Noraisa's Pov Isang buwan na akong na ninilbihan bilang personal maid ni lord Gabriel, at ngayong araw ko na din mahahawakan ang unang sahod ko. Excited na ako dahil mas malaki ang maipapadala ko ngayon kay Nanay, siguro naman ay hindi na kukulangin sa maintenance ang bunsong kapatid ko. Hindi lang pang maintenance ni bunso ang maipapadala ko, kahit papano ay may pang dagdag grocery si Mama. Pag akyat ko sa kwarto ni lord Gabriel ay naabutan ko itong taimtim na nanalangin. Sa isang buwan na paninilbihan ko dito ay napansin ko dito na lagi nitong inuuna ang pag darasal pag gising nya sa umaga. Kaya yung mga nasasagap kong balita sa ibang mga kasambahay na masama daw ang ugali ni lord Gabriel ay isang kasinungalingan yun. Ang napansin ko lang sa kanya ay mabilis uminit ang ulo nito. Norma

