Prologue

829 Words
LUMABAS na ako ng school at naglakad. Lumingon-lingon ako sa likod ko nagbabakasakaling hindi nasundan ng mga bodyguard. Napatalon ako sa gulat nang biglang may humintong bike sa tabi ko. Tinaasan ko siya ng kilay. “What?”  Base sa sout niya, mukha siyang mahirap. Simpleng gray t-shirt at ripped jeans. Tapos naka tsinelas pa. Poor people.  Nanlaki ang mata ko nang bigla niyang hablutin ang kamay ko at may pinahawak doon. Umbrella? He smiled. “Mukhang uulan. Sayang ang ganda mo kung magpapabasa ka.” I rolled my eyes. “If you’re trying to get my attention.” I smirked. “Well, sorry ka na lang. I'm taken.” Imbes na mainis ang lalaki ay tumawa lang ito. In fairness gwapo rin naman ang isang ‘to. “Ang yabang mo naman.” He grinned. “Hindi porket binigyan kita ng payong eh type na kita. Pinaningkitan ko siya ng mata pero umalis na ito. Nagsimula na rin pumatak ang ulan kaya kahit napipilitan ay binuksan ko iyon. Napansin ko ang mga letra sa hawakan nito. “K.E.R.” I said and smirked.  Nagpasya na akong pumasok sa isang coffee shop na tagpuan namin ng boyfriend ko. Nasa pinto pa lang ako ay kitang kita ko na siya. Bukod kasi sa umaapaw ang kagwapuhan niya ay matipuno ito at matalino. Malaki ang ngiti ko na umupo sa upuang kaharap niya. I was about to say hi when he stopped me. “I’m sorry Rese. But I want to stop this. I’m breaking up with you.” I stared to the man who sat in front of me. His face was blank. Hindi mahahanapan ng kahit na anong emosyon. Kahapon lang masaya kaming magkasama sa talyer nila. “R-rim...” Basag ang boses kong tawag sa kaniya. Agad-agad? Hindi man lang ako hinintay na magsabi ng ‘Hi babe’ He’s breaking up with me. He wants to stop our 8 months relationship. Sasayangin niya ‘yong mga panahong pinaglaban namin ito sa pamilya ko.  Naramdaman ko agad ang pangingilid ng luha ko hanggang tuluyan iyong tumulo. I wiped my tears. “But why?”  “I am no longer in love with you.” He replied with conviction. “Rim pa’no ‘yong pangako natin nawalang bibitaw?” I sobbed painfully. “Rim baka pwede pa nating isalba. Rim mahal mo ako! Sinabi mo ‘yon sa’kin! Sa harap mismo ng parents ko!” Tumayo siya sa kinauupuan at lumabas ng shop. Nagkukumahog naman akong sumunod sa kaniya. Muli siyang humarap sa akin. “Tama na.” Akmang tatalikod na siya ng hinawakan ko ang braso niya at yumuko. I want to hide my tears from him. He’s my first love, he’s my the one. He protected me, he took care of me. “Rim naman eh..” I cried. He cleared his throat. “Sorry.” Tinabig niya ang kamay ko at umatras mula sa akin. Pakiramdam ko nahahati ‘yong puso ko sa sakit. Nahigit ko ang aking hininga nang bigla na lang siyang yakapin ng isang babae sa braso. Lumapit ako sa kanila at hinila ang buhok niya. “Don’t touch my boyfriend!” Nasalampak sa lupa ang babae at agad itong inalalayan ni Rim. “What the hell Therese?!” He shouted. “Rim.” I bit my lip. “Siya ba—“ “Yes Therese. Siya ang pinalit ko sa’yo. So stop this bullshit! And leave me alone.” Putol niya sa tanong ko habang buhat buhat ang babae. “She’s poor.” I whispered “And so I am.” Rim said. “I’m tired of you. You’re such a trashy heiress.”  After saying those words. He turned his back. He walked away from me. Iiwan niya ako. I gripped my uniform out of anger. Poor people use their estate of life just to have other people’s sympathy. I cried my heart out for the last time.  Masakit? Yes, of course. Masakit talikuran ang isang bagay na pinaglaban mo. Pinaglaban ko si Rim sa parents ko. Though he’s not that rich but he’s not poor too.  Huminga ako ng malalim at ngumiwi. “He broke me.”  God! I’m rich, beautiful, smart and sexy. Total package kumbaga. I dried my tears in a bitchy way. Raising my eyebrow, I looked back to them.  “Trashy Heiress? Eh?” I flipped my hair. “I’m the Queen b***h. And you don’t just dumped me like that.”  Tumalikod ako at kinuha ang press powder. Sinilip ko muna ang sarili ko sa maliit na salamin at nag apply ng kaunti sa ilalim ng mata. Matapos iyon ay muli itong binalik sa LV bag ko. “Wait for the payback time. The b***h is coming.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD