Uwian 21: Sembreak

1562 Words

"Hindi mo rin yata ako naririnig ngayon."  Tumawa siya ng mahina pero may tonong malungkot. Parang may kung anong dumadagan sa dibdib ko dahil sa huli niyang sinabi, parang pinipiga na hindi ko maintindihan, pero ginawa ko ang lahat para hindi ko siya malingon. "Hoy Nico!" rinig kong tawag ng kapwa niya kundoktor sa kanya. Napalingon siya doon. Actually lilingon rin sana ako pero pinigilan ko ang sarili ko. "Tawag ka ni Boss!” "Sige, sandali lang!" Nakita ko sa pheripheral vision ko na tinignan niya ulit ako, sinubukang may sabihin ulit, pero mas piniling umalis na lang upang puntahan ‘yong kasama niya. Nakahinga ako ng maluwag noong mawala na siya sa tabi ko. Doon lang bahagyang humupa yung kaba ko. Lumakas na lang ulit noong sumakay na ako sa bus at siya na naman ang kundoktor dito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD