Maagang gumising si Laxriel kinabukasan dahil schedule na ng final preparations para sa Foundation Week. Nakapalibot ang mga estudyante sa quadrangle, busy sa pag-aayos ng booths at stage. Siyempre, hindi siya papahuli. “Serene! Dalhan mo ko ng glue gun! Kailangan kong idikit ‘tong mini hearts sa banner natin!” sigaw niya habang nakaakyat sa hagdang gawa sa kahoy. “Girl, baka ikaw ang madikit d’yan!” balik ni Serene, pero sumunod pa rin, dala ang glue gun. Habang nilalagyan ng mga palamuti ang banner, biglang huminto si Laxriel at ngumiti sa sarili. “Perfect timing. Alam kong daraan si hubby dito mamaya. Kaya dapat, picture ready ako.” Nagmamadali niyang inayos ang buhok, naglagay ng lip tint, at nag-practice ng “accidental cute pose.” “Okay… scenario: Hubby walks by, I trip—” kunwar

