𝐏𝐑𝐎𝐋𝐎𝐆𝐔𝐄
𝐒𝐓𝐀𝐋𝐊𝐄𝐑
Habang nakatayo ako sa gilid ng daan ay parang ramdam ko na may naka tingin sa akin, hindi lang ngayon ko ito naramdaman kundi maka ilang beses na nong bumalik ulit ako dito.
Pansin ko din na sa may gilid banda ng school nakikita ko ang itim na kotse. Kulang nalang maging salamin mo ito dahil sa sobrang kinang nito.
Ramdam ko parin na may nakatitig sa akin at nagpapasalamat ako dahil may trycicle na huminto sa harapan ko. Dali dali akong sumakay para maka alis na.
Ng makarating na ako sa bahay ay agad kong ni lock ang pinto. May bahay kami dito sa Maynila. Bahay ito ni lola, dati kasi syang nagtatrabaho dito nila lolo arnuld. Kasambahay si lola at si lolo naman ay construction worker dito.
Nong dumating na ako sa buhay nila ay bumalik na sila sa probinsya.
Napansin ko naman na tumunog ang cellphone ko. Si rea nag chat sa akin.
𝐎𝐍 𝐂𝐇𝐀𝐓
"𝐠𝐢𝐫𝐥 𝐩𝐚𝐬𝐨𝐤 𝐤𝐚 𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬?" Sa chat, i reply
"𝐎𝐩𝐨, 𝐩𝐚𝐩𝐚𝐬𝐨𝐤 𝐚𝐤𝐨 𝐤𝐢𝐭𝐚 𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐲𝐨 𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬" reply ko
Pumasok na ako kwarto para mag bihis. Matapos kong mag bihis ay kumain na ako at nag toothbrush pagkatapos. Sinuot ko na ang night dress ko. Matutulog na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko hudyat na may nag chat sa akin.
I open my phone at kulang nalang na lumuwa ang mata ko sa nakita ko...
Bakit sya meron nito? Bakit sya may picture ko?
May nag send sa akin na picture na naka uniform ako at pang trabaho na damit.
Sino ito? Hindi ko kilala dahil wala syang pangalan na naka lagay..
"𝐒𝐞𝐱𝐲 𝐚𝐧𝐝 𝐛𝐞𝐚𝐮𝐭𝐢𝐟𝐮𝐥" biglang chat nito kaya nabitawan ko ang phone ko.
Sino to? Nakakatakot naman sya.. Nakakatakot sya.
Biglang nag send ulit sya ng picture at nagulat ako dahil picture ito ng naka tayo ako kanina sa school at nag hihintay ng trycicle..
Biglang tumunog ang phone ko. Sa takot ko ay hindi ko ito sinagot. Dalawang beses pa syang tumawag haggang sa nag send sya ng voice record. I play
"𝐀𝐧𝐬𝐰𝐞𝐫 𝐦𝐲 𝐜𝐚𝐥𝐥, 𝐛𝐚𝐛𝐲" ang lalim ng boses nya at may tawa pa sa dulo. Bigla ulit tumunog ang cellphone ko hudyat na tumatawag na naman sya..
I answer
"𝐇𝐞𝐥𝐥𝐨?" Sambit ko. Ng hindi ito sumagot ay nag salita ulit ako.
"𝐒-𝐬𝐢𝐧-𝐨 𝐭𝐨?" Utal na bigkas ko pero tanging tawa nya lang ang narinig ko.
"𝐒𝐢𝐧𝐨 𝐤𝐚 𝐬𝐚𝐛𝐢!"mas lumakas pa ang tawa nya.
"𝐘𝐞𝐬 𝐛𝐚𝐛𝐲? 𝐀𝐫𝐞 𝐲𝐨𝐮 𝐜𝐚𝐥𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐲𝐨𝐮𝐫 𝐝𝐚𝐝𝐝𝐲?" Pinatay ko ang tawag dahil sa sobrang takot ko..
Wala akong ideya kong sino ang lalaking yon pero para sa akin..
Stalker ko sya at sino sya?.
Natulog nalang ako pagkatapos kong kumain. Naka suot na ko ng nightdress ko at nag apply ng cream sa mukha. Bigay sa akin ni Lola ito para daw kuminis ang mukha ko. Makinis naman ako kahit walang ganito.
–
Ang bilis ng panahon dahil tatlong buwan nalang ay tapos na ang klase. Finally 4rth year na ako sa susunod na buwan. Makakauwi narin ako sa probinsya namin.
Nandito ako nag hihintay ng trycicle para makauwi na and as usual nararamdaman ko parin ang nakatitig sa akin. Ang stalker ko na send lang ng send ng picture ko. Natatakot sya sobra kaya sa bawat na mag chat sa akin ay bina block ko agad para hindi na ako istorbohin pero kahit anong gawin ko ay mag chachat parin sa akin kaya hinahayaan ko nalang para wala na akong problema.
Patindi ng patindi ang takot ko kaya hindi na ako nag hintay pa ng trycicle at naglakad nalang ako para maka uwi na agad. Nakakatakot sobra.. Naka uniform pa ako na above the knee at hindi kalakihang takong at puting blouse na may logo sa gilid..
Mabilis ang ginawa kong hakbang para maka alis na.. Lumingon ako sa pinanggalingan ko at nakita ko na may kotseng sumunod sa akin na lagi kong nakikita. Mabilis akong naglakad dahil papalapit na ang kotse sa gawi ko hanggang sa bumilis ang kotse at biglang hinarangan ang dinadaanan ko at biglang lumabas ang lalaki na nakatakip ang mukha na hindi mo talaga makikilala. Tumayo sya at tinitignan lamang ako. Sa takot ko a napaatras ako at tumakbo. Mas ang ikinagulat ko ay hinabol nya ako at sa masamang palad nahuli nya ako.
“𝐭𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠!” malakas na sigaw ko pero wala ng mga tao dahil alas 5 na ng hapon at wala nang masydong tao na dumadaan kung saan ako nag hihintay ng masasakyan.
“𝐛𝐢𝐭𝐚𝐰𝐚𝐧 𝐦𝐨 𝐚𝐤𝐨! 𝐀𝐧𝐨 𝐛𝐚! ” nahulog na ang bag ko. May inilabas sya sa bulsa nya na panyo at agad na idinikit sa ilong ko dahilan para mawalan ako ng malay..
“𝒕𝒖𝒍𝒐𝒏𝒈” sa isip ko.
–
I woke up In the dark place or should I say in the dark room naka bukas din ang kortina sa balkonahe nito at.... Nasaan ako? Agad ako tumayo para sana takbuhin ang pinto ng maagaw ang attention ko sa may maliit na board sa harapan ko. Nilapitan ko ito at napatakip sa aking bibig ng makita ito.
Halos larawan ko ang nandito. Na naka school uniform ako at kahit nasa bahay at trabaho. Marami syang picture ko at sa taas non nakalagay na 'FOREVER' kinilabutan ako. Napansin ko din na may hindi kalakihang karton na nasa mesa. Binuksan ko yon dahil nakaawang lang at ng pag bukas ko ay halos lumuwa ang mga mata ko dahil nandito ang mga gamit ko na nawawala at hinahanap ko.
Paano ito nandito? Ang jacket ko na kulay blue hinanap ko ito para sana labhan pero nawala doon sa may trabaho ko tapos itong panyo ko na pampahid sa pawis ko ay nandito din ang Tshirt ko pero halos ang nandito ay ang damit ko at panyo ko na hindi pa nalalabhan pero hindi naman mabaho dahil sa perfume na ginagamit ko. Pero bakit ito nandito?
Sino ang nagdala sa akin dito? Sya din ba ang nag sesend ng mga pictures ko? Sino ang nasa likod nito? Agad ko tinakbo ang pinto pero naka lock ito. Kahit anong pilit kong bukas ay ayaw talaga.
“𝐞𝐬𝐜𝐚𝐩𝐞? “ bigla ako napalingon sa nagsalita at pinagsingkitan ko pa ang mata ko para maaninag kong tama ba na may tao sa madilim na sulok ng silid na ito..
Hanggang sa maaninag ko na sya at tumayo papalapit sa akin. Habang lumalapit sya ay unti unti kong nakikilala kong sino sya....
“𝐬-𝐬𝐢-𝐫 𝐝-𝐝𝐞-𝐯-𝐨-𝐧?”
𝐄𝐍𝐃 𝐎𝐅 𝐏𝐑𝐎𝐋𝐎𝐆𝐔𝐄
𝐏𝐋𝐀𝐆𝐈𝐀𝐑𝐈𝐒𝐌 𝐈𝐒 𝐀 𝐂𝐑𝐈𝐌𝐄
𝐖𝐑𝐎𝐍𝐆 𝐓𝐘𝐏𝐎𝐒 𝐀𝐍𝐃 𝐆𝐑𝐀𝐌𝐌𝐀𝐓𝐈𝐂𝐀𝐋 𝐄𝐑𝐑𝐎𝐑𝐒 𝐀𝐇𝐄𝐀𝐃