CHAPTER 10

2353 Words
MATAPOS ang kanilang kasal ay tumungo sila kasama ang mga pinsan ng kanyang asawa sa De Sandiego Hotel. Emerald felt strange. Hindi siya makapaniwala na asawa na niya ang isa sa mga lalaking laman ng magazine na kinaaadikan niya noon. Si Scott Gabriel De Sandiego. "Are you mad?" Napatingin siya kay Gabriel nang magsalita ito. Umiling siya. "H-Hindi." tanggi niya. Bahagya pang pumiyok ang boses niya. Narinig naman niya itong bumuntonghininga at itinabi ang sasakyan sa gilid ng kalsada. "You are." anito na tila sigurado talaga na galit siya. "I'm sorry, if I didn't inform you that today is our wedding day." Hindi naman talaga siya galit. Siguro nagtatampo siya dahil hindi man lang siya in-inform nito na kasal pala nila ngayon. Ang akala pa naman niya ay kagaya ng ibang ikakasal ang magiging kasal nila, pinaghahandaan. Akala rin niya na sa Simbahan sila ikakasal at pari ang magbabasbas sa kanila. Pero ano ba ang karapatan niyang maghangad ng gano'n kung hindi naman siya ang babaeng pinangarap nitong pakasalan at makasama habambuhay? Umiling ulit siya. "Hindi naman sa galit ako, nabigla lang talaga ako dahil akala ko pa naman---" natigil siya sa pagsasalita nang hawakan nito ang kamay niya. "Do you want to have a grand wedding?" he asked, and that made her eyes grow wider. "No." tanggi kaagad niya at iniwas ang tingin dito. Naramdaman pa niya ang pag-iinit ng kanyang mukha. Dahan-dahang tumango naman ito. "Oh, okay." he said, bago pinatakbo ulit ang sasakyan nito. Pero nakita naman niyang bahagyang tumaas ang isang sulok ng labi nito. Tila pinipigilan lang nitong ngumiti. Umismid siya at inirapan pa ito. Pero parang wala lang iyon kay Gabriel at patuloy lang itong nagda-drive. Nang dumating sila sa De Sandiego Hotel ay kaagad itong nag-park sa naka-reserved na parking space para dito. The perks of a De Sandiego, kahit saan magpunta yata ng mga ito ay VIP. Nagulat pa siya nang bumukas ang pintuan sa may gilid niya. "Let's go." anito at akmang bubuhatin na naman siya nang pigilan niya ito. "Hindi ba puwedeng maglakad na lang ako?" nakangiwing sabi niya, pero umiling lang ito at kaagad siyang kinarga in a bridal style. "Hindi ka ba napapagod na---" "No." he said, cutting her off. Nangingiting napatango na lang siya. Nakatitig lang siya sa kanyang asawa---sh*t sobrang kinikilig talaga ang puso niya kapag naiisip niyang asawa na niya ang one of the most handsome, hotest eligible bachelor in the country. "Congratulations!!" bungad na bati ng mga pinsan ni Gabriel nang pumasok sila sa isang VIP room. Binati rin siya nina ate Serena at ate Katharina, na asawa naman ni kuya Zach. Kanina lang niya nakilala ang babae. Hindi kasi niya ito nakilala noong birthday ng kambal nina ate Heejhea at kuya Jacob dahil dumating ang mga ito noong mismong araw ng birthday, eh hindi na siya nakadalo dahil sa nangyari sa kaniya. Sobrang ganda nito at napaka-approachable pa. Akala niya noon, maliban kina Yelena at Scarlett ay wala na siyang ibang makakasundo pa pero nagkakamali siya. Nakaupo lang siya sa malaking couch kasama ang mga asawa ng pinsan ni Gabriel. Si Yelena at Scarlett ay nagpaalam na mag-banyo na muna. "I never thought, Gabriel married you this soon," sabi ni ate Serena sa kanya. "I mean, akala ko si Natasha pa rin ang papakasalan niya despite of what happened." dugtong pa ng babae. "At saka---" Tumikhim si ate Heejhea kaya natahimik si ate Serena, pagkuwan ay nakasimangot at dinampot na lang ang baso nito na may lamang juice at sumimsim ito roon. Napayoko na lang siya. "I don't like her for kuya, Ate Serena," sabat naman ni Scarlett at agad naupo sa tabi ni ate Heejhea. "Me too," sang-ayon din Yelena. "I know," malungkot na sabi ni ate Serena sa dalawang babae. Pagkuwa'y humarap ito sa kanya. "Hindi ko rin gusto na si Natasha ang papakasalan ni Gab. It's just that, I don't like Gab being married to you." Ate Serena blurted out. Kaagad namang nanlalaki ang mga mata niya sa sinabi ng babae. Anong ibig nitong sabihin? She even saw ate Heejhea smirked. Tila nasisiyahan pa yata sa mga pinagsasabi ni ate Serena. "Ang ganda-ganda mo, napaka-inosenti pa. Hindi ka ba nanghihinayang sa pagiging bachelorette mo?" patuloy ng babae. Napakurap-kurap siya. Akala niya ayaw nitong makasal siya kay Gabriel dahil hindi siya ang babaeng karapat-dapat sa lalaki. Which is totoo naman. Mayaman, guwapo, may pinag-aralan at may masayang pamilya, samantalang siya, walang maipagmamalaki kay Gabriel. "Sere, stop backstabbing me in front of my wife." Narinig niyang sabi ni Gabriel at sa isang iglap lang ay nasa tabi na niya kaagad ang lalaki. Naramdaman naman kaagad niya ang pag-iinit ng kanyang pisngi. Tumawa lang sina ate Heejhea at ate Katharina. Si Scarlett ay umirap lang sa kuya nito. Ano naman kaya ang problema ng kaibigan niya sa kapatid nito? "Totoo naman ah, she's too innocent for you, Gab." laban pa ni ate Serena na mas lalong ikinakunot ng noo ni Gabriel. "Ang bata pa ni Emerald at hindi pa nga siya tapos sa kaniyang pag-aaral." "Love, stop pissing Gabriel off." saway ni kuya North sa asawa nito pero naroon pa rin ang pagsuyo sa boses nito. Kararating lang nito sa kung saan. Pumuwesto kaagad ito sa likuran ni ate Serena at agad idinantay ang dalawang braso sa magkabilang balikat ng asawa. Nakasimangot na kaagad tiningala ito ni ate Serena pero hinalikan lang ng lalaki ang nakausling bibig ng asawa. Napangiti siya. Ang sweet talaga ng mga magpipinsang De Sandiego sa mga asawa nito. Si Gabriel kaya---agad niyang ipinilig ang ulo. He will never like his cousins, na magiging sweet sa kaniya dahil hindi naman siya nito mahal. Dumating din sina kuya Zach at kuya Jacob. Muntik pa siyang malito kung sino sa kanila si kuya Jacob kung hindi lang kaagad ang mga ito lumapit sa mga asawa ng mga ito. "Congrats, brute. Mukhang mas lalong hindi ka namin makasama nito ah," sabi ni kuya Reid na lumapit na rin sa kanila. May kasama itong babae, pero mukhang maldita. Kanina pa kasi niya napapansin na panay ang irap nito sa kanila. Ang arte rin nito kung gumalaw kaya hindi na niya sinubukang makipagkilala rito dahil ayaw naman niyang mapahiya. "Thanks, brute." sagot naman ni Gab. Wala man siyang makikitang emosyon sa mukha nito pero kumikislap naman sa saya ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. "Malapit ka rin naman..." makahulugang dugtong pa ni Gab at tiningnan ang pinsan. "Well, I have a fiancé already, so no worries." sabi nito na ikinatahimik ng lahat na naroon. Nakita pa niya sina ate Serena at ate Heejhea na sabay tumingin sa mga asawa nito at puno ng pag-aalala ang mga mukha. "Do you really want to marry that woman, kuya Reid?" Scarlett asked, puno ng disgusto ang boses nito. "Scarlett, Hannah's my fiancè now, and whether you like it or not I'll be marrying her." Kuya Reid said with authority. Alam niyang hindi ito natutuwa sa naging tanong ng pinsan nitong babae. "Scarlett." Gab warned her sister, nang makitang sasagot pa sana ito. Napahalukipkip si Scarlett at umirap na lang. Matapos ang salo-salo as a little celebration for her and Gabriel's wedding ay bumalik kaagad sila sa mansion. "Tsk! Naiinis ako kay kuya," palatak ni Scarlett kaya napatingin siya sa kaibigan. Nakabusangot ang mukha nito. Nang nagpaalam na sila kaninang umuwi na ay nakiusap ito sa kapatid nito na sumama ito rito sa mansion. Ayaw sana ni Gabriel dahil tiyak na papagalitan na naman ito ng mga magulang ng mga ito pero nagpupumilit talaga ang babae. Kaya heto, nasa kuwarto sila ni Gabriel na magiging kuwarto na rin niya simula mamayang gabi. Nang dumating sila kanina ay dito na siya idineretso ni Gabriel. Nandito na rin daw ang mga gamit niya. Ipinaayos nito iyon kina Millie pagkatapos nilang umalis papuntang Municipal Hall. Hindi niya tuloy mapigilang hindi kabahan. Hindi siya sanay matulog na may katabi lalo na at lalaki pa. Oo, asawa na niya ang lalaki pero hindi naman niya ito lubusang kilala at hindi rin naman totoong nagmamahalan sila ni Gabriel. Siguro sa parte niya oo, she loves him but Gabriel doesn't feel what she felt for him. "Why?" she asked, curious. Nakita naman niyang napairap sa kawalan si Scarlett. "Because I didn't expect you and kuya Gabriel got married today and worst he gave you the cheapest wedding ever..." eksaheradang sabi nito at ikinumpas pa ang mga kamay. "You don't deserved that kind of wedding, you know." Scarlett added, sighing. Nakangiting napailing na lang siya. "It's okay. Alam mo naman kung bakit kami nagpakasal, 'di ba?" But deep inside her heart, she was hurt. But nah, there's no way she will say it to Scarlett. "Kahit na, dapat nag-effort pa rin siya, at dinala pa ni kuya Reid iyong asungot niyang girlfriend. I really don't like that w***e---" "Your mouth, Scarlett." Sabay silang napalingon sa may pintuan ng kuwarto. And there, she saw Gabriel looking at his sister. His eyes were menacing. Napangiwi siya. Bigla siyang kinabahan. "Kuya Gab," Scarlett said, hesitant is visible on her moves. Nagkatinginan pa silang dalawa. Tila iisa ang iniisip niya at iniisip ng kaibigan. "You need to go home," Gabriel said to Scarlett. Hindi pa rin nagbago ang seryoso nitong mukha. Nanag balingan siya nito ng tingin ay agad na uminit ang mukha niya. Kagat ang pang-ibabang labing kaagad siyang nag-iwas ng tingin sa asawa. Nakita naman niyang tumango si Scarlett at malungkot na tumingin sa kaniya. She wanted her to stay but who she was to defy her husband? "Kuya, can I stay here for a while---" But Gabriel cut her off immediately. "No." Mas lalong napasimangot si Scarlett. "Fine." she said and secretly rolled her eyes on his brother. Pero duda siya kung hindi iyon nakaita ng kapatid nito. Lumapit sa kaniya si Scarlett. "Bye, Era..." anito at humalik sa pisngi niya bago bumaba ng kama. "Just wait me outside. Ako na ang maghahatid sa'yo." Sabi ni Gabriel dito. Seryoso pa rin ang mukha. Tamad na tumango lang si Scarlett saka tumalikod at nagmartsa palabas ng kuwarto. "Gusto mo bang sumama?" Malumanay na ang boses na tanong ni Gabriel sa kaniya. Umiling siya. "Hindi na..." Gustuhin man niya pero nahihiya na siya rito dahil lagi na lang siya nitong binubuhat. Ayaw naman kasi siya nitong paglalakarin. Matagal muna siya nitong tinititigan bago tumango. "Matulog ka na at 'wag mo na akong hintayin." sabi nito at dumukwang para halikan ang noo niya. Her heart skip a beat. s**t! Bakit ba ang hilig nitong manghalik ng noo? Nang lumabas ito ng kuwarto ay sinundan na