Tahimik ang paligid ng lumang hardin sa likod ng St. Rosandele Academy. Malayo ito sa mata ng ibang estudyante, natatakpan ng makakapal na pader at mga puno. Tanging malamlam na ilaw mula sa mga lumang poste ang nagbibigay liwanag sa paligid. Dumating si Laxriel, halos tumatakbo pa, hawak ang dibdib dahil sa sobrang kaba. “Haa… haa… hubby… I mean, Khyro… I’m not late, right?” Nandoon na si Khyro, nakasandal sa pader, nakalagay ang kamay sa bulsa. Nang tumingin siya kay Laxriel, wala na ang dati nitong malamig na titig. May bigat pa rin, pero ngayon ay may halong pag-aalala. “Right on time,” mababang sabi niya. Agad namang ngumiti si Laxriel, parang nanalo sa raffle. “Yes! Perfect attendance ako sa hubby meeting.” Umangat ng kaunti ang sulok ng labi ni Khyro, bahagyang smirk, pero agad

