CHAPTER 8

2370 Words
NAGISING si Emerald nang maramdaman niya ang pagkalam ng kaniyang sikmura. Tahimik ang loob ng kuwarto, ang tanging naririnig lang niya ay ang tunog ng air-condition. Napatingin siya sa may couch at nagulat siya nang makita pa rin doon si Gabriel na nakahiga. Tulog yata dahil nakapikit ang mga mata nito. Napanguso siya nang makita niya ang pagkakaayos ng pagkakahiga nito sa couch. Naka-cross ang dalawang braso sa ibabaw ng dibdib at gano'n din ang dalawang binti na nakapatong sa kabilang dulo ng couch. Sobrang tangkad nito na kahit mataas na iyong couch ay hindi pa rin ito nagkasya roon. Mabuti na lang at malapad ang couch kaya sumakto ang katawan nito roon. Wala sa sariling napangiti siya habang napatitig siya sa mukha ng lalaki. Maamo naman pala ang mukha nito kapag ganitong tulog ito. Siguro kung hindi lang nawala ang ate Cleo niya baka hanggang ngayon baliw na baliw pa rin siya sa pangungulekta ng mga magazine kung saan lahat ng magpipinsang De Sandiego ay nape-feature. At siguro nakilala niya ang lalaking 'to dahil paniguradong i-stalk talaga niya ito. Napabuntong hininga siya at agad iniwas ang tingin sa binata. Inilibot na lang niya ang paningin sa buong silid. Malaki iyon at naroon na lahat ng kailangan sa isang pasyente. Mukhang tumatagaktak yata ang fifty thousand pesos sa isang araw lang na pananatili rito. Napangiwi siya. Nadadagdagan na naman ang utang niya sa magkapatid. At mukhang umuwi na rin yata sina Scarlett at Yelena. Ibinalik niya ang paningin sa nakapikit pa rin na lalaki. Gano’n ba talaga nito kamahal si Scarlett na lahat ng hihilingin nito ay sinusunod ng kuya nito? Siguro gano’n nga talaga. Naalala pa niya noon ang ate Cleo niya, kahit ayaw nito pero wala naman itong magawa dahil gusto niya. Napangiwi siya ulit nang tumunog ulit ang sikmura niya. Gutom na talaga ang mga bulate niya sa tiyan. Anong oras na kaya? Sinubukan niyang igalaw ang kanyang mga paa at dahan-dahang bumangon. Inabot niya ang saklay sa may gilid ng kama at napangiwi nang hindi niya iyon maabot. Bumuwelo muna siya para muling abutin ang saklay pero nasagi lang niya at hindi ito buong nahawakan kaya natumba at gumawa iyon ng malakas na ingay nang bumagsak iyon sa baldosadong sahig ng silid. "s**t! Emerald?" Muli siyang napangiwi nang marinig niya ang malutong na mura ni Gabriel. Mabilis din itong nakabangon mula sa couch at sa isang iglap lang ay nasa harap na niya ito. Mabilis din nitong dinampot ang saklay na nasa sahig. "I'm sorry at naistorbo kita," nakangiwing paghingi niya ng paumanhin sa binata. "May kailangan ka ba?" tanong nito sa kanya. Malumanay lang din ang boses nito at mukhang hindi rin naman galit dahil naistorbo niya ang pagtulog nito. "Uh... nagugutom kasi ako," aniya. Uminit ang pisngi niy at nahihiyang napayuko siya. Narinig naman niya itong bumuntong hininga at umalis sa harap niya. Ilang sandali lang ay nasa harap na niya ito ulit at may bitbit na ng tray na puno ng masasarap na pagkain. "Here," anito at inilapag iyon sa maliit na de gulong na mesa. "S-Salamat," "Next time, gisingin mo ako kapag may kailangan ka." Bahagya lang siyang tumango at kaagad na niyang pinagtutuunan ng pansin ang pagkain. Magana na siyang kumakain nang mapansing nakatitig lang sa kanya si Gabriel. "Bakit?" bigla siyang napahinto sa pagkain. "If you can negotiate with me, hindi ka na magugutom nang ganyan katindi, because I won't allow it," pigil ang ngiting sagot nito. Bumuntong hininga muna siya at tuluyan ng huminto sa pagkain. "Sinabi sa akin ni Scarlett ang problema mo." Nawala ang naglalarong mga ngiti sa mga labi nito at kumunot ang makinis nitong noo. "That brat, nakikialam na naman," nagtatagis ang mga ngiping wika nito. Iniwas nito ang tingin sa kaniya. Halata sa mukha nito ang inis sa kapatid pero wala namang magawa dahil tapos na, nasabi na ni Scarlett sa kaniya. Napangiti siya. Scarlett is always Scarlett. Isang pakialamera. Pero alam niyang concern lang ito sa kuya nito. “Concern lang ang kapatid mo sa iyo.” sabi niya, para mabawasan man lang ang inis nito. He just groaned. "Papayag na akong pakasalan ka pero sa isang kondisyon din," sabi niya nang hindi pa rin ito nagsalita. Mabilis naman na napatingin ito sa kaniya. Wala mang emosyon sa mukha nito, pero ang mga mata ay punung-puno naman ng emosyon. This man is freaking gorgeous! "What is it, sweetheart?" Ang kanina pang nagwawala niyang puso ay mas lalong nagwala dahil sa endearment na ginamit nito. Napalunok siya. Ramdam din niya ang pag-iinit ng kaniyang mukha. Tumikhim siya. Dinampot niya ang baso na puno ng tubig at inubos 'yon. Tumingin siya ulit dito at sinalubong ang mga mata nito. "Tanggapin mo kami bilang intern sa SG Steel Enterprises," aniya na ikinangisi nito pagkatapos ay tumango. Napatitig siya sa lalaki. Hindi lang pala ito guwapo kapag ngumingiti o tumawa. Napakaganda rin ng ngipin nito. Pantay iyon, unlike her na may sungki sa upper part ng kanyang ngipin. "Okay," anito na parang bale-wala lang dito ang hiniling niyang kapalit. Kunsabagay, mas nakakawindang ang proposal nito sa kanya. "At hindi dapat malaman ng mga tao sa loob ng company na m-mag-asawa tayo." dugtong niya. Bahagya pang pumiyok ang boses niya nang banggitin niya ang salitang mag-asawa. Tumaas ang kilay nito at bahagyang naningkit ang mga mata. Tila hindi nagustuhan ang huling sinabi niya. "Ikinakahiya mo ba ako?" tanong nito. Kaagad na nanlalaki ang mga mata niya. What the—?! Itong lalaking ito, ikinakahiya niya? Darn! Baka siya pa nga ang ikinakahiya nito. "Hindi naman sa gano'n. Bawal kasi iyon na magkaroon kami ng ugnayan o relasyon sa isang tao sa loob ng company," paliwanag niya Sigurado siyang alam din naman nito iyon. Ito ang President ng kumpanya. Pero gusto pa rin naman niyang maliwanagan ito. "Fine," anito na tila napipilitan lang. "Anything else?" tanong nito sa kaniya. "Iisipin ko pa," He sighed then nodded his head. Saka tumingin ito sa plato niyang hindi pa nakakalahati ang laman. "Finish your food. We'll talk after." Tumango siya saka tahimik na tinapos niya ang pagkain. If this is the way para lang makapagtapos siya ngayong taon, then so be it. KINABUKASAN ay inuwi na siya sa bahay na pag-aari ni Gabriel o bahay pa ba na matatawag ito sa sobrang laki. Nakakalula sa sobrang ganda, at halatang sobrang pinagplanuhan ang bahay nito. The perks of being an engineer. Tahimik ang buong kabahayan nang makapasok na sila sa loob. Ang driver naman nito ang siyang nagbubuhat sa malaking maleta niya. Habang siya ay buhat-buhat na naman ng binata. "Gabriel?" tawag niya sa atensyon nito habang nakatingin sa mukha nito. "Hmm?" "Kapag ba ikinasal na tayo, puwede pa ba akong makipag-date sa iba?" "What? No!" Napangiwi siya sa biglaang pagsigaw nito. Nakita naman niyang napatigil sa ginagawa ang dalawang kasambahay na naglilinis sa may gilid ng hagdanan. Nahiya tuloy siya at pasimple niyang itinago ang mukha sa malapad nitong dibdib. Bukas ang dalawang butones sa upper part ng suot nitong itim na long sleeves kaya nasisilip pa niya ang pinong balahibo sa dibdib nito. "You're carrying my name, that means you should remain faithful to me, Emerald." Kritikal na sabi nito. "O-Okay," aniya at napangiti na lang. Ang suwerte talaga ng babaeng siyang mamahalin nito. At ang suwerte ni Natasha. Hanggang ngayon hinihintay pa rin nito. Kung sakaling babalik na ang babae sa buhay nito, ipapa-annul kaya ni Gabriel ang kasal nila? "Open the door." utos nito na kaagad naman niyang sinunod nang tumapat sila sa isang pinto. "This will be your room for the mean time. Because once we are married, you will be in my room." Anito matapos siya nitong inilapag sa kama. Napatingin naman siya rito. "Is that really necessary?" tanong niya rito habang inaayos ang sarili sa pagkakaupo sa napakalambot na kama. Hindi ito sumagot pero masama naman siya nitong tiningnan. "Sabi ko nga kailangan iyon," aniya at tabinging ngumiti rito. Kaagad naman itong nag-iwas ng tingin sa kanya at ibinaling iyon sa floor to ceiling window na natatabunan ng makapal na kulay asul na kurtina. Lumapit ito roon at kaagad hinawi ang kurtina. Napangiti na siya ng totoo nang masilayan niya ang liwanag ng araw mula sa labas ng kuwarto. "Kung may gusto kang ipabago rito, magsabi ka lang sa mga katulong dito." sabi pa nito. Dahan-dahan naman siyang nahiga paharap dito at pasimple niyang tinititigan ang lalaki. Kailan kaya niya ito muling makitang ngumiti ulit? Sana kapag ngumiti ito ulit ay siya pa rin ang dahilan niyon. Ipinikit niya ang mga mata at inalala niya ang lalaki noong nasa Isla pa sila at nakangiti ito. Ngayon inaamin na niya sa sarili na hindi lang simpleng crush ang nararamdaman niya para kay Gabriel. Gusto niya ito. Gustung-gusto! "Bunso, gising," "Ate Cleo, ate nandito ka na!" masaya siyang napatakbo palapit sa ate niya at akmang yayakap dito nang bigla na lang itong nawala. "Ate Cleo? Ate, nasaan ka? H'wag mo akong iiwan, Ate!" "Ate!" umiiyak niyang sigaw. "Hey, hey, baby... wake up." Hinihingal na napabalikuwas siya ng bangon mula sa kama at ang nag-aalalang mukha naman ni Gabriel ang nabungaran niya. "Gabriel," "You were dreaming," anito na pinahid ang luhang naglandas sa pisngi niya. Naramdaman niya ang pagyakap nito sa kanya at hinagod ang likuran niya para pakalmahin siya. Hinayaan lang din siya nitong umiyak na ipinagpasalamat niya. At nang mahimasmasan ay siya na ang kumalas mula sa pagkakayakap dito. "Are you okay?" Tango lang ang isinagot niya kay Gabriel. "Wait me here, kukuha lang ako ng tubig," sabi nito at kaagad bumaba mula sa kama. Sinundan na lang niya ito ng tingin. Ito ang unang pagkakataon na may gumising sa kanya kapag nananaginip siya. I missed you, ate Cleo. Kunting panahon na lang at pabubuksan ko na ulit ang kaso. Plano kasi niyang buksan ang kaso ng ate niya kapag nakatapos na siya sa pag-aaral at sisikapin niyang makahanap kaagad ng trabaho para may pambayad siya ng abogado. Kaya kailangan talaga ay makapagtapos siya ngayong taon. Bumalik si Gabriel at may dala na itong isang basong tubig. "Here. Drink this." anito at inabot sa kanya ang isang basong tubig na kaagad naman niyang tinanggap. "Salamat," aniya matapos masaid ang laman niyon. Kinuha naman nito ang baso at inilapag iyon sa may bedside table. "You dreamed of your, ate Cleo?" tanong nito. Tumango lang siya. "Where is she now?" Nag-angat siya ng tingin dito. "S-She died f-five years ago," she said with trembling voice. Iyong sakit na limang taon na rin niyang kinikimkim mag-isa ay parang nabuksan iyon sa isang tanong lang nito. "I’m sorry to hear that," napayuko na lang siya. "Yeah, sorry, k-kasi wala pa akong pera para mabuksan ulit ang kaso." May hinanakit niyang sabi sa binata. Her eyes heating up again. He frowned. "What do you mean?" Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang nagsisikip niyang dibdib. Napatitig din siya kay Gabriel. Handa na ba siyang buksan dito ang lihim ng nakaraan niya? "It's okay if—" "My ate died in hit and run," simula niya na kaagad na nagpatahimik dito. "And maybe—maybe it was my fault, kasi pinilit ko siya na pumunta rito sa Maynila kahit ayaw niya. Gusto ko lang naman kasing puntahan si ate Heejhea dahil nami-miss ko na siya. Hindi man lang kasi siya nagpaalam sa 'kin nang umalis na siya sa Heart Foundation." Nakakunot ang noong nakatingin lang sa kanya si Gabriel na parang may malalim rin itong iniisip. Hindi na rin siya nagsalita ulit dahil pakiramdam niya ay lalong sumasakit ang dibdib niya. Tahimik lang siyang umiiyak at hinayaan naman siya ng binata. "Ang sabi mo mabuksan ulit ang kaso. Bakit? Ano'ng nangyari?" tanong nito nang tumahan na siya. "Nagsampa ako ng kaso matapos mailibing si ate Cleo at siguro dahil bata lang ako noon kaya madali lang nilang sinabi sa 'kin na hindi puwedeng ipagpapatuloy ang sinampa kong kaso hangga't wala raw akong ipi-present na witness sa korte at wala rin naman akong pera para pambayad ng abogado." "Alam ba ito nina Scarlett at Yelena?" Umiling siya bilang tugon sa tanong nito. "How about Heejhea and Jacob?" Umiling siya ulit. Wala siyang balak na ipaalam ang problema niya sa iba. They may be her best friends, but she wants her problem to be discreet. Kaya nga hindi siya sumasama sa mga ito kapag nagyayaya ang mga ito na matulog sila na magkakasama dahil lagi siyang gumigising na umiiyak at sinisigaw ang pangalan ng Ate niya. Ngayon lang niya nakalimutan at hinayaan niya ang sariling sumama kay Gabriel. Kay ate Heejhea naman ay sinubukan niya itong kontakin noon. Pero hindi na niya matawagan ang cell phone number nito. Hinanap din niya ang bahay nito at nang mahanap naman niya ay hindi naman siya pinapapasok ng guard sa subdivision kung saan ito nakatira. Ilang araw siyang pabalik-balik sa subdivision na 'yon. Nagbabasakali na baka matiyempuhan niya si ate Heejhea na lumabas pero wala pa rin hanggang sinabihan na siya ng mga guard doon na ipapa-pulis na siya kung hindi siya titigil sa pagpupunta roon at tumambay hanggang gabi. Kaya natakot siya at hindi na ulit nagpunta pa. At simula rin ng araw na iyon, pinili na lang niyang ilihim ang nangyari at maghintay hanggang sa may sapat na siyang pera para mabuksan ang kaso. But now is different. May nakakaalam na ng sikreto niya. "Why didn’t you tell them? I mean, ang ate mo ang heart donor ni Heejhea at nalaman na nila iyon, 'di ba?" "Dahil hindi ko sinabi na na-hit and run si ate kaya siya namatay." "Why?" Umiling siya at tumahimik. "Baby?" may lambing sa boses nitong tawag sa kaniya. Parang gustong tumalon ang puso niya sa sobrang pagkalabog n'yon. Kahapon sweetheart, ngayon baby na naman ang tawag nito sa kaniya. Nagulat naman siya nang sinapo ng dalawang kamay nito ang mukha niya at inangat dahilan para magtama ang mga mata nila. "Tell me..." "D-Dahil..." napalunok siya. May tumulo na namang luha sa mga mata niya. "Dahil n-natakot na akong humingi ng tulong sa iba." Kumunot ang noo nito. Bumuntong hininga saka kinabig siya at niyakap ng mahigpit. "Then, let's find the culprit," sabi nito. His voice was firm and full of authority.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD