"Aela," natigilan ako sa akmang paglabas ng sasakyan nang tawagin ako ni Ciro. Kakauwi lang namin and we are currently in the parking lot. "Oh?" kunot-noong baling ko sa kaniya. Nagtaka ako nang mapansin ko ang itsura ni Ciro na hindi mapakali at tarantang nililibot ang tingin sa paligid na tila may hinahanap. "Ano? natatae ka ba?" natatawang komento ko. Agad naman akong nakatanggap ng masamang tingin mula sa kaniya. "What hell! No!" gigil na sabi niya. Napaatras ako ng ulo at tinaas ang kamay. "Chill! nagtatanong lang naman ako eh," naiiling na sabi ko. Tsk, may temper issues siguro 'tong lalaki na 'to. Bigla na lang sisigaw nang walang rason eh. Akala mo naman ay totoong inaaway. Tsk, masyadong pa-victim ampt. Hindi naman siya sumagot at patuloy na lumingon-lingon sa paligid. I r

