CHAPTER 6

3326 Words
Mahina akong tumikhim at umiwas ng tingin nang mapagtanto ko na ilang segundo akong natulala sa kaniya. Hindi lubos ma-process ng utak ko ang sinabi niya. Yumuko ako nang maramdaman na may mabigat na bagay sa bewang ko at doon ko lang napansin na nakasuporta pala si King sa bewang ko para hindi ako lumubog.  May trauma kasi ako sa tubig kaya hindi ko inaral kung paano lumangoy. Hindi naman ganoon kalala ang trauma ko. May mga times lang na bigla akong maninigas dahil palaging nilulublob ng Tatay ko noon ang mukha ko sa tubig tuwing galit siya sa akin.  "Bitawan mo ako," tipid na sabi ko at kusang lumayo sa kaniya. Napahugot ako ng malalim na hininga nang maramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak sa akin ni King. I don't even know how to float! May ideya naman ako kung ano ang ginagawa tuwing nasa ilalim ng dagat dahil sa mga nakikita ko sa telebisyon pero iba pa rin kapag nasa aktwal na. Humugot ako ng malalim na hininga at hinanda ang sarili ko na lumubog sa tubig pero mabilis na pinaikot ni King ang bisig niya sa bewang ko at hinila ako palapit sa yate.  "Get up," turo niya sa maliit na hagdaan paakyat. Agad akong nanginig nang humampas ang malamig na  hangin sa katawan ko nang tuluyan akong makaahon.  I looked around para maghanap ng tuwalya dahil nananayo na ang balahibo ko sa ginaw pero wala akong ahanap. Natigilan ako nang maramdaman ang tuwalya na pinatong ni King sa balikat ko.  "S-Salamat," utal na sabi ko dahil nanginginig maging ang bibig ko. I sniffed at naupo na ulit sa upuan habang yakap ang sarili ko.  Mabilis kong tinakpan ang bibig ko at humatsing .'Mukhang lalagnatin yata ako ah'  isip ko nang maradaman ko nagsisimula nang mamuo ang sipon ko. Pasimple kong sinapo ang leeg ko at naramdaman na nagsisimula nang uminit ang katawan ko. Siguro dahil sa pinaghalong takot at iilang tubig na pumasok sa ilong ko nang bigla na lang tumalon si King sa tubig kasama ako.  King turned the yacht around so I guess ay babalik na kami sa Isla. Tama naman ang hula ko nang mamataan ko ang pamilyar na hubog ng mansion mula sa malayo. King parked the yacht and was about to assist me in going down nang kusang bumaba na ako at naunang maglakad. Patagal ng patagal ay mas lalong sumasama ang pakiramdam ko. Ang kaninang simpleng init ng katawan at sipon lang ay sinamahan na ngayon ng hilo at sakit ng ulo.  Tahimik na nakasunod lang si King sa likod ko hanggang sa nakarating kami sa tapat ng kwarto ko. Binuksan ko ang pinto ng kwarto at pumasok. Gusto ko nang magpahinga dahil ang bigat na ng pakiramdam ko. Tsaka, wala naman akong planong pansinin si King, hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa niya sa akin kahit nag-sorry siya. Paano na lang kung may totoong pating nga doon? Kung gusto niyang mamatay pwes wag niya akong idamay. Mahal ko ang buhay ko.  Bago pa man tuluyang sumarado ang pinto ay mabilis na hinarang ni King ang kamay niya. "What do you want for lunch?" I heard him ask.  Humugot ako ng malalim na hininga dahil pakiramdam ko ay kinakapos ako ng paghinga. Nilingon ko ng kaunti ang direksyon niya, sapat lang na makita ko ang pwesto niya at sumagot. "Kahit ano," tipid na sabi ko at tuluyan nang humilata sa kama habang nakatalikod sa direksyon niya. Tsaka lang ako nagmulat ng mata nang narinig kong sumarado ang pinto.  Agad akong bumangon at kumuha ng tuyong damit bago dumeretso sa banyo. I took a quick bath para alisin ang alat ng pait ng dagat sa katawan ko. Kahit papaano ay naramdaman kong bumaba ang temperatura ng katawan ko. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumalik ako sa kama at nahiga.  'Hindi maganda ito' sabi ko sa isip nang maramdaman ko na lumalabas ang init sa mga mata ko. 