lang niya ito ng tingin. Pagkuwa'y umayos siya at nahiga sa malaking kama ni Gabriel. She smiled when she smells Gabriel scents on his pillow. She really liked to smell his scent. Nagising siya nang makaramdam siya ng pagka-ihi. Napakunot naman ang noo niya nang sa pagbiling niya ay hindi niya makita si Gabriel sa kanyang tabi. Wala ring indikasyon na nahiga ang lalaki sa tabi niya dahil hindi man lang nagusot kahit kaunti ang side na iyon. Dahan-dahan siyang bumaba ng kama pero gano'n na lang ang gulat niya nang makita niya si Gabriel na nakahiga sa malaking couch. Kusang umangat ang mga labi niya at napangiti. Okay, he's gentleman. Noted. Hindi na siya mag-aalala na bastusin siya ng lalaki, na ni minsan ay hindi naman nito ginawa sa ilang araw na nakatira siya sa poder nito. Matapos siyang magbawas ay bumalik kaagad siya sa kama. Humiga siya ng patagilid paharap kay Gabriel. Napabuntonghininga siya sa nakitang posisyon nito na pilit pinagkakasya ang sarili sa couch. Malaki ang couch pero sa lapad ng katawan at tangkad nito ay hindi pa rin ito nagkasya. Hindi kaya sasakit ang katawan nito bukas sa ayos ng pagkakahiga nito ngayon? Bumuntonghininga siya ulit at ipinikit ang kanyang mga mata. Pero dumilat lang siya ulit. Binabagabag talaga siya ng kaniyang konsensya. "Arrgh," Napaungol siya at bumangon. Hinablot niya ang kumot at paika-ikang nagtungo sa may couch kung saan nakahiga si Gabriel at mahimbing ng natutulog. Tumigil siya nang isang pulgada na lang ang layo niya kay Gabriel. Dumukwang pa siya para matitigan niya ito ng mabuti. Ang guwapo talaga nito at ang amo pa ng mukha, iyon nga lang kapag tulog ito. Napahawak siya sa kaniyang dibdib. Sobrang lakas ng t***k niyon na para bang galing siya sa isang karera. Unti-unti niyang inilapit ang kanyang kamay sa mukha nito para haplusin ang medyo nangingitim na nitong mga panga na mukhang ilang araw ng hindi nakapag-ahit. Pero bago pa man lumapat ang kanyang kamay sa mukha nito nang magsalita ito. "What are you doing?" he asked. Kaagad namang nanlalaki ang kanyang mga mata at napaatras pero napatili siya ng ma-out of balance siya at manganganib na matumba. "Sh*t!" anitong mabilis pa sa alas kuwatrong hinawakan ang kamay niya at hinila siya kaya sa halip na matumba ay napasubsob siya sa malapad at mabango nitong dibdib. "Damn, baby. Did I told you to woke me up if you want something, didn't I?" Napangiwi siya. "S-Sorry, I just want to give this blanket," aniya, habang nakasubsob pa rin sa malapad nitong dibdib. Hawak pa rin niya ang blanket. "Hmm?" anito, wala yatang balak na bitiwan siya dahil mahigpit pa rin ang mga kamay nitong nakapulupot sa kanyang maliit na baywang. She felt awkward though, pero nagugustuhan din naman niya kaya hindi na siya nagtangkang umalis. Hanggang sa ito na ang nag-ayos ng mga puwesto nila. "Bakit ka ba kasi dito natulog? Ang laki ng kama mo---" "So, you want me to sleep beside you?" Putol nitong tanong sa kanya. Titig na titig ito sa kaniya. Napanguso siya. " Kama mo iyon, may karapatan kang mahiga roon. Puwedeng ako na lang ang matulog dito sa couch." Saad niya na ikinakunot ng makinis nitong noo. "No, Emerald. You are my wife now and what's mine is yours too." Her lips puckered. "Then, I will sign a prenuptial agreement---hmmm..." Hindi na niya natapos ang sasabihin, when he sailed her a kiss. A lingering kiss that made her heart thumping so fast and her knees shake in anticipation.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD