Chapter 61: Evesdrop Third Person's POV "Yvo please..." Pag mamaka-awa ng dalaga sa binata. Hawak hawak nito ang mangkok na may lamang pagkain at sinusubuan ang binata ngunit hindi ito naka harap sa kaniya. Senyales na ayaw niyang kumain, kanina pa sila ganito. Magmula nang dumating ang dalaga ay hindi na muling umimik ang binata, wala itong ibang ginawa kung hindi ang tumanaw sa bintana. Walang emosiyon ang kaniyang mukha, ni masking anong senyales na interesado ito sa dalaga ay wala. Kaya naman nanlulumo na nai baba ng dalaga ang kutsarang may lamang kanin at kapirasong karne. Malungkot siyang ngumiti saka tumitig sa binata. Binitawan niya ang mangkok at inilapag sa mesa na nasa tabi ng kamang kinahihigaan ng binata. "Fine, I will leave again, but eat this. I've cooked all of

