"Alessandro," parang batang tawag ko sa kaniya and poked his shoulder lightly. Hindi ako sigurado kung tulog na ba siya o ano dahil ilang minuto na din ang lumipas na tahimik siya. 'No response' mabigat sa loob akong umayos ng higa. Nakatalikod kasi sa akin si Alessandro kaya hindi ko makita kung totoong tulog na ba siya o nagtutulog-tulugan lang. Gusto ko sana siyang gisingin at kulitin na siya na lang ang sumama sa akin bukas gumala pero sigurado ako na maiinis lang siya sa akin. Kanina ko pa kasi siya kinukulit na ayokong kasama si Blake. Isang beses pa akong napabuntong hininga bago napipilitang pumikit para matulog na dahil hula ko ay pasado alas dos na ng umaga. Maaga pa naman kami bukas. Before lunch time daw para doon na kami kumain ng lunch sa mall. "Aela," dahan-dahan akong

