3rd PERSON'S POV:
King smiles to himself when he saw several people enter the salon. Kung isa kang normal na tao na hindi marunong kilatisin ang paligid mo ay iisipin mo talaga na isa lang iyong normal at mumurahing salon but King knew better.
Nagsalubong ang tingin nila ng nagmamaneho ng sasakyan sa pamamagitan ng rearview mirror and they communicated through their eyes. The guy nodded and King went out of the car. He buttoned his suit and looked at his surrounding before going inside the salon. Agad na napayuko ang lahat ng tao sa loob nang nakita siya.
"Good Evening, King," magalang na bati sa kaniya ng isang lalaki at yumukod habang tinuturo ang daan papunta sa pinto. Akmang susunod ito sa kaniya nang nilingon niya ito.
"I know my way," malamig na sabi niya at dumeretso na. He opened the door and the loud sound of music filled the air. All eyes immediately turned towards his direction nang tuluyan siyang makapasok. Madilim ang paligid at ang tanging ilaw lang ay ang pula na led lights sa bawat sulok ng lugar. King's gaze immediately fixed to the position of the man sitting on the couch not so far from his direction. He is laughing and kissing the neck of the naked woman sitting beside him.
"King!" masayang sabi nito nang mamataan siya. King remained emotionless and started to make his way towards his direction, not minding the naked girls dancing and flashing themselves to him on the side. Agad na napaayos ng upo ang lalaki nang tuluyan siyang makalapit.
"Sit, what do you want? drink? girls? tell me," suhestyon nito at tumawa ng malakas. His mere face makes him wanna p**e. He is a married man and a Father but look at the place where he is now.
"I won't be here for long," he settled himself down on the couch in front of him. His head immediately turned to the side and looked at the woman who was about to sit beside him. Agad iyong natigilan at napahiyang humingi ng pasensya bago nagmamadaling umalis.
"Why so tight, King?" nakangising sabi ng lalaki at sumimsim ng alak.
"I came here for business, not fun," walang emosyong sabi niya. May nilabas ang lalaki na isang papel at nilagay ang puting laman niyon sa kamay nito at sininghot. His smile doubled when the drug immediately took its effect.
King tapped his foot impatiently while looking at the man who is in the state of euphoria after inhaling heroin. "What do you want," walang ganang tanong niya. This man called him for a meeting only to waste his time. He have a lot more important thing to do than watch this son of a b***h get high.
"You are really the King, business, business, business. Everything is a business for you," he can hear the sarcasm in his voice. The man is starting to get into his nerve but decided to calm himself down than blow the head of the man right away. He is still useful to him.
"Anyways, election is coming. I am running for presidency and I want you to make me win," confident na sabi ng lalaki at malademonyong ngumiti. King grinned and look at the man in front of him.
"What will I get in return?" masayang napapalakpak ang lalaki. His blood is gushing in pure ecstasy and excitement with the mere thought of him being the president of this f****d up country.
"I will double your protection," King smile faded. He doesn't seem satisfied with what he heard. "I will cover all your dirty work," matigas na napalunok ang lalaki when King tilted his head to the side and looked at him.
"A modo nostro,"
"Huh?" maang na sagot ng lalaki nang hindi niya maintindihan ang sinabi ni King dahil ibang lengwahe ang ginami nito.
"A modo nostro," pag-uulit ni King sa naunang sabi at tinignan mata sa mata ang lalaki. "We'll do things my way," sa isang kisap lang ng mata niya ay hawak na ni King ang leeg niya at may baril nang nakatutuok sa sentido niya. The girls immediately screamed and stood up, leaving the two gentlemen.
"TEKA, TEKA!" kinakabahang sabi niya. Halos maduling siya sa pinaghalong kaba nang makita ang baril na nakatutok sa kaniya. King smiled in satisfaction when he saw the fear in the eyes of the man in front of him. How dare he ask him for business and offered him just a portion?
He is a famous Senator in the country known for his supposed to be drug abolition and human rights protection. But he is actually doing the opposite.
"Say it," malamig na sabi niya at kinasa ang baril. Agad na nanginig ang lalaki at tinaas ang kamay.
"Alright, Alright! We'll do things your way!" sigaw nito at pumikit when King teased him to pull the trigger.
King grinned to himself. "I'll make you win the presidency. In return you will do everything that I ask you to do. You hear me?" sunod-sunod na tumango ang lalaki.
"Good," he sat back to his chair and placed his gun on his back. "Pleasure making business with you," nakangising sabi niya at tumayo na para umalis. Naiwan naman ang lalaking padabog na inayos ang kwelyo niya at masama ang tinging pinukol ang likod ni King na naglalakad palayo.
"f**k!" malutong na mura niya at tinapon ang isang baso na may lamang alak dahilan para mabasag iyon. Mariin siyang napasabunot ng buhok at nag-isip. He want to run for presidency because he want to be the boss, now mukhang magiging tuta pa siya. Sunod-sunod siyang napamura sa isiping iyon.
King on the other hand pulled out his phone from his pocket while waiting for the car to pick him up. His eyebrows immediately furrowed when he check the video in Aela's room and saw that there is no one there.
"f**k!' malutong na mura niya and immediately dialed the number of Blake.
Blake answered after a few rings. "Where the f**k is Aela?!" galit na sabi niya sa telepono.
"I'm sorry, King. I didn't know how we lost her," agad na nagdikit ang labi niya to suppress his anger. Mabuti na lang at walang tao malapit sa kaniya kung hindi ay napatay na niya iyon.
"Find her. Now."
AELA'S POV:
Malakas ang kabog ng dibdib ko nang may mamataan akong mga lalaking papunta sa direction ko. Mabilis akong nagtago sa likod ng puno at tinakpan ang bibig ko para hindi nila marinig ang paghinga ko. Nandito na ako sa labas ng mansion pero hindi pa ako tuluyang nakakalabas dahil kailangan ko pang dumaan sa gate.
"THE LADY IS MISSING!" malutong akong napamura sa isip nang narinig ko ang sigaw ng isang lalaki mula sa loob.
'Ang bilis naman! Kaka labas ko pa ngalang ng bahay eh'
"What?" I heard someone said from the other side of the tree.
"The lady is missing!" panic na sagot sa kaniya ng kasamahan niya. "We have to find her quick of else we're dead," dagdag nito.
Bigla akong nakaramdam ng konsensya sa narinig. King would probably be furious when he finds out that I am missing. Iniisip ko pa lang kung ano ang mangyayari sa mga tauhan niya ay parang gusto ko na lang umatras sa planong kong tumakas.
'Pero, hindi ko naman sila kaano-ano,' isip ko.
Nilingon ko ang madilim na parte ng gate at nag-aalangang tinignan ang bahay. I can hear their screams and voice calling out my name. Hindi nila alam na nandito na ako sa labas. Nataranta ako nang makita ang ilang mga lalaki na may dalang flashlight habang papunta sa direksyon ko.
"Bahala na," napipilitang sabi ko sa sarili at agad na tinakbo ang daan papuntang gate. Dumapa ako sa isang tabi at sinilip ang mga lalaking nagbabantay sa gate. Alerto silang nagmamasid sa paligid dahil alam na nilang nawawala ako. Mariin akong napapikit ang kinagat ang ibabang labi ko. Hindi ko alam kung paano ako makakalusot sa kanila. Baka bigla na lang nila akong pagbabarilin pagnagkataon.
Nasa ganoon akong pag-iisip nang makita ko ang pader na pumapaikot sa bahay. Kinusot ko ang mga mata ko para tignan ko tama ba ang nakikita ko. Sa pagitan ng pare-parehong mukha at kulay ng mga pader ay isang maliit na seradura. Doon ko lang tuluyang napansin na mukha ngang pinto ang parte na iyon ng pader.
Huminga ako ng malalim at gumapang palapit sa pader. Mukhang narinig naman ng langit ang panalangin ko na sana hindi na kailangan ng susi dahil bumukas iyon nang pinihit ko. Manghang maingat na binuksan ko ang pinto para hinid iyon lumikha ng ingay. Nakahinga ako ng maluwag nang tuluyan akong makalabas ng bahay. Madilim at tago sa parte na nilabasan ko kaya hindi ako napansin ng mga nagbabantay sa gate. Maingat na tinahak ko ang daan palayo sa mismong bahay kahit hindi ko makita ng maayos ang daan dahil madilim ang paligid.
Nang masigurado ko na malayo na ako sa kanila ay tuluyan na akong tumakbo. Hindi ko alam kung ilang minuto akong tumakbo. Tumigil lang ako nang makaramdam ako ng pagod. Hapong nilibot ko ang tingin sa paligid at nakitang puro kahoy at mga tanim lang ang nakikita ko.
'Tangina, wala naman sigurong kapre o mananggal dito no?' agad akong kinabahan at napayakap sa sarili ko sa naisip. I shook my head to remove that unwanted thought. 'Isipin mo, Aela. May totoong tao na may baril ang posibleng humahabol sa iyo ngayon' paalala ko sa sarili. Tama, hindi ako dapat matakot sa mga aswang na hindi naman totoo. Dapat matakot ako sa totoong tao dahil sila iyong may kakayahang pumatay.
Ilang minuto pa akong tumakbo hanggang sa hindi ko na nakayanan at nagpahinga ako. Naupo ako sa ilalim ng isang malaking puno. Sinigurado ko muna na walang langgam o anomang insekto ang nandoon before I settled myself. Plano ko sana na pumikit lang pero tuluyan akong nakatulog. Nagising ako kinabukasan sa sikat ng araw na tumatama sa mata ko. Tinakpan ko ang mukha ko at dahan-dahang nagmulat ng mata. Impit akong napasigaw nang makitang hindi kalayuan sa pwesto ko ay bangin.
"Nyeta!" sapo ang dibdib na sabi ko at niyakap ang sarili. Mabuti na lang pala at nagpahinga ako kagabi imbes na ipagpatuloy ang takbo ko. Kung hindi ay tumakas ako papunta sa kamatayan ko. Ilang minuto akong natulala habang iniisip ang posibleng nangyari sa akin kagabi.
"Hind, kalimutan mo na iyon. Nangyari na iyon," sabi ko sa sarili at tinapik ang mukha ko. Kailangan ko nang umalis bago pa man ako maabutan ng mga tauhan ni King. Paniguradong alam na nila ngayon na wala ako sa loob ng bahay. Tumayo na ako at tinahak ang daan. Ilang oras akong lakad lang ng lakad. Wala akong ideya kung nasaan ako o kung may labasan ba ang daan. Mukhang sinadya talaga ni King na dito ang campo nila kung saan malayo sa mga tao.
Malapad akong napangiti nang makita ang daan hindi kalayuan sa akin. Agad kong tinakbo ang direksyon niyon nang may marinig akong sasakyan na palapit. Ngnit mabilis din akong nagtago sa madabong na halaman sa tabi at pinanood ang pamilyar na sasakyang dumaan. Kung hindi ako nagkakamali ay iyon ang sasakyan na ginamit namin kahapon pauwi. Heavily tinted ang sasakyan kaya hindi ko makita ko sino ang laman niyon pero panigurado na si King ang tao sa loob. Dumagundong ang t***k ng puso ko nang mabilis ang takbo na dumaan ang sasakyan lampas sa pinagtataguan ko. Mukhang alam na din ni King na nawawala ako.
Saka lang ako tumayo nang hindi ko na marinig ang tunog ng sasakyan. "I guess it's a goodbye," mahinang sabi ko sa sarili habang nakatingin sa direksyon ng mansion. Kahit sa malayo ay kita ko pa rin ang malaking estruktura niyon. I smiled to myself at tuluyan nang tumalikod para umalis palayo sa lugar na ito. Sinundan ko ang daan dahil mukhang ito lang ang pag-asa ko na makarating sa main road.
Nabuhayan ako ng loob nang makita ang maliit na bario pagkatapos ng ilang oras na paglalakad. Inayos ko ang sumbrero na suot ko at pumasok sa gitna ng kumpol na mga tao. Natigilan ako nang makita ang mga lalaking nakasuot ng pamilyar na damit. Wala silang suot na maskara pero kung hindi ako nagkakamali ay tauhan sila ni King. Lahat ng atensyon ng mga tao ay nasa kanila dahil mukha silang mamahalin sa suot at galaw nila.
"Lola, magkano ho ito?" tanong ko sa matandang nagbebenta ng pagkain sa isang karinderya habang pasimpleng tinitignan ang mga lalaki. Bigla ko tuloy naalala ang sabi sa akin ni King.
"I have a new set of men tasked to guard the lower ground. It's better that they do not know you so you will remain anonymous to them" iyon ang sabi niya sa akin noong isang araw kaya nabawasan ang kaba ko. Kahit makita nila ang itsura ko ay hindi nila alam kung sino ako. Ang kailangan ko lang gawin ngayon ay magkunwaring taga dito.
Matigas akong napalunok nang nasa mismong likod ko na sila. Isa sa kanila ay masusing nakatingin sa akin habang ang iba naman ay nanghahaba ang leeg kakahanap sa isang taong hindi naman nila alam ang mukha.
"Ineng?" narinig kong sabi ni Lola.
"Ay pasensya na po, ano ho ulit sinabi niyo?" nakangiting tanong ko sa kaniya. Malakas na kumabog ang dibdib ko nang tumigil ang lalaki sa mismong likod ko at sinuri ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Trenta, Anak," nakangiting sagot ng matanda.
"Ay sige ho. Isang hong ganiyan at kanin," turo ko sa ulam na nakita ko kanina. Napansin ko naman na tinawag ng kasamahan niya ang lalaking nakatayo sa likod ko at tuluyan na silang umalis. Nakahinga ako nang maluwag nang nakita ko ang sasakyan nila palayo.
"Kwarenta lahat, Anak," nabalik ang atensyon ko kay Lola nang marinig ko siyang magsalita. Napangiwi ako nang maalala na wala pala akong dalang pera.
"Lola, ano po kasi," nahihiyang sabi ko at nilabas ang isang singsing mula sa bulsa ko. "Tumatanggap ka po ba nito?" nakangiwing sabi ko at pinakita ang singsing ko sa kaniya. Siya naman ngayon ang natigilan at nagpalipat-lipat ng tingin sa akin at sa singsing na hawak ko. Natigilan ako ng ngumiti siya sa akin.
