PAGKATAPOS ng dalawang araw ay sa wakas ay magaling na din ng tuluyan si Olivia. Nawala na din ang pananakit ng katawan niya, lalo na ang pananakit ng p********e niya. Nakaka-kilos at nakakagalaw na din siya ng maayos. Hindi katulad noong nakaraang araw na konting kilos lang niya ay nakakaramdam siya ng kirot sa p********e niya. She was totally healed. Sa katunayan ay ready na nga siyang pumasok sa trabaho. "Okay ka na ba talaga, Ate?" tanong ni Oliver nang makita siya nito na handa na para pumasok sa trabaho. Dalawang beses na siya nitong tinanong kung okay na ba talaga siya. "Bukas ka na lang kaya pumasok, Ate. Baka mabinat ka," dagdag pa na wika nito sa kanya, mababakas sa pag-alala sa boses nito. Nginitian naman ni Olivia si Oliver para ipakita dito na okay na siya. "Okay na ako, O

