SIMULA

2082 Words
MABIGAT ang mga paang naglalakad si Scott Gabriel patungo sa kung saan nakaparada ang kanyang sasakyan. Dinukot niya ang susi sa kanyang bulsa at pinindot iyon para patunugin ang sasakyan. Nasa meeting siya kanina kasama ang mga board members ng SGD Steel Enterprises nang tumawag ang Mommy Sofia niya at pinaalalahanan siya na kailangan niyang pumunta sa De Sandiego Tower dahil kasali siya sa magmamana ng isa sa mga ari-arian ng kanyang Lolo Clifford. He sighed. Former Judge Clifford Augustus De Sandiego passed away last month. And now he needs to be there. Well, not only him but all his cousins, uncles, and aunties from his father side. Hindi na rin siya magtataka kung naroon din ang mga magulang niya at ang kapatid niyang si Scarlett. He misses his sister, though. "Good afternoon, Sir," bati sa kanya ng guard na naka-assign na magbantay rito sa underground parking lot ng SGD Steel Enterprises. He just nods his head to the guard and continue walking towards his car. Nang makarating siya sa kinaroroonan ng kanyang gray Audi Q6 E-Tron ay kaagad niya iyong binuksan at pumasok sa loob. He started the engine and drove away. Nang marating niya ang De Sandiego Tower ay kaagad siyang nag-park sa reserved parking space na nakalaan para sa kanya. He eyed the latest model cars parked in the spacious parking lot. Napangisi siya nang makita niya ang kulay puting Montero sport ni Jacob katabi naman nito ang kulay itim na audi08 ni Zacharias. Nilingon din niya ang reserved parking lot ng kanyang mga magulang. Mukhang wala pa ang mga ito. Wala pa kasi ang sasakyang karaniwang ginagamit ng mga ito. Kaagad siyang bumaba ng sasakyan at naglakad na papasok sa loob ng Tower. "Good afternoon, Sir Scott," bati sa kanya ng guard na nakatalaga sa may entrance ng building. Tanging tango lang ang isinagot niya at gano'n din sa mga empleyadong bumabati pagkapasok niya sa loob at bahagya pang yumuyuko. Nakakunot ang kaniyang noong pumasok siya sa loob ng private lift. He wondered. What if he is an ordinary employee or person in this country? Are they still going to bow to him or greet with a smile to him, at least? He unconsciously shrugged his shoulder about that. Dahil alam niyang hindi. Maybe they will glance at him, but that was because of his looks, especially women. Thanks to his parents and their good-looking genes. Paglabas niya ng lift ay sumalubong kaagad sa kanya ang secretary ni Attorney Lenard Besmonte. "Good afternoon, Sir Gabriel." Malaki ang ngiting bati ng babae sa kanya na mas lalong ikinakunot ng kanyang noo. Who told this Lad to call him that name? Bahagya lang siyang tumango at nagpatuloy sa paglalakad. Nakita naman niya itong umagapay sa paglalakad sa kanya. His forehead creased. Seriously? Lagi ba nito iyong ginagawa? Ang sunduin kung sinuman ang lumabas sa lift at ihahatid sa conference room? "Are they here?" malamig ang boses na tanong niya sa babae nang huminto siya sa may tapat ng tinted glass door ng conference room. "Hindi pa lahat, Sir Gab," tugon nito sa malanding boses. His hands turned into fist. "Who told you to call me by that name?" malamig at galit na niyang tanong sa babae. Kita niya ang pagkasindak ng mukha nito at bahagya pang napaurong. He smirked. No one dared to call him that name except his family. And this b***h has a guts to call him that! "I'm s-sorry, Sir." Nakayukong hingi nito sa kanya ng paumanhin. Damn! Why does he need to be here? "Next time, watch your mouth, Miss— " bumaba ang tingin niya sa name plate na naka-pin sa may kanang dibdib nito. "Allejo." aniya sa malamig at maawtoridad na boses. "S-sorry po," "Hey brute, sinindak mo yata si Miss Secretary." Napalingon siya nang may nagsalita sa likuran niya. At ang nakakalokong ngiti ni North ang bumungad sa kanya kasama nito ang dalawa pa nilang pinsan. Grayson Isaac and Reid Hunter. He shrugged his shoulder at nakipag-fist bump lang sa mga pinsan. Wala siyang pakialam kung nasindak man ang babae. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay ang tawagin siya sa second name niya sa taong hindi naman niya kamag-anak. "Good afternoon, Sirs." bati nang babae sa mga pinsan niya. Namumula pa rin ang mukha nito at yumuko nang bahagya bago nagpasintabi. "She's into you," ani Reid na saglit pang sinulyapan ang babae. Napailing lang siya at walang pakialam na binuksan ang pinto ng conference room at kaagad ng pumasok. "Sorry Miss Allejo, allergic sa babae itong engineer namin eh." Narinig niya pang sabi ni North sa babae bago siya tuluyang nakapasok sa loob ng conference. "Early as ever double king," Napailing na lang siya nang maunahan siya ni North sa pagbati kina Zacharias at Jacob na magkatabing nakaupo sa likod ng long oblate table. Tamad kasi iyan si North kaya ganyan 'yan tawagin ang kambal kapag nagsasama 'yang dalawa. "Palibhasa tamad," Zacharias muttered na ikinatawa lang ng loko. Well, sanay na rin kasi ang kambal sa tawag sa kanila ni North. "Hey," aniya kay Jacob at nakipag-fist bump dito. Isa-isa rin niyang nilapitan ang iba pa nilang pinsan para batiin ang mga ito at makikumusta. Gano'n din sa mga Tita's and Tito's niya bago naupo sa upuang nakalaan para sa kanya. Inilibot niya ang paningin sa apat na corner ng conference room. Wala pa ang Daddy at Mommy niya kaya wala pa rin ang kapatid niyang si Scarlett. "Where's Yelena and Reichel?" tanong niya kay Jacob nang mapansing wala doon ang mga kapatid nitong babae. "Yelena's with Reichel in Prague. May emergency si Reichel kaya hindi makauwi," tugon naman nito na ikinatango lang niya. Ilang minuto pa ang nagdaan bago dumating ang mga magulang niya kasama ang kapatid niya. Na kaagad namang nakalapit sa kanya at yumakap. Tinanguan lang niya ang kanyang ama. Ang Mommy niya ay lumapit din sa kanya at humalik sa pisngi niya. Pagkuwan ay nakipagkamustahan na rin sa mga kapatid ni Daddy. "I miss you so much, kuya Gab," sabi ni Scarlett at mahigpit siyang niyakap. Napangiti siya. He misses his sister too. "When will you be home?" nakalabing tanong nito. Kumalas na ito mula sa pagkakayakap sa kanya. "I will be there soon, brat." aniya at ginulo ang buhok nito. "When that soon, Kuya?" maktol nito. He pursed his lips and smirked. Hinila niya ang upuan sa tabi niya pinaupo ito. Almost two weeks na siyang hindi umuuwi sa mansion ng mga magulang dahil may sarili naman siyang bahay. Mula nang mag-away sila nang kanyang ina tungkol kay Natasha ay nagpasya na siyang bumukod. He wants to settle down with his long-time girlfriend, but his parents were against about his plan on marrying her. Kaya nag-away sila. But maybe his Mom was right. Natasha wasn't the kind of wife he wanted. Tinanggihan siya nito nang mag-proposed siya rito in their third-year anniversary. Dahilan nito, may mga unfinished business pa itong hindi pa nito naaabot. Ang pagiging Victoria Secret Model nito. Mas pinili nito iyon kaysa sa kanya. At hindi man lang ito nagdadalawang isip na iwan siya sa inarkila niyang restaurant sa gabing iyon at umalis ng bansa. Naging usap-usapan pa iyon ng buong media at pinahiya niya ang kaniyang pamilya sa nangyari. Kumuyom ang kamao niyang nakapatong sa mesa. Dalawang taon na ang nakalipas pero nandito pa rin iyong sakit nang pang-iiwan ng babae sa kanya. Sa lahat ng babaeng na link sa kanya. Dito siya pinakaseryoso. He invested his feelings on her. He loves her and even gave what she wants. Laging siya ang sumusuyo kapag nagtatampo ito o di kaya'y nagagalit. Kailanman ay hindi siya nawalan ng oras sa babae kahit gaano pa siya ka-busy sa kanyang trabaho. His world revolves around her but—damn! But call him bobo o martyr, but still, he's waiting for Natasha to come back and marry him. "Good afternoon, ladies and gentlemen," Nabalik siya sa kasalukuyan nang marinig niya si Atty. Besmonte. Hindi siya nag-angat ng tingin at pailalim lang niya itong tiningnan. "As we can see, today is the day I'm going to read the last will and testament of Judge Clifford Augustus De Sandiego." panimulang sabi ni Attorney Besmonte at isa-isang tiningnan nito lahat ng mga kamag-anak niya. Pati siya ay hindi nakaligtas sa paningin nito. Nakita niyang may