TUMAYO si Olivia mula sa pagkakaupo niya sa harap ng vanity mirror ng may kumatok sa labas ng pinto na kinaroroonan niyang dressing room sa may The Gentlemans Club. At bago niya buksan ang pinto ay dinampot niya ang mask na napatong sa ibabaw ng vanity mirror at saka niya iyon isunuot sa kanyang mukha. Pagkatapos ay humakbang siya palapit sa pinto para buksan iyon. Napabuksan naman niya ng pinto si Madam Miranda. "Hi, Miss A," bati nito sa kanya. Isang ngiti lang naman ang isinagot ni Olivia dito bilang pagbati din. "Ready?" mayamaya ay tanong nito sa kanya. "Opo," sagot naman niya. "Okay," wika naman nito. "Anyway, hindi ka sa dati sasayaw." Hindi naman niya napigilan ang mapakunot ng noo sa likod ng maskara sa sinabi nito. "Saan po?" tanong niya. "Sa VIP room," wika nito sa