"Huwag mo nang bayaran. Sayo na lang ito," pahayag niya at inaya akong umupo sa isang mesa sa loob ng maliit na karinderya.
"Huh? Nako po Lola. Ayos lang sa akin. Nakakahiya naman," napapitlag ako nang mahina niyang pinalo ang kamay ko at sabay hila sa akin paupo ng mesa. Ako lang ang tao dito.
"Huwag mo nang isipin iyon at kumain ka na diyan. Mukha kang pagod at wala pang sapat na pahinga. Kumain ka na diyan at ikukuha kita ng tubig," malambing na sabi niya at hirap na naglakad papunta sa dispenser ng tubig. Parang piniga ang puso ko dahil sa kabaitang pinakita niya sa akin.
"Mag-isa lang po ba kayo dito, Lola?" takang tanong ko sa kaniya habang kumakain.
"Kasama ko ang Anak ko. Kaso wala siya ngayon dahil nasa trabaho," malumanay ang boses na sabi niya. Bigla tuloy akong na-curious kung bakit pero hindi ko na tinanong dahil personal na buhay niya iyon. Agad kong niligpit ang pinagkainan ko pagkatapos kong kumain.
"Alam ko na, Lola. Ako na lang ang maghuhugas ng lahat ng pinggan ngayon. Pambayad na din sa utang ko sa iyo," suhestyon ko sa kaniya. Mabilis ko siyang inakbayan nang makita ko ang pag-aalinlangan sa mukha niya. "Sige na. Hugas lang naman po ng pinggan. Tsaka, wala naman po akong nakikitang tumutulong sa inyo ngayon. Ayaw niyo iyon? Mas mapapadali ang trabaho niyo? Pramis po pagkatapos ng araw na ito hindi mo na ako makikita," pagpupumilit ko sa kaniya.
Malalim siyang napabuntong hininga at napipilitang um'oo. "Oh siya, sige na nga. Ikaw na ang bahala sa kusina," malapad akong napangiti at agad na dinala ang pinagkainan ko sa kusina para hugasan iyon. Bandang tanghali nang napansin ko na dumadami na ang mga tao sa karinderya.
"Yung coke dito sa table namin. Kanina pa hanggang ngayon wala pa din," dikit ang kilay na sabi ng isang lalaki na nakaupo sa isang mesa kasama ang mga kaibigan niya. Bigla namang nataranta si Lola dahil may kaharap pa siyang costumer na kasaluuyang bumibili. Hindi na ako nakatiis at lumabas ng kusina.
"Ako na ho," nakangiting sabi ko sa kaniya at inagaw bote ng coke. Natigilan ang lalaki nang makita ako.
"Eto ho order niyo Sir," pilit ang ngiting sabi ko kahit gusto ko nang saksakin ang lalaki dahil sa pagtrato niya kay Lola. Kitang matanda na iyong isa eh. Pwede naman na siya na lang kumuha ng coke niya sa fridge, iaasa pa sa matanda.
Lumapit ako kay Lola at ako na ang naglagay sa pinggan ng mga order ng mga costumer kaya wala siyang ibang ginawa kundi ang tumanggap na lang ng order. Nang humupa na ang dami ng tao ay nagsimula akong maglinis ng mga mesa at inayos ang mga huhugasan kong mga pinggan.
"Nay," narinig kong sabi ng isang lalaki at hinalikan ang noo ni Lola. Natigilan siya nang makita ako.
"Sino ho siya?" kunot-noong tanong niya habang nakatingin sa akin.
"Ah, siya si-" natigilan si Lola nang mapagtanto na hindi niya alam ang pangalan ko. Hindi ko mapigilang mapangiti.
"Trisha," tipid na sabi ko. Ayokong sabihin ang totoong pangalan ko sa kanila dahil hindi naman ako tatagal dito.
"Trisha," pag-uulit ni Lola sa anak niya. "Nandito siya para tumulong ngayong araw," dagdag ni Lola. Bigla akong nakaramdam ng pagkailang nang mapansin ang malagkit na tingin sa akin ng Anak niya.
"Trisha," pag-uulit niya sa pangalang sinabi ko at ngumisi. Bigla akong nangati na ihagis ang pinggan na hawak ko sa anak ni Lola nang sinuri niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
'Manyak!' piping sabi ko sa sarili at pasimple siyang sinamaan ng tingin. Pasensya na Lola pero hindi ko gusto ang asal ng anak niyo. Kung gaano kabait ang Ina ay ganoon naman ka-
Napailing na lamang ako at pumunta sa kusina para maghugas ng pinggan.
- -
✘ R E A D ✘
✘ C O M M E N T ✘
✘ F O L L O W M E ✘