Uwian 7: Hintay

1843 Words

Napatingin ako sa harapan at ayan na naman ang hindi ko maunawaang kaba noong sumampa na sa bus si Nico... na kunot na naman ang noo at salubong ang kilay noong tignan niya ako. Agad akong umiwas ng tingin, sabay hawak sa dibdib ko. What the fudge? Bakit ba ako kinakabahan? "Tss. Ang angas." kunot-noong bulong ni Marcus habang nakatayo. Pagkatapos kong tignan ang busy na kundoktor, ay lumipat ang tingin ko kay Macus. Hindi ko alam kung bakit bigla kong pinagkumpara ang epekto ng kunot-noo ni Marcus kaysa sa epekto sa akin tuwing kunot ang noo ni Nico. Gwapo rin naman si Marcus, pero may kakaiba lang talaga sa dating ni Nico, hindi ko alam kung ano. "Via." Tawag ni Marcus sa akin. Bumalik ako sa ulirat. Nanatili pala ang tingin ko kay Marcus habang nagi-isip. "Did you just stare at me?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD