CHAPTER 2

2302 Words
"SISTER HERMIE!" Sigaw ni Kate Emerald sa kaibigan niyang madre nang mamataan niya itong papalabas ng gate ng Heart Foundation. Nakita naman niyang lumingon ito sa gawi nila at ngumiti. "Emerald, magdahan-dahan ka naman!" Narinig niyang pasigaw na paalala sa kanya ng kaniyang ate Cleo. Pero hindi na niya ito pinakinggan at nagtatakbong lumapit na kay Sister Hermie. "Hey, bakit ka ba tumatakbo?" ani Sister Hermie nang makalapit na siya rito. "Hmm, na miss po kasi kita. Ang tagal ko na po kasing hindi nadadalaw rito." hinihingal niyang sabi sa kaibigan. Ngumiti ito at ginulo ang nakatirintas niyang buhok. "Naiintindihan ko. Ang sabi ni Lenna busy raw kayo sa paggawa ng mga projects para makaka-graduate na kayo." Tumango-tango naman siya. Ilang linggo na siyang hindi nakadadalaw sa Foundation dahil marami silang mga projects na dapat i-comply para wala na silang po-problemahin pa sa nalalapit nilang graduation sa Senior High. "Magandang hapon, Sister," bati ni ate Cleo nang makalapit na ito sa kanila. Nasa likuran na niya ito kaya lumapit siya sa ate niya at yumapos sa baywang nito. "Uuwi na ba kayo?" tanong ni Sister Hermie na ikinatango ng ate niya. Madadaanan kasi nila ang Foundation kung saan sina Sister Hermie at Mother Selvie ang namamahala kapag maglalakad lang sila pauwi sa maliit nilang bahay. Galing silang palengke at nang maubos kaagad ang mga paninda nilang isda ay kaagad nagpasya ang ate niya na umuwi na. "Kayo po ba, saan kayo pupunta?" "Mamalengke. Naubusan kasi kami ng stock." tugon naman ni Sister Hermie. "Oh, pasensiya na at hinarang ka pa nitong bubwit na 'to." ani ate Cleo na ikinasimangot niya. Nakayapos pa rin siya sa baywang nito. "Hindi na nga po ako bubuwit, Ate." maktol niyang protesta rito. "Tingnan mo nga at magkasingtangkad na tayo." Totoo ang sinabi niya. Magkasingtangkad na sila ng ate Cleo niya kahit na maglalabing-walong taong gulang pa lang siya. They were both 5ft and 3 inches. "Tsk. Hindi ka na nga bubuwit pero bakit lagi ka pa ring nakapulupot sa akin, hmm?" pang-aasar naman nito sa kaniya. Ngumuso na lang siya. Hindi pa rin inaalis ang pagkakayakap niya sa baywang ng ate niya patagilid. Nagpaalam na kaagad si ate kay Sister Hermie na tutuloy na sila. Niyakap naman niya ang kaibigng madre at nagsabing baka ngayong Sabado ay pupunta siya sa Foundation para tumulong. "Ate?" aniya. Naglalakad na sila pauwi pero ganoon pa rin ang posisyon niya. Nakayapos pa rin siya sa baywang ng ate niya. Hindi naman ito nagreklamo at nakaakbay naman ang isang braso nito sa balikat niya. "Hmm?" "I love you," NAPABANGON siya bigla nang mag-ring ang kanyang cellphone. Naihilamos niya ang mga kamay niya sa mukha. She's dreaming her ate Cleo again. Bumaba siya sa kanyang kama at kinuha ang cellphone na nasa ibabaw ng drawer na patuloy pa rin sa pagtunog. Tiningnan niya kung sino ang bumulabog sa kaniya ng ganito kaaga. Star Calling... Nang makitang ang kaibigan niya ang tumatawag ay agad niya iyong sinagot. "Star, napatawag ka?" Medyo paos ang boses niyang bungad sa kaibigan. "I'm on my way to your apartment. Be ready." Napasinghap siya at kaagad napatingin sa nakasabit na wall clock sa ibabaw ng kanyang kama. Hala! Ngayon pala sila pupuntang Tagaytay para sa birthday ng mga pamangkin ni Yelena. Oh, God! Sapo ang noong napangiwi siya. "Wait, you just woke up?" tanong nito sa kabilang linya. Kagat ang labing napatango siya as if nakikita siya nito. "My God, I knew it!" patiling wika nito nang hindi siya makasagot. "I'm sorry. But don't worry, bibilisan kong maligo at promise pagdating niyo rito ready na ako." Natataranta niyang sabi sa kaibigan at kaagad nagtungo sa kanyang cabinet at kumuha ng towel. "You should be. Bye." Anito at kaagad ng nawala sa kabilang linya. Natatarantang nagtungo siya sa banyo para maligo. Mabuti na lang at nakapag-empake na siya kagabi ng mga damit niya na dadalhin sa tatlong araw na pananatili nila roon sa Tagaytay kung saan iseselebrar ang birthday ng kambal. Dalangin niya na lang na sana ma-traffic ito para may oras pa siya para mag-ayos ng sarili. True to her words. Pagdating nito ay nakaayos na siya. As usual nakasukbit na naman sa kanyang leeg ang DSLR camera niya. "My God Era, what happen to you? Magdamag ka bang umiyak?" Eksaheradang tanong nito nang makita nito ang hitsura niya. Kunot na kunot ang noong tinititigan siya nito. Napailing lang siya rito. Mukha kasi siyang galing sa pag-iyak dahil namamaga ang mga mata niya sa sobrang tulog. Ikaw ba naman ang matulog ng alas y nuwebe ng gabi at alas tres na ng hapon gumising kinabukasan. Try niyo rin. Ewan ko lang kung hindi mamamaga ang mga mata niyo. But she felt light and alive though. Talagang nakakapagpahinga ang katawan niya ng husto. Nangingiting napailing na lang siya sa mga iniisip. "Nasubrahan ang tulog ko," nakangiwing aniya. Pagdating kasi niya kagabi sa kanyang apartment galing sa Belle of Dreams restau ay kaagad siyang nakatulog. Libre kasi ng restau ang hapunan nilang mga employee doon kaya hindi na siya magluto pa pagdating niya. "Ohh—okay. Let's go?" Tumango lang siya at kaagad ini-lock ang pinto ng apartment niya at sumunod na rito pabalik sa sasakyan. Kaagad naman itong pinagbuksan ng driver s***h bodyguard nito ng pinto. Siya naman ay gumilid papunta sa kabila at siya na ang nagbukas ng pinto at pumasok sa loob, sa tabi ni Scarlett. "Okay lang ba na ganito ang outfit ko?" tanong niya rito habang nasa daan na sila. Kaagad siyang napatingin dito nang tumawa ito ng malakas. "Bakit?" nakakunot ang noong tanong niya. May nakakatawa ba sa tanong niya? "Seriously, Era? ngayon ka pa talaga nagtanong? Nasa daan na tayo girl kaya kahit sabihin kong hindi okay, hindi na tayo pwedeng bumalik pa." Anito na tatawa-tawa pa rin. Napairap siya rito na mas lalong ikinatawa nito. "Grabe siya. Pero seryoso nga, hindi nga ba talaga okay?" Nakasimangot niyang tanong ulit. Mga mayayamang kamag-anak nito ang makasasalamuha niya pagdating nila sa Tagaytay kaya hindi siya pwedeng magmukhang basahan. Baka mapagkamalan pa siyang katulong nitong si Scarlett. Bigla tuloy siyang kinabahan sa mga iniisip. Paano kung matapobre pala ang mga kamag-anak ng mga ito? "I'm just kidding. Gusto mo bang mag-drive thru muna tayo para makabili tayo ng pagkain? Alam kong hindi ka pa kumakain. Bruhang 'to kung makatulog, wagas." Napatango lang siya rito at pinagmamasdan ang bawat bahay na madadaanan nila. "Kuya Charlie, daan po tayo sa Jollibee drive thru." sabi nito sa driver nito. "Sige po, Ma'am Scarlett. Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa Jollibee. Bumili naman ito kaagad. Tapos balik na naman sila sa daan, namamangha siya sa mga naglalakihang puno na kanilang madadaanan. Wow! Aniya sa sarili. Ngayon lang siya nakapunta sa ganitong lugar. Noon ay nakikita lang niya ito sa mga magazine o di kaya'y sa television. Minsan na kasing na-feature itong lugar. "Star, puwede ko bang ibaba itong window shield ng sasakyan?" Hingi niya ng permiso dito. "I want to take a picture outside." Nagkibit balikat lang ito at tumango. "Kuya Charlie, pakibuksan po ang bintana sa gilid ni Era." Tumango ang driver at may pinindot ito sa gilid nito at unti-unti namang bumaba ang bintana sa gilid niya. Agad din naman na sumalubong sa kaniya ang malamig at napaka-preskong hangin ng lugar. Ilang oras pa ang binyahe nila bago nakarating sa destinasyon nila. Kung kanina ay namamangha siya sa mga nadadaanan nila pero sa mga nakita niya ngayon ay kulang ang salitang 'Wow' sa kanya para i-describe ang ganitong tanawin. Napaka-obvious na puro mga mayayaman talaga ang mga nakatira sa lugar na ito dahil sa mga naglalakihang rest house with different style. Huminto ito sa isang matayog na kulay asul na gate. Bumusina ito at ilang sandali pa ay bumukas ang malaking gate. May limang mamahaling sasakyan na nakaparada maliban sa dalawang van. Itinabi nito ang sasakyan pagkuwa'y sabay na silang lumabas. "Era. I'm glad you made it." Salubong sa kanila ni Yelena. Niyakap naman siya kaagad nito. Bakas sa sobrang saya ang mukha nito. "How about me?" Taas kilay na tanong ni Scarlett. "Wala ba akong warm welcome?" "Well, thank you for bringing Era here." Natawa siya nang sumimangot si Scarlett sa naging tugon ni Yelena. "Tita ninang!" Napalingon ang dalawa sa sumigaw habang siya ay yumuko para makita kung sino ang yumakap sa may binti niya. Namamanghang napatitig siya sa bata. Bata ba talaga ito o isang manika? "I know what you’re thinking, I'm not a doll po." Nagkatawanan ang dalawang kaibigan niya na nasa kanila na pala nakatingin. Lumuhod siya sa harap nito ng bitawan na siya nito. "What's your name baby?" Nakangiting tanong niya rito. Napanganga siya ng makitang lumabas ang dalawang biloy nito sa magkabilang pisngi nang ngumiti ito. "I'm Cleo Elizabeth Saavedra De Sandiego," pagpapakilala nito sabay lahad sa maliit nitong kanang kamay sa harap niya. Napakurap-kurap siya at hindi kaagad nakapag-salita. Parang biglang sumikip ang dibdib niya nang marinig ang pangalan ng bata. "And you are?" "Uh, I'm Kate Emerald Aguelles, nice meeting you." tugon niya, nang makabawi at tinanggap ang maliit nitong kamay na nakalahad sa harap niya. Napatawa naman ang mga kaibigan niya sa iniakto ng bata. Napangiti siya. May kapangalan din pala ang ate niya. "That's so cute my little niece," ani Yelena at pinisil pa ang matambok na pisngi ni baby Cleo. Her heart hurt. Naalala niya ang ate niya at sa makalawa na ang death anniversary nito. "By the way, she's the birthday celebrant here." sabi ni Yelena. "Happy birthday, baby. How old are you?" she asked, at pinisil ng bahagya ang pisngi nito. Ipinakita naman nito ang tatlong maliliit na daliri nito. So, it means na tatlong taon na ito. My God, why so cute, baby? "Thank you, Tita Emerald. Tita, meet my kuya too." Napangiti siya sa batang lalake, mukhang nasa 8 years old na ito. "Hi young man," bati niya rito. Bigla namang nagniningning ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. "I think I like you already, Tita Emerald." Anito na ikinangiti niya ng mas malawak. "And why is that my handsome nephew, hmm?" Yelena asked. "Cause she's the only one who's not calling me, baby." Nagkatinginan silang magkakaibigan at sabay na nagtatawanan. Nakatingin lang sa kanila ang dalawang bata. How I wish I have this kind of family too, she thought. Unti-unting nawala ang ngiti niya. Kung hindi ba nawala ang ate Cleo niya, may mga pamangkin na rin kaya siya rito? Ganito rin kaya sila kasaya? "Wait, where's your twin, sweety?" Scarlett asked. Napatingin naman siya bata. Na-curious tuloy siya kung ano rin ang hitsura ng kakambal nito. Pero siguradong sobrang guwapo rin ng kakambal nito. "Cliff's inside. Sleeping." tugon ni Cleo. Siya ay nanatiling nakatingin lang sa bata. She really can't take her eyes off the child. Sobra ang pagkatuwa niya. "Let's go inside. Nasa sala silang lahat." Pag-aya sa kanila ni Yelena at agad din nitong hinawakan ang dalawang bata sa magkabilang kamay nito. Tumango siya at sumunod sa mga kaibigan na akay-akay na ng dalawang bata. Inilibot niya ang paningin. Grabe hindi niya in-expect na ganito kayaman ang pamilya ni Yelena. Oo nga't makikita sa hitsura at kilos nito pero ni minsan ay hindi nito naiparamdam sa kanya na mas mataas ang estado nito sa buhay kaysa sa kanya. Hindi na rin siguro siya magtataka kung ganito rin kayaman ang pamilya ni Scarlett. Natigil siya sa paglalakad nang may naaalala siya. Alam niyang isang De Sandiego ang asawa ni ate Heejhea— "What's wrong?" Napatingin siya kay Scarlett nang magsalita ito. Nakataas ang kilay nitong nakatingin sa kanya. Umiling naman siya. "Wala." sabi niya at kaagad tumabi sa kaibigan sa paglalakad. Posible kaya na nandito si ate Heejhea? Nang makapasok sila sa loob ay napatanga siya sa structure sa loob ng rest house. Kung maganda ang design sa labas ng rest house, mas maganda dito sa loob. Alam niya kung gaano kamahal ang ganitong design. Isa ito sa mga pinag-aaralan niya bilang engineering student. Kung dati na nakikinig lang siya sa mga professor nila ay namamangha na siya kapag may mga bahay o gusali na pinapakita nito through video pero iba pa rin pala talaga kapag nakita mo ng malapitan at totoo na. Mas nakakamangha pala. "Hello, everyone!" Biglang sigaw ni Scarlett, kaya agad napunta sa gawi nila ang atensyon ng mga taong nasa malawak na sala. Nakita niyang nagsitayuan ang mga ito at kaagad lumapit kay Scarlett. Iyong dalawang bata ay kaagad lumapit sa isang babae. Hindi nga lang niya masyadong makita ang mukha dahil nakayuko ito para kausapin ang dalawang bata. "Era, this is ate Serena, asawa siya ni kuya North." Pagpapakilala ni Yelena sa kaniya doon sa babaeng buntis, na hawak-hawak naman ng isang lalaki. Napakaganda nito. Nahihiyang ngumiti naman siya. Tumango lang ang lalake sa kaniya. Kilala niya ang lalaki sa pangalang North Hadrianus De Sandiego. He's a lawyer. A badass lawyer inside the court. Kung dati sa magazine lang niya ito nakikita, ngayon body and flesh na. She was sixteen then, nang mahumaling siya sa mga magpipinsang De Sandiego na laging naka-feature sa magazine. Pero nang mangyari ang trahedya sa buhay niya ay tila bulang nawala rin ang mga ito sa isip niya. She's lifeless. Maybe she lives just because she needs to. Lumapit naman sa kanya ang asawa nitong si ate Serena. "Hi. Welcome to our family. H'wag kang mahiya sa amin. Feel at home, okay?" anito at niyakap siya na ikinabigla naman niya. Nakilala rin niya si ate Kristine na asawa naman ni Sir Heinz David. Napakabait din nito kagaya ni ate Serena. Isa-isang nagpapakilala ang lahat na naroon sa kanya. Pero nang dumako ang paningin niya sa babaeng kausap ng mga bata kanina ay kaagad nag-uunahan sa pagbagsak ang mga luha niya. Gulat rin itong nakatingin sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD