HINIHINGAL si Olivia matapos ang performance niya ngayong gabi sa The Gentleman's Club. Isang masigabong palakpak din ang natanggap niya sa mga customer na nakapanuod ng performance niya. Hindi naman napigilan ni Olivia na mapasulyap sa gawi ng lalaking laging nakakakuha ng atensiyon niya kapag sumasayaw siya ng pole dancing. At dahil hindi niya alam ang pangalan nito ay tinawag niya ito sa isip niya na The mask man, iyon ang tawag niya dito dahil gaya niya ay lagi din itong nakasuot ng maskara. Mukhang gusto din ng lalaki na itago ang identity nito. And Olivia bit her lower lips when she saw the man who still looking at her intently right now. Simula yata noong mag-umpisa ang performance niya ay nakatitig na ito sa kanya. At kahit na tapos na ang performance niya ay nakatitig pa din i