'Pahinga lang kailangan ko' I closed my eyes with that thought and drifted to sleep. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Naramdaman ko na lang na may humahawak sa noo ko.  Dahan-dahan akong nagmulat ng mata para tignan kung sino iyon, pero agad din akong napapikit nang maramdaman ang sakit ng ulo ko.  "You're burning," narinig kong sabi ni King. "Wait here,"  sabi niya na sinundan ng tunog ng pinto na bumukas at sumara. I pulled the blanket closer to my body dahil giniginaw ako and drifted back to sleep.  "Aela, wake up," I heard King calling out my name while gently nudging my shoulder. I groaned and slowly opened my eyes and saw him staring down at me. "Can you get up? I made a soup for you," mababa ang boses na sabi niya. Nilingon ko ang bedside table at nakita na merong tray ng pagkain na nakapatong doon.  "I figured it would be difficult for you to swallow solid foods so I made a soup," paliwanag niya. Huminga ako ng malalim at umupo sa kama. Mabilis naman niyang kinuha ang isang unan at nilagay sa likod ko. He took a spoon full of soup at hinipan muna iyon bago nilapit sa bibig ko. Nanghihinang binuksan ko ang bibig ko at kinain ang sinubo niya sa akin. Nakatingin lang ako sa kaniya nang maingat niyang punasan ang ibaba ng labi ko gamit ang pamunas nang may tumulong soup mula sa bibig ko.  Ang daming tanong na naglalaro sa isip ko pero wala akong lakas para tanungin siya niyon. Nangunguna sa isip ko ang tanong kung bakit niya ako inaalagaan ngayon. Shouldn't he just let me suffer and die? Wala naman siyang utang na loob sa akin para alagaan ako. Isa lang naman akong babae na binili niya sa halagang isang Bilyon.  "Ayoko na," tanggi ko pagkatapos ng tatlong subo. Hindi ako gutom nor busog pero hindi ko na talaga kaya. Pakiramdam ko ay kinakapos ako sa paghinga. Gusto ko na lang mahiga at matulog hanggang sa gumaling ako.  "Alright," tipid na sabi niya at pinatong ang mangkok ng sopas sa tray. "Drink your medicine first." Binuksan niya ang pakete ng gamot at nilapit iyon sa labi ko pagkatapos ay nilapit ang baso ng tubig sa bibig ko. Hanggang sa paghiga ay todo alalay siya which is sobrang nakakapanibago sa akin dahil sanay ako na ako lang ang nag-aalaga sa sarili ko tuwing may sakit ako. Walang ingay na lumabas siya ng kwarto at hinayaan akong magpahinga pagkatapos. Hindi ko alam kung ilang oras ang lumipas, naramdaman ko na lang na may bagay na dumadainti sa balat ko. Kinakabahang nagmulat ako ng mata at nakita si King na pinupunasan ang kamay ko. Mukha siyang nagulat nang makitang gising na ako.  "Did I wake you up? Sorry, I didn't bother to ask your permission because you were sound asleep," explain niya. Bigla akong nataranta at lumayo sa kaniya.  "Kaya ko," tanggi ko at inagaw ang hawak niyang bimpo. Ayoko talaga na may ibang humahawak sa akin lalo na kung walang permiso ko. Wala naman siyang sinabi at hinayaan ako. Nanghihinang pinahiran ko ang katawan ko sa taas. Kalahati pa lang ng katawan ko ang nalinis ko ay habol ko na agad ang hininga ko. Binasa ko ang bimpo sa bowl na may tubig at nanghihinang piniga iyon. Sa sobrang hina ng piga ko ay marami pang tubig na tumulo dahilan para mabasa ang kama ko.  "Let me," hindi na ako nakaalma nang inagaw ni King ang bimpo mula sa kamay ko at malakas na piniga iyon. "Lie down," utos niya sa akin at tinulungan akong makahiga ng maayos. Wala na akong nagawa nang pinahiran niya ang paa ko. Mabuti na lang at hindi malakas ang kiliti ko.  Agad naman akong nakaramdam ng kaunting ginhawa nang matapos siya. King came back after an hour and gave me a medicine. Hindi na ako umangal nang ilang beses niyang ginawa iyon hanggang sa nagising na lang ako sa gitna ng gabi at napagtanto na maayos na ang pakiramdam ko. May kaunting hilo pa pero hindi na masakit ang ulo ko. Bumaba na rin ang temperatura ng katawan ko.  Bumangon ako at nilibot ang tingin ko sa paligid. Kahit walang aircon o electric fan ay malamig ang paligid dahil sa simoy ng hangin na pumapasok sa binata ng kwarto. Bitbit ang kumot ay sumilip ako sa labas ng bintana at napangiti nang matitigan ang alon ng tubig na sumasabay sa mahihinang hampas ng hangin. Ang mga puno ay puno ng buhay at tila sumasayaw sa gitna ng gabi. Ilang minuto ko pang dinama ang simoy ng hangin bago ko napagdesisyunan na lumabas ng kwarto. Hindi ko alam pero dinala ako ng sarili kong paa papunta sa baba kung saan ko nakita si King kahapon na nagbabasa sa duyan.  Natigilan ako nang marinig ko ang magandang tunog ng gitara na tumutugtog habang nasa taas ako ng hagdan. Dahan-dahan akong bumaba at nakita si King na nakaupo sa duyan at tulalang tumutugtog ng gitara. Mukhang malalim ang iniisip niya dahil hindi manlang niya napansin ang pagdating ko. Tahimik lang akong nagmasid sa kaniya at walang ingay na lumapit sa direksyon niya habang pinapakinggan ang tinutugtog niya.  "Malungkot ka ba?" hindi ko mapigilang itanong sa kaniya nang tuluyan akong makalapit sa likod niya. Napasinghap ako at agad na tinaas ang kamay ko sa ere nang mabilis niyang binunot ang baril mula sa likod niya at tinutok sa akin.  "K-King," utal na tawag ko sa pangalan niya.  "Aela," paos ang boses na sabi niya at dahan-dahang binaba ang baril na hawak. Nanghihinang binaba ko ang kamay ko nang tuluyan niyang inalis ang pagkakatutok ng baril sa akin. Hindi ko alam na kahit kaming dalawa lang pala ang nandito ay may tinatago pa rin siyang baril. Hindi ko naman siya masisi, sa nasaksihan ko pa lang noong kelan kung paano bombahin at ubusin ng kalaban ang mga tao niya ay naiintindihan ko kung bakit.  "Pwede ba akong umupo sa tabi mo?" tanong ko. Mabuti na ang sigurado. Mahirap na at baka ayaw pala niya na may katabi tapos bigla na lang akong umupo. Edi baka pumutok ng wala sa oras ang ulo ko. Instead of answering, King just moved to the side to give me some space to sit.  "Kaya naman siguro tayo ng duyan na ito no?" paninigurado ko. May trust issues ako sa mga duyan. Isang beses na akong humalik sa sahig dahil hindi ako kinaya ng duyan na inupuan ko noon.  We both stayed silent for a while at pinapakiramdaman ang isa't-isa nang magsalita ako. "Thank you. For taking care of me," sincere na sabi ko at nilingon siya. "Iyon ang unang beses na may nag-alaga sa akin. You see, sa amin kasi ay hindi ako ang first priority kaya as much as possible ay iniiwan kong magkasakit dahil imbis na ipahinga ko ay kailangan kong magtrabaho para may makain kami," mahabang litanya ko. Agad akong nakaramdam ng hiya nang mapansin na nakatitig lang siya sa akin.  "I'm sorry. Hindi ko sinasadyang magkwento," bawi ko at tumingin sa harap.  'Ano ba naman kasi ang pumasok sa isip mo at bigla ka na lang nagkwento? Close kayo? Parang magkaibigan lang kayo kung magkwento ka sa kaniya ah' parang gusto ko tuloy mapatakip ng mukha dahil sa hiyang nararamdaman ko. For sure sobrang pula na ng tenga ko.  Babalik na lang ako sa kwarto at mananahimik. At least doon hindi ako mapapahiya. "Ah, babalik na lang ako-" "It's okay," napamaang ako sa sinabi niya at napatitig sa kaniya. Binaling niya sa akin ang tingin niya mula sa harap. Parang gusto kong kusutin ang mata ko sa nakikita kong emosyon sa mukha niya. He looks so calm and serene with his soft gaze staring back at me. "You can talk to me," dagdag niya.  Napatikom ako ng bibig at dahan-dahang umupo pabalik sa tabi niya nang hinidi siya tinitignan.  "Gusto mo bang mag-camping?" yaya ko sa kaniya. Kanina ko pa gustong gawin iyon nang makita ang labas kanina. Nakakaengganyo lang mag-camping. "Tapos mag bonfire tayo," yaya ko sa kaniya.  "You're still sick," he said as a matter of fact. I immediately flexed my shoulder at him. "No, I am not. Hindi na masama ang pakiramdam ko. In fact ay magaling na ako. Sino ba nagsabing may sakit ako?" inosenteng tanong ko at namewang sa harap niya. He gently shook his head in disbelief and stood up.  "Fine," tipid na sabi niya and stood up. Agad na kumabog ang puso ko sa narinig.  "Seryoso?!" masayang tanong ko. Hindi ko napigilan ang excitement na nararamdaman ko at napatalon pa. "Ay sorry," nahihiyang sabi ko nang nakitang tahimik lang siya na nakatingin sa akin. He shook his head one more time at nauna nang umakyat.  "Meet me outside," tipid na sabi niya. Naiwan naman akong nagsaya dahil sa unang pagkakataon sa tanang buhay ko ay napagbigyana ng gusto ko. Grabe parang hindi lang talaga ako kinidnap. Pakiramdam ko ay nagbakasyon lang ako.  Malapad ang ngiting lumabas ako habang bitbit ang lahat ng pagkain na nahalungkat ko sa kitchen. Even King had to double look at me para matignan ng maayos ang dala ko.  "What's that for?" kunot noong tanong niya habang nakasunod ng tingin sa pagkain na dala ko. I smile widely and showed the food to him.  "It's a marshmallow and chocolate. Parang grocery store pala yung kusin niyo no? Pati barbecue stick kumpleto," amazed na sabi ko. Napaatras siya nang bigla kong ipakita sa kaniya ang barbecue stick na tintukoy ko.  "Sorry," tipid na paumanhin ko at nilapag ang lahat ng dala ko sa buhangin. Naka-plastic naman kaya ayos lang. Umupo ako sa harap ng bonfire na ginawa ni King at pinaypay siya sabay pagpag ng pwesto sa tabi ko. "Halika ka dito. Tuturuan kita kung paano," tahimik naman niyang sinunod ang sabi ko.  Kumuha ako ng dalawang barbecue stick at inabot sa kaniya ag isa. "Oh, hawakan mo." Pagkatapos ay nagsimula akong itusok ang marshmallow sa stick. Kusa namang sinunod ni King ang ginawa ko.  "Ayan!" masayang sambit ko habang nakatitig sa masterpiece na ginawa ko. Actually, hindi ako sure kung tama ba ang ginagawa ko. Sinunod ko lang base sa naalala ko sa mga napapanood ko sa telebisyon. Gusto ko lang i-try kasi mukhang masarap.  Nilingon ko si King para kumustahin ang gawa niya. "Tapos susunugin na natin ito," excited na nilagay ko sa nagbabagang apoy ang marshmallow. Pinapanood ko pa lang ay parang naglalaway na ako.  "You forgot something," narinig kong sabi ni King. Bago pa man ako makasagot ay mabilis na siyang bumalik sa loob. I shrugged my shoulders and focused on my food. Nang mapansin ko na nag-melt na ang marshmallow ay kinuha ko na iyon.  "Teka, ba't parang may kulang?" takang tanong ko sa sarili at kakamot-kamot na tinignan ang mga dala ko. Tamang-tama naman na namataan ko si King na pabalik.  "Looking for this?" cool na sabi niya at pinakita sa akin ang isang pakete ng grahams. I immediately snatched the pack from his hand at tinignan iyon.  "Tama! Eto nga! Paano mo nalaman?" tanong ko nang hinid siya pinupukol ng tingin. Binuksan ko ang pack ng grahams at kumuha ng kalahating bar ng chocolate at ginawang palaman ang marshmallow.  'Huh? Bakit hindi nag-melt ang chocolate?' napangiwi ako nang hindi iyon katulad ng inaasahan ko.  "Because it's not a smores without a graham. Here," natigilan ako nang inagaw ni King ang hawak kong smores daw. Iyon pala ang tawag diyan. Nakatingin lang ako sa kaniya na ininit ang marshmallow at mabilis na inipit iyon sa pagitan ng graham at chocolate. Napaawang ang labi ko nang makita kong nag-melt ang chocolate.  "Ang galing," amazed na sabi ko. "Try it," natigilan ako nang inabot sa akin ni King ang gawa niya.  "Thank you," walang hiyang agad kong sinubo ang smores. "Ang sarap!" usal ko nang matikman iyon. King made his own smores while I am enjoying the piece that he made. Sa huli ay siya na ang nagluto habang ako ay tagakain.  "Pansin ko lang," panimula ko at nilunok ang ngiunguya ko para maintindihan niya ang sinasabi ko.  "What?" malamig na sagot n King habang ngumunguya.  "Pakiramdam ko hindi ikaw iyong lalaki noong gabing, alam mo na," walang pakealam na sabi ko at mabilis na kumagat sa kinakain ko bago nagpatuloy. "Wala lang, feel ko lang parang iba ka ngayon. You seem fine. You are nice to be in fact," dagdag ko at nilingon siya. Natigilan ako nang mapansin na taimtim lang siyang nakatitig sa sumasayaw na apoy sa harap namin. Agad na kumabog ang dibdib ko nang hindi kaagad siya sumagot.  "H-Hindi mo naman siguro ako papatayin dahil sa sinabi ko no?" paninigurado ko. Nakahinga ako ng maluwag nang umiling siya.  "Ang tahimik mo," puna ko sa kaniya.  "I don't know what to say," tipid na sabi niya at malayo pa rin ang tingin.  Ilang beses akong napakurap at nag-isip. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng salitang pwedeng sabihin. Hindi ko naman kasi siya masyadong kilala para sabihan lang ng kung ano. Mamaya baka isipin niya na nagmamarunong ako.  I tossed the last piece of my smores and  hugged myself when the cold wind passed by. Bigla kong naalala ang maliit na pag-uusap namin ni King at karamihan sa iyon ay nagbabangayan kami. Ngayon lang yata kami nag-usap na kalmado eh.  "Just tell me what do you wanna say. Kahit anong tumatakbo sa isip mo," kibit balikat na sabi ko. "Kagaya ko. Hindi ko alam kung dapat ba kitang pagkatiwalaan dahil ginawan mo ako ng masarap na smores pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari noong unang gabi kitang nakita. Nalilito ako kasi buong panahon na kasama kita dito ay masyadong malayo ang galaw mo kumpara noong una. Sinasabi ko 'to sayo kasi ito ang laman ng utak ko at tumatakbo sa isip ko," mahabang litanya ko at nilingon siya.  Hindi ako sure kung narinig ba niya ang sinabi ko dahil mukha siyang lost sa sarili din niyang iniisip. Napangiwi ako nang tumayo siya nang hindi manlang ako sinasagot. "Aba't-" handa na sana akong awayin siya nang maramdaman kong pinatungan niya ng kumot ang balikat ko.  "You'll still not well," tipid na sabi niya naupo ulit sa tabi ko. Natahimik ako at kagat labing inayos ang kumot sa katawan ko. Napagdesisyunan ko na manahimik na lang at i-enjoy ang tanawin para iwas pahiya. Sa sobrang tahimik namin ay naririnig ko na ang mahinang tunog ng kuwago, kung meron nga talaga niyon dito. "This is the only time someone told me to speak out my thoughts," sabi niya pagkatapos ng ilang minutong katahimikan.  "Bakit naman? Dapat sabihin mo kung ano ang iniisip mo lalong-lalo na ang nararamdaman mo. Kasi hindi naman iyan mawawala sa pagtago lang. Kaya sabihin mo nang mailabas mo," parang gusto ko tuloy matawa sa sarili ko. Ang lakas ng loob ko na sabihin sa kaniya iyon pero hindi ko naman magawa sa sarili ko dahil wala naman akong mapagkwentuhan.  "Aela,"  "Hmm?" takang nilingon ko si King nang tinawag niya ang pangalan ko. He is looking at me as may gusto siyang sabihin.  "You can talk to me," tipid na sabi niya. Natigilan ako at napatitig sa kaniya nang literal na sinagot niya ang nasa isip ko. Sinabi ko ba iyon ng malakas?  "Let's go back inside," yaya niya sa akin at mabilis na tumayo. Naputol ang pagmumuni-muni ko nag mapasin na nililigpit na niya ang mga gamit.  "Teka! Ikaw ang bumalik. Basta ako dito matutulog," King's forehead immediately formed a crease nang tinuro ko ang mini tent.  "Are you serious?" he is looking at me as if I said something absurd.  "Oo. Sinet-up mo pa tapos hindi naman gagamitin," pasimple ko siyang inirapan pumasok na sa tent. I immediately zipped the tent para hindi siya makapasok. Bahala siya diyan.  - - ✘ R E A D ✘ ✘ C O M M E N T ✘ ✘ F O L L O W M E ✘ 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD