Pag dating namin ng casino ay hindi ko maiwasang hindi ma mangha, ganito pala ang itsura nito sa loob. Mabuti nalang talaga at nakapag bihis ako ng maayos, dahil kung hindi tiyak na mag mumuka lang akong ka tawa-tawa. Bawat taong nakakasalubong namin ay binabati si lord Gabriel. Talagang kilalang kilala ito kahit san pumunta. Pag pasok namin sa isang silid ay bigla nag si taasan ang balahibo ko dahil sa lamig. Akala ko ay todo na yung lamig sa labas, mas doble pala dito sa silid na to. Nag simula ng makipag batian si lord Gabriel at Master Ayden sa mga kaibigan nito, habang kami naman ni Marky ay nasa likuran lamang ng mga amo namin. Napansin ko kagad ang mga nag gagandahang babae na kasama ng mga kaibigan ni lord Gabriel. Ayukong maging judgemental tulad nila Master Chandler, pero sa mg