inilapag ang secretary nito na isang maliit na puting sobre sa harapan nila. "Sa loob ng sobreng 'yan ay isang sulat kung saan nakasaad ang gagawin niyo bilang apo niya bago niyo makukuha ang inyong pamana." wika ni Attorney Besmonte bago pa man may isa sa kanilang magtanong. "Is this legit?" He smirked upon hearing his sister's question. Gano'n rin kasi ang laman ng isip niya. Kita niya kung paano napunta rito lahat ng atensyon ng mga kamag-anak nila. "Honey, your mouth," sita ng kanilang ina. Scarlett shrugged her shoulder at dinampot ang sobreng nasa harap nito. Gano'n din ang ginawa nang iba pa niyang mga pinsan. Isang katahimikan ang bumalot sa loob ng conference room until Grayson speak. "Damn! This is sick!" At sunud-sunod na rin na nagmumurahan ang mga pinsan niya nang mabasa na ng mga ito ang sulat ng lolo nila. "Mommy, did you know this?" tanong niya sa kanyang ina. He eyed her intently. Kung may una man na nakakaalam tungkol dito ay ang Mommy niya iyon dahil dito ipinasa ang posisyon ng lolo nila bago pa man ito pumanaw. She's now Judge Sofia Jade Altamirano-De Sandiego. "Yes, son," sagot ng ina niya. Mas lalong humigpit ang pagkakakuyom ng kamao niyang nakapatong sa mesa. Damn! This is ridiculous! He's troubled and disappointed. Paano ito nagawa ng lolo nila sa kanila? And what he annoyed most was his parents. They seemed that they agreed on this s**t. "Damn it!" he uttered before he stands up and walk outside the conference room. He wants to breathe. This is not happening. Green Isle Resort is his. Hindi man niya puhunan ang itinayo sa Beach Resorts na iyon pero siya ang nagpalago n'yon. He gritted his teeth. He needs to get married before his 30th birthday. Limang taon mula ngayon. That's insane! And his grandfather doesn't care who he marries, h'wag lang ang ex-girlfriend niyang si Natasha Madriguerra. Damn, you old man! "Kuya, kailangan ko ba talaga itong gawin?" Mariin siyang napapikit nang marinig niya ang tanong ng kapatid. Sumunod din pala ito sa kanya. "Come here, Scarlett," aniya na kaagad naman nitong ginawa. He embraced her at tuluyan na itong napahikbi. Damn! This was the old man's fault. Nang tumahan na ito ay inaya na n'ya itong lumabas ng building. Ipinapangako niya, no matter what happen ay kailangan niya itong protektahan lalo na at mas tumaas pa ang posisyon ng Mommy nila. Gano'n din ang pagiging Senator ng Daddy nila. Their life as their children were at risk. Their father's opponents will attack them even more, lalo pa at balak nitong tumakbo bilang Presidente ng bansa sa susunod na election. Nang makalabas ng building ay nakita niya ang mga bodyguards ng Daddy at Mommy nila na kaagad silang hinarangan. Kasama kasi niya si Scarlett at kabilin-bilinan ng mga ito na h'wag iwala sa paningin ng mga ito ang kapatid niya. Which is he understand. Kaligtasan ni Scarlett ang pinag-uusapan kaya sang-ayon siya. Kung siya lang ay kaya na niyang protektahan ang sarili niya. He's old enough and four years from now he needs to fulfill the will and testament of their grandfather or else his businesses turned to ashes. Matapos niyang i-treat ng ice cream ang kapatid ay iniuwi na niya ito kahit na ayaw pa sana nito but she needs to. Months had passed na wala siyang naging problema. Basta wala siyang problema sa company niya at sa Green Isle ay wala rin siyang problema. Unlike his cousin, Jacob. Masaya na sana sila na bumalik na ang asawa nito pero ang hindi nila alam ay may sakit pala si Heejhea sa puso. She had a heart attacked after she rejected Jacob's wedding proposal to her. Kaya nasa ospital din silang magpipinsan. He was sitting on one of the benches when one of his sister's bodyguards called him. "What?! Damn it save my sister, you idiot!" Sigaw niya at kaagad napatayo. "What happen to Scarlett, Bro?" tanong kaagad ni Zach na napatayo na rin. He gritted his teeth and balded his fist. "Someone's trying to kill Scarlett. I need to be there and save my sister." Damn! Whoever did this to his sister will pay. Bigtime!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD