“Lax, are you sure about this?” tanong ni Serene habang nakayuko sa laptop ni Laxriel. Nakalapat ang daliri nito sa touchpad, nakatitig sa isang website na hindi nila matandaan kung paano napunta sa feed nila. Oo, maraming suggested destinations ang lumalabas sa kanila—beach, mountain trails, glamping sites. Pero kakaiba ang site na ito. Wala itong gaanong description, tanging isang heading lang: “The Forgotten Woods — Where Magic Still Breathes.” At sa ibaba, isang lumang mapa ang naka-attach. “Serene, look at this. Hindi ito basta-basta camping ground. Ang vibe niya… parang mystical, no?” ani Laxriel, kita ang pagkislap ng excitement sa kanyang mga mata. “Perfect to para sa Christmas break! Tahimik, walang istorbo. Pwede tayong mag-relax, mag-stargazing, mag-bonfire.” Napangiwi si S

