๑ ๑♡✿♡๑ ๑ JHUSTINE KIM's POV Tinignan ko ang itsura ko sa salamin na hawak ko at panay pa rin ang ayos sa wig na suot ko, hindi ako sanay at feeling ko malalaglag 'to tapos mahuhuli ako ni Liam, pero tiwala lang Jhustina! Pinag sama-sama lakas niyo 'to ni Ice at ni kuya Zion kaya dapat makakuha ka ng idea sa buwis buhay na mission na 'to. "Ready ka na sesh? Nasa tapat na tayo ng company nila," sabi niya at napatingin ako sa malaking building na nasa harapan ko, napatingala ako sabay lunok dahil kung papalpak ako sa loob ng ganitong kaganda at kalaking company, for sure malaking kahihiyan din ang makukuha ko. Grabe ang taas nito at tatlong magkakatabing building pa nga, ang bongga naman hindi ko alam na sa ganitong company nagtatrabaho si Liam, bigatin talaga ang koya mo pero dakilang k

