I woke up feeling a little bit excited and anxious at the same time. Gusto ko nang makita si Alessandro kaya agad akong tumayo sa kama at kumuha ng damit ko pamalit. Kagabi ko pa naayos ang gamit ko dito sa dambuhalang kwarto na binigay nila sa akin. Bitbit ang damit ko at pumasok na ako sa loob ng malaking banyo at naligo. Pagakatapos kong maligo ay tinuyo ko na ang katawan ko sa harap ng salamin nang may mapansin akong maliit na gap sa gilid niyon. At dahil ipinanganak akong curious sa lahat ng bagay ay kinapa ko iyon. 'Hindi na ako magtataka kung isa itong secret door' I thought. Base sa nakita ko noon sa mansyon ni Alessandro ay maraming ganito kung saan nila nilalagay ang mga pribadong gamit, lalo na ang mga armas at kung ano pa. Nilapit ko ang mukha ko doon para mas matitigan ko

