๑ ๑♡✿♡๑ ๑ JHUSTINE KIM's POV Nakaharap sa screen ng laptop ko habang nilalaro ang lapis sa nguso ko at panay ang isip sa susunod na scene na isusulat ko. Ano nga ba ang pwede pang idagdag dito? Nakapagsulat na naman ako ng outline ko pero minsan hindi ko na 'to masunod kasi gusto ko may mangyari pang kakaiba sa loob ng story na sinusulat ko. Kung lagyan ko kaya ng p*****n 'to? Kunwari mamatay tao talaga 'yung girl na tumira sa unit na 'to? "Hehehe," hindi ko namamalayan na napapatawa na pala ako sa mga tumatakbo sa utak ko ngayon. "Kim alam mo nakakatakot ka," sabi ni Liam habang nakaharap din sa laptop niya at mukhang may trabaho kahit nakauwi na siya. "Hu? Bakit naman?" Tanong ko at tinaas ang dalawang kong paa at pinag-cross ito, nakakangalay kasi umupo nang maayos minsan. "Tuma

