Bago pa ako makapag-react ay nauna nang mag-react si Geraldine na naka-dungaw pala ngayon sa cellphone ko. “OMG! Ano ‘yan Via?” kinikilig na inagaw niya sa akin ang phone ko. Kinuha ko naman iyon pabalik at sinaway siya dahil napapansin kami ng mga kaklase namin. “Kanino galing? Sinong nag-send sa ‘yo? Kyaaaa! Nag-confess sa ‘yo through playlist?” niyugyog niya pa ako habang magkatabi kaming nakaupo. I bit my lower lips habang binabasa rin ang laman ng playlist, but I managed to give Geraldine a deadly look. “Shut up, Dine!” “Kyaaa! Ikaw ha? Bakit hindi mo man lang kinukwento sa akin?” “Wala ‘to… some… uh, random guy…” tumikhim ako. “Ipakilala mo naman!” “Saka na lang…” natigilan ako sa sarili kong sagot. Gan’on rin si Geraldine na pagkatapos ng ilang segundo ay tumili na nga. “Oh

