Chapter 25: At the Bar Part 2 Babi's POV Mabilis akong napalingon sa aking likod at ganoon na lamang ang panlalaki ng mata ko ng makita ko kung sino iyon. Bumuka ang bibig ko, ngunit hindi ko alam kung ano nga ba ang dapat sabihin kaya naman nanatiling buka iyon habang naka taas pa ang kamay ko at nakaturo sa kaniya. Naglakad siya palapit sa akin, at sa hindi malamang dahilan ay bigla siyang ngumiti. "It's really you. Babi." "Z-zaiden..." Halos pabulong kong sambit sa pangalan niya. Matapos ay hindi ko napigilan ang mapakagat labi. Omg, hala. I am too careless! Aish! Bakit ba hindi ko naisip na nagpupunta siya sa lugar na ito? Huhuness naman. Nagulat ako ng bigla siyang tumawa. It was so gentle and grace. Hindi yung tawa na basta basta lang, alam mo yon? Tumatawa siya ayon sa pagk

