BIGLANG dilat si Jyra habang sunud-sunod ang pag-ubo. A lot of water escaped from her open mouth when she coughs exaggeratedly. Taas-baba ang dibdib niya at parang mauubusan ng hangin sa paghinga. She can't loosen up because of fear. Namimilog ang mga mata niya habang minamasdan ang karagatang lumamon sa kanya ng buo. Wala manlang siya makapitan. Wala siyang kalaban-labang papatayin nito.
A warm hand that kept on rubbing her back brought her to consciousness. Nang balingan niya kung sino ito'y bigla siyang dumiretso ng upo at dumistansiya ng kaunti.
"Relax. It's me Malik."
Kumunot ang noo niya nang hindi maintindihan ang sinasabi nito. Gumagalaw ang labi pero wala siyang marinig na boses.
Sa ibang direction siya tumingin upang kusutin ang tainga. "I can't hear you. What's happening to me?" she hysterically asked. Sinubukan niyang pindutin ang kabilang tainga pero wala talaga siyang marinig. Naghihisterya na siya sa sobrang kaba kung bakit nangyayari ito sa kanya hanggang sa iharap siya nito.
"Winona, are you alright?" he growled.
Natigalgal si Jyra sa gulat. He is damn mad at her. It is his expression tells her so. Those menacing blue eyes boring at her looks hungry predator that's ready to eat his prey.
Kumurap-kurap siya at agad isinara ang nakaawang na bibig. She heard it. He called her by her fake name. Ang pangalang alam nitong siya, hindi ang dapat na si Vika. He knows her someone who is not. Hilarious isn't it? Hindi nga pala alam ni Malik ang totoong pangalan niya dahil hindi naman ito nagtanong noon.
Umihip ang panghapon hangin sa kanilang pagitan. Malamig niyang iniwas ang tingin upang yakapin ang sarili. Dahil nakabikini lamang siya'y agad siyang nanginig. Katahimikan ang namagitan sa kanila saglit at nang mapagtanto niya kung bakit sila naroon ay bigla siyang napatayo. "Where are we?" she asked him, but Malik just stood up looking for something.
Kinakabahan siyang luminga upang hanapin ang mga bahay na alam niyang nakikita pa niya kanina noong sila'y mag-banana boat, ngunit kagubatan at karagatan lamang ang nakita niya ngayon. "Oh my god! Are we lost?"
Nilingon niya si Malik.
Hindi siya sinagot nito.
Agad siyang nataranta at tumakbo palapit sa may baybayin. Positibo siyang kapag sumigaw siya'y maririnig iyon. "Wi-" she cut off her voice immediately and glanced at Malik.
Seryoso ito sa pagdampot ng mga kahoy sa gilid-gilid ng gubat.
Muntik na ako roon. She cleared her throat and tried to shout her brother's name. Luminga siya sa kabilang side at isinigaw naman ang pangalang Vika. She closed her eyes frustratingly. Nangati kasi bigla ang lalamunan niya. She was not used on shouting. Kawalang respeto kasi iyon para sa kanya, pero iyon kasi ang hinihingi ng pagkakataon. Hindi naman puwedeng maupo lang siya roon at hintaying mag-ugat sa buhanginan.
Susubukan niya sana muling sumigaw ang kaso'y napansin niya si Malik na papasok sa gubat. Dala ng takot ay agad siyang tumakbo at hinawakan ito sa braso. "Where are you going?" she asked nervously.
"The sun is near to set. If we make a smoke, for sure they will find us." Muli itong nagpatuloy kaya't agad siyang sumunod.
"Kung ganoon ay sasama ako. Ayokong maiwan, a-" Naputol ang kanyang pagtili dahil sa agarang pagkapit sa braso ni Malik. Naagapan ang kanyang pagdausdos pababa. Kumuha siya ng lakas kay Malik para hilain ang kanang paa. Kaso gumuhit ang hapdi sa kanyang hita kaya't nangilid ang kanyang luha. Paglingon niya sa paa'y nakita niya ang nagdurugong hinliliit na natuklap ang kuko. Bumaon sa sanga kaya umangat.
She heard Malik cursed and then the next thing she did was to scream when he scooped her effortlessly. Agad pumalupot ang braso niya sa batok nito sa gulat. Nahigit din niya ang hininga sa sobrang mangha sa nakikita.
Natatandaan niya noon sa tuwing gigising siya ay nakikita niya ang galit pa ring mukha ni Malik kahit sa pagtulog. Ang kilay nitong masyadong minamahal ang isa't isa at palaging naghahalikan. Ang labi nitong pagkanipis-nipis tipong kapag hinalikan mo'y magdurugo agad. How could you ignore it? It was like cherry, so luscious to taste and bite until it bleeds.
Pumikit siya ng mariin ng gumuhit sa kanang hita niya ang hapdi ng kanyang sugat. Tahimik niya iyong kinimkim hanggang sa biglang huminto si Malik at sinulyapan siya. "Lilinisin natin ito, pero mahapdi dahil tubig alat. You have to endure it."
"It's okay." Being left by the person you cherished was more painful than wounds.
Hindi umimik si Malik. Hindi rin ito kumukurap habang nakatingin sa kanya. Parang tinatantya kung gagawin pa ba o hindi.
Hinampas niya ang likuran ni Malik at bahagyang tumawa. "Malayo sa bituka 'yan, ano ka ba. Keri lang." She laughed more to release the tension between them. Hell, talagang pinagtatagpo ang landas nila sa mga ganitong pagkakataon.
"Okay, then." Dahan-dahan siyang ibinaba ni Malik at pinaupo sa tuhod.
Alam niyang awkward ang posisyon ni Malik at mukhang nakakangawit kaya kusa niyang inabot ang hinliliit para linisin. Grabe ang panginginig niya habang ginagawa iyon pero hindi siya nagreklamo. Tiniis niya ang hapdi kahit pa gustung-gusto niyang manuntok sa sakit.
Malik was just silent the whole time. And she knows he was watching her reaction.
Hindi siya nagpapanggap na nagtatapang-tapangan. Iyon talaga siya. She never let her guard down. She never let anyone see her weak side, no one, except Winona, Carla and Pause.
"I'm done."
Agad siyang binuhat ni Malik at pinaupo sa malapad na bato. Hindi niya maiwasang mapansin ang short nitong basang-basa. He might catch cold! Nagpakawala siya ng malalim na paghinga. "I'm sorry." Kinusot niya ang kanyang mga mata dahil sa nagbabadyang luha. Kasalanan niya ito kung bakit sila rito napunta. Kung sana'y hindi niya hinila ang tali ng vest nito. Kung sana ay marunong siyang lumangoy, walang ganitong eksena.
Pagod na lumebel sa kanya si Malik. Ang kaninang galit nitong mga tingin ay lumamlam at mapag-intinding minasdan siya. "Wait for me here. I'll be right back."
Marahan siyang tumango. "Bilisan mo, ha."
Tumayo si Malik nang hindi inaalis ang tingin sa kanya.
Ngayon ay tinitingala niya na ito. "Lakad na. Hihintayin kita."
Tuluyang pumasok si Malik sa gubat kaya bigla siyang binalot ng lungkot at pangungulila. Inayos niya ang pagkakaupo upang mayakap ang dalawang tuhod. Nag-aagaw ang kahel na kulay at dilim nang sulyapan niya ang papalubog na araw.
Destiny is truly playful. Kung sino pa 'yung iniiwasan mo siya pa ang makakasama mo. Maliit ba nag mundo para muli silang magkatagpo? At talagang sa ganito pang hindi inaasahang trahedya.
Sa ilang minutong paghihintay niya ay napansin niyang lumalakas ang tunog ng hampas ng tubig sa dalampasigan. Napansin din niya ang lumalakas na huni ng mga ibon at pagsayaw ng mga puno sa bawat ihip ng hangin.
Hinigpitan niya ang yakap sa sarili. Kinaskas niya ang magkabilang balikat dahil sa sobrang lamig. Agad siyang napasulyap sa kagubatan nang makarinig ng yabag at ilang magkasira ng dahon o pagbali ng sanga.
Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi nang makita si Malik na may dalawang kahoy at saging. Malalaki ang hakbang nito kaya't mabilis na nakalapit sa kanya. Inilapag muna nito sa gilid ang mga kahoy bago bumaling sa kanya.
He handed to her the banana. "We can survive at least."
Tumatawa siyang kinuha iyon. "Banana is life." Biro niya habang pumipilas ng isa. Buong pag-ingat niyang tinanggalan iyon ng balat. Bago kumagat ay napatingin siya kay Malik. Bigla siyang na-conscious sa paraan nang paninitig nito. Magkasabay silang nag-iwasan ng tingin.
Si Malik na umuklo para magsimulang gumawa ng apoy habang siya'y nakatalikod ditong minamasdan ang saging.
Bakit ba kasi may pa-banana-banana is life pa akong nalalaman. Baka iba ang dating sa kanya. Kinagat niya ang labi at nahihiyang pumikit ng mariin. Parang ayaw niya na tuloy kainin 'yung saging. Tapos na-conscious pa siya sa laki noon.
"It's okay now."
Nilingon niya si Malik. Humanga siya sa galing nito sa paggawa ng apoy. Umayos siya sa pagkakaupo at doon humarap. She watched Malik sit beside her. Maging sa pagpilas nito sa saging nang walang kahirap-hirap. Kahit sa pagtanggal nito sa balat ay hindi niya magawang kumurap. He looks neat and clean to everything he does. The man's with no flaws. He is a dangerous beast who's sitting beside her. Nagmukha siyang kuting sa laki ng built nito.
Tatlong kainan lang ang ginawa nito sa pagkalaki-laking saging samantalang siya'y nakakaisang kagat palang.
"You know how to make that?" Tinuro niya ang apoy sa kahoy.
Habang binabalatan ang ikalawang saging ay sumulyap ito sa kanya. "Yeah! I learned it when we climb the Mount Everest."
"You did?" Mangha niyang tanong aakmang kakagat sa sarili niyang saging. Mid-way she stopped when he didn't response instead he just glared at her.
Nang malunok niya ang saging ay bigla siyang nanabik. Napagtanto niyang gutom pala siya talaga. Dahan-dahan niyang kinagat ang saging. She felt something was sticky on the side of her lip. Using her tongue she removed it without tearing her sight with his.
Malik fake a coughed. Humarap ito sa apoy at hindi na lumingon pa sa kanya. Siya naman ay nilantakan na ang buong saging. Hindi na rin siya umimik sa mga nagdaang oras dahil bigla siyang tinamaan ng antok.
Madilim na ang paligid ng siya'y maalipungatan. Nanginginig siya sa lamig kahit pa anong gawin niyang yakap sa sarili.
"You're shaking."
Nilingon niya si Malik at marahang tumango. Hindi niya na kaya ang sobrang lamig. Kahit may apoy sila ay hindi sapat iyon. Kinaskas niya ang mga palad at inipit ang kili-kili, ngunit ganoon pa rin. Nanginginig pa rin ang ilalim ng baba niya maging ang mga laman-laman niya.
She stiffens when Malik's thigh brushed her shoulder. Tinaboy noon ang inaantok niyang diwa at ngayon ay gising na gising na siya. Naging sunud-sunod ang tambol ng puso niya ng parehas na binti nito ay nasa magkabila niyang gilid, at mula sa likod ay naramdaman niya ang dibdib nito.
"Forgive me, but we might die because of this... f*****g cold night." He barked laughter after saying those.
She laughed as well, kahit pa ang totoo'y nangangatog na siya sa kaba.
He moves a bit closer to cage her by his arms.
Lalo siyang nanigas sa puwesto, natatakot na baka may makaling siya sa likuran kapag lalo pa itong lumapit. Puwede naman siyang magreklamo pero may punto kasi ang sinabi nito. Wala siya sa lugar para gawin iyon. Actually he is saving her ass now for the third time.
Muling umihip ang malakas na hangin sanhi para magtindigan ang mga balahibo niya. Agad siyang sumiksik kay Malik at napakapit sa braso nito. "I'm sorry. Sobrang lamig talaga," bulong niya.
Malik ignored her apologies, he even leans his head to her shoulder and remained silent.
Dahil sa lamig ay naging manhid siya. Nawala na ang hiya niya, o kahit ang maamoy ang malansang dagat. Sa hindi maipaliwanag na dahilan sa ganoong posisyon ay bumigat ang talukap ng kanyang mga mata at makatulog.
Ilang oras ang lumipas, biglang gising si Jyra dahil sa tunog ng Jet ski. Gaya niya ay nagising din si Malik. Sa 'di kalayuan ay natatanaw nila iyon patungo sa kanilang gawi. Nagkatinginan sila ni Malik. "Sila na siguro iyon," Aniya, agad ikinaway ang kamay. "We are here! Guys! Shawn?"
Buong sigla siyang tumayo sa tulong ni Malik. Alintana ang lamig, muli siyang kumaway habang nakangiti.
"Winona?"
Hindi niya tuloy matukoy kung sino sa mga naghintuang Jet ski ang kapatid, basta nabatid niya ang boses nito'y agad siyang lumingon kay Malik. "They found us."
Nahuli niya itong nakatingin sa kanya saka tumango. He looked back on the shore.
They were five people; three rescuers, Shawn and Winona.
She watched Shawn run fast. Nang makalapit ito'y nag-aalala itong minasdan ang mga braso niya. Hinihingal ito at alalang-alala sa kanya. "Were you hurt?" He asked still checking her, bumaba ang paningin nito sa paa niya. "f**k! What happened?" Imbes na sa kanya ito tumingin ay sa likuran.
Nang mapagtanto kung sino iyon ay agad siyang humarang sa vision ni Shawn. "It was an accident. I can walk, Shawn."
Gumalaw ang panga nito bago tumango. Batid niyang marami itong gustong sabihin o itanong pero pinili nito ang manahimik habang isinusuot sa kanya ang dalang bathrobe. "Let's go."
Binuhat siya nito na hindi niya ikinagulat. Bigla siyang nanghina at mas gusto na munang magpahinga. Gaya ng ginawa niya kay Malik, ipinalupot niya ang braso sa leeg ni Shawn. She even glanced to Malik.
Sinusuotan ito ni Winona ng bathrobe at may ilang pag-uusap na hindi na niya marinig. Napatigin siya sa harapan noong bumaling sa kanya si Malik. Gusto niyang magpasalamat dito. He save her ass three times. Since then he is her savior. At hanggang hindi niya pa rin nagagawang magpasalamat dito.
Pagkarating nila'y sinalubong agad sila ng grupo ni Shawn at ilang staff ng hotel, Swizz at Vogue. May tatlong sasakyan din ng pulis ang naroon, kaya't biglang lingon siya sa tatlong rescuer na kasama nila. Nakumpirma niyang mga pulis iyon noong kausapin si Malik.
"Okay ka lang Winona?" si Fred na alalang-alala.
Imbes na sumagot ay nilagpasan ito ni Shawn. Binuhat kasi siya nitong muli. Colin, Pao and Carl are just silently following them. Mukhang walang pakialam si Shawn sa mga Pulis at ilang matang nagmamasid o nakikiusyoso. Dire-diretso lang kasi ito patungo sa hotel.
"Don't follow us. Susunod ako sa inyo." He announced before pressing the close button.
Tipid na ngiti ang ibinigay niya kila Colin na tahimik na pinanood ang pagsara ng pinto. Tahimik silang dalawa hanggang sa ihiga siya nito sa kama. Shawn immediately took the emergency kit.
"Ako na ang gagawa niyan," agad niya. Inilayo pa niya ang paa bilang pagprotesta.
Agresibong hinilot ni Shawn ang bridge ng kanyang ilong. "Hindi ko sinabi kila Mama ang nangyari... kahit pa malapit ko nang mapatay ang sarili ko kapag hindi kita nahanap ngayon." He heave a deep sighed. "I'm f****d up of letting you ride that f*****g banana boat. Damn. Hindi ko alam na hindi ka pala sanay lumangoy."
Nasapo ni Jyra ang dibdib sa biglang buhos ng emosyon ng kapatid. Natakot siya sa tono ng pananalita nito, lalo noong binalya nito ng ilang beses ang sarili nitong dibdib. She knew it hurts, malakas kasi at dinig na dinig niya.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata. "I'm sorry. It was my fault."
"No. You are not. We've lost you once. Natakot akong maulit iyon. Kaya noong tumaob ang banana boat... hinanap agad kita. I swam deep just to find you, but you're nowhere to find. Umahon ako nagbabakasakaling baka okay ka... pero si Vika lang ang naabutan ko." Hinilamos nito ang mukha gamit ng mga kamay. When he darted his gaze on her, nanginig si Jyra dahil nakitang nagbabadyang luha sa gilid ng mata ni Shawn.
"Si Malik ang nagligtas sa akin. I pulled the string on his vest. Kung wala siya-" Hindi niya itinuloy ang sasabihin, sumisimple ng kamot sa siko. Kahit hinahatak na ng kama ang katawan niya'y kailangan niya munang maligo. She's stinky. "I want to take a bath."
Napansin siya ni Shawn na inaabot ang likod para kamutin. Naiiling itong ngumiti. "But, I'm glad Malik's with you. Alam kong hindi ka niya papabayaan. Bukod sa akin, siya ang isa sa mga puwede mong pagkatiwalaan." Ipinatong nito ang kit sa kama niya. "I'll send your dinner here."
Tumango siya. "Thanks, Shawn. See you tomorrow."
Pagkalabas ng kapatid ay agad siyang dumiretso sa bathtub para magbabad. Nakatulugan niyang ganoon siya, hanggang sa magising siya dahil sa tunog ng click ng pinto. Alarma siyang napaahon at isinuot ang bathrobe. Dahan-dahan pa siya sa paglapit sa pinto, maging sa pagbukas noon. Imposible naman kasing si Shawn iyon. He has spare card key but it's impossible for him to come back. Kung delivery naman ay dapat doorbell ang maririnig niya hindi pagsara ng pinto.
Naabutan niya sa sofa si Winona. Nagulat ito noong bigla siyang sumulpot. Sapo nito ang dibdib at namimilog ang mata. "Papatayin mo ako sa gulat, Jyra."
Nananabik niyang tinakbo ang distansiya para mayakap ito. "I'm so scared a while back, Win. I thought. I thought, I going to die."
Tinapik-tapik nito ang likuran niya. "Hindi mangyayari 'yon. Hush."
Humiwalay siya upang hawakan sa parehas na braso ang kaibigan. "Thank you. Anyway, you looked like really me," puna niya.
Ngumiti ito. Humiwalay para ayusin ang pagkain niya. "I asked Shawn about your keycard." Pinaghiwalay nito ang chopstick bago siya nilingon. "Gusto kitang makausap."
Kumuha siya ng tuwalya para tuyuin ang ilang basa sa katawan niya. Habang ginagawa iyon ay pinapanood niya si Winona. At some point, she's still not completely graceful. She's still the old Winona, except with the curves and enhances style of dresses. Makeup makes her looks strong and fiercer even more.
Umupo siya para simulan ng kumain. She's pleased with the food. Tamang-tama iyon dahil paborito niya. "You really know me," bulong niya.
Hindi siya hinarap ni Winona. Nanatili itong nakatayo at nakatalikod sa kanya. Minamasdan nito ang buong kuwarto niya. "Takot na takot kanina si Shawn. Sobra. Alam mo 'yung kapag tinapik mo siya, e, puputok siya sa sobrang tension."
Napahinto siya sa pagnguya. Naalala kasi niya ang sinabi ni Shawn kanina.
Umupo si Winona sa kama niya. Banayad na hinahaplos ang bedsheet. "He really believes you as Winona."
"The same thing to you. People believe you as the new Vika." She doesn't know why she's acting like this. Bigla nalang iyon lumabas sa bibig niya. Or maybe Winona's word initiate her to say those. She's sounded bitter.
"Akala mo lang 'yon, Jyra." Tumayo si Winona para dumiretso sa tabi ng bintana. "Lenona. For sure kilala mo siya. Palagi niya akong binubully." Marahas itong lumingon sa kanya. "May hindi ba kayo pagkakaunawaan noon?" Her forehead creased.
"No we're not. Actually, takot sa akin 'yon. Bakit ka niya binubully?" Muli siyang nagpatuloy sa pagkain.
"Hindi sila naniniwalang may secret relationship ako. Naninibago sila at palagi niyang napapansin ang lakad ko."
"Totoo nga bang may relasyon kayo noong Malik?" She's focus on her food, hindi na niya naisip kung bakit iyon nasabi kaya nang mapansin niya ang pananahimik ni Winona ay nilingon niya itong nakatingin sa kanya - seryoso at mukhang galit.
Ano nga ulit ang sinabi ko? Tumingin siya sa pagkain pagkatapos ay kay Winona. Naalala niya na, tungkol iyon kay Malik.
"He confessed the same day. Sabi niya gusto niya ako at ganoon din ako sa kanya, kaya sinagot ko agad," anito ng hindi kumukurap.
Sa isang iglap, bigla niyang hindi nakilala si Winona. She's trying to read her but Winona was too serious while glaring at her. She's unreadable and expressionless. Is she saying the truth or not? She can't decide.
At dahil sinabi nitong gusto siya ni Malik noong ipakita niya ang mukha, ibig sabihin gusto talaga siya nito at hindi ang mismong si Vika.
Dahan-dahan siyang huminga, hindi inaalis ang tingin kay Winona. "He kissed you. It means he really like you, Winona." Parang may pumitik sa dibdib niyang masakit. Mas masakit pa sa natamong sugat o sa kamuntikan niyang pagkalunod. This one is different. Parang matagal ng nasa katawan niya na ngayon ay unti-unting bumabaon at napakasakit.
"He did. We even slept in one bed."
Nanginig siya mula sa pagkakahawak sa chopstick. She tried to stop it by picking up the last meat, but she can't. Hindi niya madampot ang natitirang shark spin dahil sa panginginig. Saglit siyang huminto para kumalma. Tumango siya. Sumulyap kay Winona.
Nananatili itong expressionless para bang gayang-gaya na talaga si Vika. "Gusto ko si Malik, Jyra. Iyon bang kaya kong bitawan ang lahat 'wag lang siya. I can give up everything now. Huwag lang si Malik."
Hindi nagtagal si Winona dahil tumawag si Mr. Chen dito.
Pasado ala una na at hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Kanina pa siya tulala sa kawalan. Ang mga binitiwang salita ni Winona kanina ay parang musikang paulit-ulit na umi-echo sa tainga niya. Lalo nang sabihin nitong natulog na sila sa iisang kama.
Dismayado siyang ngumisi bago pumikit at sumandal sa headboard. Imagining Malik on top of Winona. They are kissing passionately. Gasping. Dancing. Both naked. Agresibo siyang dumilat at tinampal-tampal ang magkabilang pisngi. "Did they really do it?" she asked of herself, eyes were almost teary. She massaged the bridge of her nose. Naalala niya ang nakaraan. They've shared one bed too. "But that's frigging different. I'm sixteen when he slept with me... and. And, there is a boundary between us. A pillow, f**k!" Sinabunutan niya ang buhok at pinaghahampas ang magkabilang gilid sa sobrang inis. "He even bothers himself to ask my real name?" she groaned loudly.
Napansin niya sa flat screen ang kanyang reflection. She looks miserable and ugly. Dati ay hindi niya napapansin iyon, hindi naman kasi siya nakaramdam ng insecurity kahit noon pa man. She earn everyone's attention. Everyone was always pleased with whatever she wore. With or without make up her beauty lifts even in the midst of the crowd.
"Did you really forget me? Huh, Malik?" Pumikit siya ng mariin at pinilit ang sariling makatulog.
Tinanghali ng gising si Jyra. Masakit na sa balat ang sinag ng araw kaya bago lumabas ay naglagay na siya ng sunscreen. She even gave a message to Shawn. Dumiretso siya sa kubong kinainan nila kahapon. Naabutan niya roon si Shawn na mag-isa.
"Where are they?" She asked eyeing the people who are currently eating.
"Intimate kasi ang theme nila Vika, syempre papahuli ba 'yung mga unggoy."
Ngumisi siya nang mahimigan dito ang inggit o kung ano man. Patay malisya niyang kinuha ang menu book upang pumili ng kakainin. Kung maaga sana siya gumising ay tiyak mapapanood ng kapatid si Vika. Gumalaw ang kilay niya sa naisip. Si Winona kasi ang totoong kapatid ng binata tapos gusto nito si Vika na ngayon ay si Winona.
Padabog niyang ipinatong sa lamesa ang menu kaya napasulyap sa kanilang gawi ang ilan. Maging si Shawn ay nagtaka sa kinikilos niya.
"Problema mo? Masakit pa rin ba ang paa mo?"
"Gusto ko ng mainit na sabaw."
Saglit lang sila roon. Binilisan niya ang kain dahil halatang mainit ang ulo ni Shawn. May ideya siya kung bakit pero nasasagwaan siya kapag naiisip niyang magkadugo si Winona at Shawn. At si Winona ang gusto ay si Malik.
"Saglit. Huwag na tayong manood, mas gusto kong mag-fishing," suhestiyon ni Shawn.
Ganoon nga ang ginawa nila. Sumakay muna sila sa maliit na bangka at hinatid sa maliit na Yacht. Shawn pid the rent for how many hours they want. She doesn't bother to ask, she's too excited to try the fishing.
Manghang-mangha si Jyra sa tanawin. Ang asul na karagatang nakalimutan niya ng isinumpa niya kahapon. Ang bawat islang tunay na nagbibigay marka sa ganda ng lugar. Ang misteryo, disenyo at ibat-ibang laki ay nakakahanga.
Magandang ang klima ng mga oras na iyon, bagaman tanghaling tapat ay hindi ganoong kasakit ang sinag ng araw. Nililipad ng malakas na hangin ang suot niyang boho gypsy dress gaya ng buhok niya. She don't mind. The air was refreshing. The place was truly a paradise.
"Tumawag si Mama. Nangangamusta."
Nilingon niya si Shawn. He is his black wayfarer, sky blue v-neck t-shirt and black summer shorts. Simple, pero agaw pansinin ng kababaihan. Naalala niya nang makita kung saang table ang pinili ni Shawn para maghintay sa kanya. Sentro lang naman at lahat ng mga kababaihan ay panay ang lingon sa kanya.
"What did you say?"
"We're having fun." He simply replied lips were protruded.
Tumango siya. Kahit papaano, nakahinga siya ng maluwag. Lying and keeping the truth is not being bad. Kung siya man ang nasa kalagayan ni Shawn, for sure she will do the same. Ayaw niyang mag-alala pa ang mga ito. She's safe now. And that is more important.
Huminto ang Yacht kaya't naghanda na silang mamingwit. Jyra enjoyed it very much. They stayed there for two hours and she's glad of catching two fish, while Shawn made the bucket full.
Nagtatawanan silang dalawa ni Shawn ng maaninag niya sa 'di kalayuan ang pamilyar na lalaki. A tall, massive and dangerous man standing on the edge of the shore with his menacing aura. His presence was unavoidable. Kahit umiwas siya ng tingin ay para hinihila ng lalaki ang kanyang atensyon.
The wind blew harshly, nilipad ang buhok niya ng wagas kaya bumaling siya paharap kay Shawn. Tinulungan siya nito sa pagbaba sa maliit na Bangka. They even share the half of the fish on the owner of the Yacht. Unti-unti na silang nakakalapit. Malik was not alone anymore, he is with Shawn's friend and one unfamiliar face.
"Winona." Si Fred kumakaway sa kanya.
She didn't show happiness on her face. She's stocked with Malik's intense stare. Umiwas lang siya noong huminto ang Bangka. Nagsilapitan naman sila Colin sa kanya. Sabay-sabay ang mga itong naglahad ng kamay para sa pagbaba niya.
Aabutin niya sana ang isa sa mga ito nang mahawi at makuha ang kamay ni Shawn.
"Ay nanghahawi P're, ang hirap tuloy lapitan ni Winona. Hindi ako makadiskarte." Parinig ni Fred kay Shawn kahit pa nakaakbay ito kay Pao na nakangisi lang.
"Excuse me boys." Isang bakla ang biglang sumingit sa pagitan ni Colin at Carl. Lumagpas ito sa kanila at dumiretso sa kanya.
She's 5'9 inch tall. Walang duda kung bakit tinitingala siya ng bakla. "My name is Lily. Ikaw, anong pangalan mo?"
Tumagos ang paningin niya rito patungo sa likurang imahe. Malik in his dark, dangerous and angry eyes met her. She looked back to Lily. "Winona. Winona Friis po," she humbly replied.
Biglang kinilig ang bakla sabay abot sa kamay niya. "Ay malambot. Yayamanin. Anyhow, napansin ka kasi ni Mr. Chen kanina. He even captured you while riding that small boat. And guess what, he's curious about you. You're so beautiful, Winona."
Bigla siyang na-conscious sa mga lalaking nakapalibot sa kanya. She glanced at Colin, Pao, Carl, and Fred. All their expressions are just like with Lily; surprised or she doesn't really have an idea.
Kinilig si Lily nang biglang lumapit si Shawn. "Teka, si Shawn Friis ito. Kapatid mo ang isa sa mga sikat na architect sa Asia? Gosh!"
Ngumisi si Shawn sa reaction nito. He looks proud and arrogant.
"Yeah, he is my brother. And what do you mean by Mr. Chen, again? Wait... are you... from Swizz or Vogue?" pagbabalik niya sa topic, bigla kasing parang aatakihin sa kilig si Lily noong akbayan siya ni Colin.
"Vogue, girl." Tinusok nito sa tagiliran si Colin ng hindi siya nililingon. "Ikaw, ha. Ang harot mo. Anyway, Winona -"
Naagaw ng atensyon niya si Malik noong tumalikod ito para sagutin ang tawag sa kanyang cellphone. Hindi niya na narinig ng maayos ang pinapaliwanag ni Lily dahil narinig niyang binanggit ni Malik ang pangalan ni Vika. Marahil si Winona ang tumawag dito.
She heave a deep sigh. "Thanks, Lily."
Halatang may gusto pang sabihin si Lily pero tinalikuran niya na agad. "Shawn, I'm thirsty. Let's drink while cookin the fish." Muli siyang lumingon kay Malik. Nahigit niya ang hininga ng makitang sumusunod ito sa kanila.
Bakit ka narito? Doon ka na sa Vika mo.