeng pakiabot sa akin ang telepono? May tatawagan lang ako." Magpasundo siya roon kay Scarlett. Hindi siya sanay na kung saan-saan natutulog kung hindi niya kasama ang mga kaibigan dahil natatakot siya. Lalo na sa kapatid nito na tila galit yata sa kaniya. Siguro dahil naistorbo na niya ito ng husto. Sabi pa naman noon ng kaibigan niya ay napakahalaga ng bawat oras para sa kapatid nito at ayaw na ayaw nitong naiistorbo sa mga ginagawa nito o gagawin pa nito. Pero bago pa man maiabot iyon sa kanya ng babae nang bumukas ulit ang pinto at iniluwa niyon si Gabriel. "Is she done?" tanong kaagad nito sa dalawang kasambahay. Napataas naman ang kilay niya ng pa-cute na tumango ang mga ito sa amo. Mukhang may crush yata ang dalawa sa lalaki. "Fixed my room." Utos nito sa dalawa at lumapit na sa kanya. At bago pa man siya makahuma ay napatili siya ng walang sere-seremonyang binuhat siya nito in a bridal style. "We'll go home." anito bago pa man siya makapagtanong. Hindi na lang siya umimik at baka ihulog na lang siya nito bigla. Napatili siya nang biglang kumulog at kumidlat pagkatapos n'yon ay bumuhos ang malakas na ulan. "Hey, are you okay?" Tumango lang siya at humigpit ang pagkakapit niya rito. Takot siya sa kulog at kidlat kaya sa sobrang takot ay ibinaon niya ang mukha sa matigas at malapad nitong dibdib. Nakalimutan na niya ang takot na nararamdaman niya kanina sa lalaki. Her heart skips a bit when she smells his manly scent. Ang bango naman nito. Ano kaya ang cologne na ginamit nito? "Hindi tayo puwedeng bumiyahe ng ganito. Delikado sa labas." Marahan lang siyang tumango sa sinabi nito. Hindi rin naman niya iyon kakayanin kung aalis talaga sila. At nakapangako na siya sa sarili na simula ngayon hindi na magiging matigas ang ulo niya. Takot lang niyang maulit iyong nangyari sa kanya kanina. Ilang sandali pa ay naramdaman niyang lumapat ang likuran niya sa malambot na kama. Nakapikit pa rin na dahan-dahan siyang tumagilid at inangat ang dalawang kamay para iharang sa magkabilang tainga niya. Natatakot siyang marinig ulit ang lakas ng kulog at kidlat sa labas. Naramdaman niyang lumubog ang kama. Napasinghap siya at umiling-iling nang may humawak sa kamay niya na nakaharang sa tainga niya para tanggalin iyon. "This room is soundproof. You can't hear anything outside." sabi nito at dahan-dahang tinanggal ang kamay niya. His voice was so gentle and is like a music on her ears. Kaya unti-unting nawala ang takot niya. Tinanggal niya ang mga kamay na nakatakip sa dalawang tainga niya at totoo nga, wala na siyang ingay na narinig na nagmula sa labas. "Thank you." aniya. "Sleep." Utos nito at kinumutan siya. HUNI ng mga ibon na humahalo sa alon na humahampas ang nagpagising sa kanya. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata. Bahagya pa niya iyong kinusot-kusot nang masilaw siya sa liwanag mula sa labas ng bintana. "Ha?" Napabalikwas siya ng bangon pero kaagad siyang napadaing at napahawak sa bandang tiyan niya ng kumirot iyon. Mukhang napasarap yata ang tulog niya at mataas na ang sikat ng araw. Napatingin siya sa pintuan nang bumukas iyon. There she saw the most handsome creature in the world. "Glad you're awake." Kaagad siyang nag-iwas ng tingin dito at dahan-dahang umisod para makababa ng kama. "Puwede na ba akong umuwi?" tanong niya. Akmang kukunin na sana niya ang saklay na nasa bandang ulunan ng kama pero maagap nito iyong nahawakan at nailayo sa kanya. "Ano ba'ng ginagawa mo?" Nagsimula na naman siyang mairita nang magkibit-balikat ito. "Please lang ‘wag mo ng painitin ang ulo ko. Ibigay mo na iyan sa 'kin." aniya at inilahad ang kamay na pilit pinapakalma ang sarili na hindi ito masigawan. "Nope. Hindi puwede. Nakapangako ako sa kapatid ko na aalagaan muna kita habang nasa party siya." Hindi niya napigilang pagtaasan ito ng kilay. Alam niyang may pagka-brat si Scarlett, pero alam niyang wala sa hitsura ng lalaking 'to ang madaling umuo sa kung sino mang makiusap dito. Pero siguro gano'n nito kamahal ang kapatid nito at umuo ito. Saka wala ba itong balak na pumunta sa birthday party ng kambal? Tiningnan niya ito ng masama pero ngumisi lang ito. Napasinghap siya nang lumuhod ito sa paanan niya at naramdaman na lang niya na hinawakan nito ang paa niyang nagkapinsala. Akmang aalisin na sana niya nang higpitan nito ang pagkakahawak kaya napadaing siya at muntik nang mapaiyak kung hindi lang nito iyon kaagad binitawan. "Pipilayan mo ba talaga ako!" angil niya sa lalaki at bahagyang inilayo ang kanyang paang may pinsala. "Next time, wag kang aalis na mag-isa. Hindi mo kilala ang mga tao rito." Sabi nito at walang babalang binuhat siya nito. Gusto pa sana niyang magreklamo pero mas pinili na lang niyang manahimik at ipinulupot ang dalawang kamay sa leeg nito para hindi siya mahulog. Napatingala siya rito. He seems familiar to her. Hindi nga lang niya alam kung saan niya ito nakita. "I know I'm handsome." Bigla niyang ibinaba ang tingin. Nag-iinit ang buong mukha niya sa pagkapahiya. "Nasaan na pala iyong camera ko?" Tanong niya ng maalala ang camera niya at para pagtakpan na rin ang kahihiyan. Sana naman hindi iyon nasira. Bukod sa dalawang best friends niya ay iyon ang pangalawang bagay na mahalaga sa buhay niya. "I will return it to you when your swollen ankle is totally healed." Kumunot ang noo niya. "And why is that? Akin iyon at hindi iyon sa 'yo." huli na para pigilan niya ang bibig. "Tsk. Sinabi ko bang hindi iyon sa 'yo?" "Then give it back to me." Hindi ito umimik at nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang sa makalabas ng silid. Kaagad niyang itinago ang mukha sa may dibdib nito nang makita ang sobrang taas ng staircase. Takot siya sa heights. Siya na talaga ang matatakutin. Kung may award lang doon ay baka nanalo na siya. Narinig niya ang mahinang pagtawa nito. "Takot ka sa kulog at kidlat. And now the heights." Umirap lang siya pero hindi naman nito iyon nakita dahil nakasubsob ang mukha niya sa malapad nitong dibdib. "Ang taas naman kasi ng staircase. Hindi ka ba natatakot na baka mahulog ka at mamatay?" Kumunot ang noo niya at tiningala ito nang mas lalo itong natawa sa sinabi niya. May nakakatawa ba sa sinabi niya? Nahigit niya ang hininga nang yumuko ito at kaagad nagtama ang mga mata nila. He has a pair of gray eyes. Kagaya ng kay Yelena at Scarlett.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD